PAGDATING NAMIN SA presinto, labis na ang kaba ng nararamdaman ko. Kasama namin ni Tito sina Daddy Hector at Kuya Aiden. Nagsuot lang sila ng hoody jacket, cup, at salamin para hindi sila makilala. Hinayaan naman sila ni Tito na sumama sa amin dahil para rito, may karapartan ang mga ito bilang pamilya ko. Habang papaunta kami rito, nag-usap na sila Tito at Daddy. Nangako naman si Daddy na gagawin niya ang lahat para makuha ni Mommy ang hustisya. Malaki rin ang pasalamat ni Tito sa amin ni Kuya dahil galit kami sa kanila, wala silang ginawang masama sa pamilya. Katulad nang sabi ko noon, labas sila sa lahat ng ito. Si Cheska lang talaga ang sadya naming ni Kuya. Ako lang pala. Wala pa lang ginawa si Kuya. Imbes na maghanap ng ebidenisya, minahal pa niya ito. Though valid naman ang reason

