“SASAMA PO AKO, Tito,” sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko naman ang pagbabago ng itsura ni Kuya. Mukhang ayaw niya sa plano ko. Pero hindi naman ako mapakali kung wala akong gagawin. Paano kung may masamang mangyari sa kanila? Baka rito pa ako mamamatay dahil sa sakit sa puso. “Nababaliw ka ba?” inis na tanong ni Kuya. “Hindi ako baliw. Nasa tamang pag-iisip pa rin ako. Kuya, anak din ako. Kung nag-aalala ka, nag-aalala rin ako,” sabi ko. “Pero buntis ka,” sabi ni Kuya. “Hindi naman ako lalabas ng sasakyan. Doon lang ako sa safe place. Ang gusto ko lang, nandoon ako. Kuya, mamamatay ako sa kaiisip kung nandito lang ako,” sabi ko. “Sasama rin ako,” sabi ni Atlas. “Atlas, patawad pero hindi ko hahayaan na sumama ka. May sakit ka. Hindi lahat ng mga pulis ay pasok sa s

