Miss Daydreaming "Mga spoiled bratt." Napa-woah naman kami ni Chelsea maging ang iba naming kaklase dahil sa sinabi ni Ma'am Buenaobra pagka-labas na labas nung tatlo mga fashionista. Umirap pa ang aming guro at hinawi ang kaniyang buhok. Grabe! Ang cool ni ma'am! Tama nga ang mga naririnig kong mga chika na hindi lang siya basta maganda at hot na teacher kundi napaka-astig na mala Charlie's Angel. I'm her fan na tuloy. Kasi akalain niyo iyon 36 na ni ma'am pero litaw na litaw pa rin ang ganda niya na para bang college student lang. Kahit hindi nga mag make-up o magpaganda itong si ma'am eh mapagkakamalan mo pa rin siyang student teacher. Kaya nga hindi ko lubos maisip kung bakit ang daming nagshi-ship sa kanila ni teacher Bulato. Sabihin na din nating may looks pa rin si sir kahit

