KANINA pa hindi mapakali sina Jonathan at Elaine habang hinihintay na matapos ang dalawa nina Thomas at Coleen sa dinner ng mga ito. Sa sobrang pagkabalisa'y hindi na nga niya halos nagalaw ang pagkain sa harapan. "What's taking them so long?!" Hindi na nakapagpigil pa si Elaine sa katanungan nito. Muli siyang tumingin sa suot na rolex wristwatch at saka itinuon ang atensyon sa direksyon kung nasaan ang main dining hall. "Chill… naghahapunan pa rin sila," ani Trevor mula sa earpiece na kaniyang suot. Halos nawala na nga rin sa isipan niya ang tungkol sa binata. "Keep me updated of what's happening between them—" "P*cha, Jonathan! Puntahan niyo na si Coleen, bilis!" Pabalikwas siyang napatayo mula sa kinauupuan at mabilis na sinunod ang sinabi ni Trevor. "What happened to her?!" Taran

