Air-con Napansin ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Chelsea habang naglalakad kami palayo sa seven-eleven. Tumigil ako sa paglalakad na siyang ginawa niya rin. Ang natatawang mukha niya kanina ay agad niyang pinalitan ng parang makikidigmang mukha. Grave talaga ang skill ng best friend ko. Speed pwede na talaga itong mag artista o kaya mag perform sa perya tapos ako ang number one supporter niya at taga sigaw sa tuwing lalabas na siya. "Bakit?" tanong niya. "Bakit?" balik ko namang tanong sa kaniya. Napatawa naman ako sa aking isipan ng makita ang confused niyang pagmumukha. Alam niyo yung itsura ng kriminal na akala niya walang saksi sa nagawa niyang krimen? Kasi yun yung itsura ngayon ni beshy. "Akala mo siguro hindi ko nakita yung pag tawa mo noh? So, bakit ka natatawa kanin

