"TWO out of ten ang score niyo." Bakas na ang matinding pagkadismaya sa boses ni Coleen kaya naman pabagsak na lamang naupo si Thomas sa sofa. "I can't do this anymore…" Sapo niya ang noo at saka marahang hinilot-hilot iyon. Halos isang linggo na rin ang dumaan mula nang simulan nila ng dalaga ang kaniyang pagsasanay. Nagpalagay ito ng malaking aquarium sa loob ng kaniyang opisina sa bahay at saka nilagyan iyon ng sampung magkakamukhang isda. Each fish has its own name and he's given a task to know which is who. But up until now, it's still difficult for him to tell the difference. Especially when they all look the same in his eyes. "Break time muna tayo?" muling usal ng dalaga sa kaniya. Abala na ito sa checklist nang balingan niya ng tingin. At sa tuwing makikita niya itong pursigid

