MARAHAS na tinanggal ni Trevor ang suot niyang headphones at saka iyon ibinato sa harapan ng kaniyang gamit na laptop. Iyon ay matapos maputol lahat ng koneksyon niya kina Jonathan at Coleen. "Putek!" Kaagad siyang napakapit sa kaniyang sikmura dahil sa matalim na kirot na kaniyang naramdaman mula sa pahilom palang niyang sugat. Iyon ay matapos ang agaran niyang pagtayo na kaagad din niyang pinagsisihan. Nagsimulang mamuo ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo, kasabay ng pagbigat ng kaniyang paghinga. Kahit pa may aircon naman sa guest room ng condo unit ni Jonathan, kung saan siya kasalukuyang naglalagi. Kahit naman kasi tuyo na ang sugat sa labas ay aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang maghilom ang nasa loob niyon. Pero iisipin pa ba niya ang sariling nararamdaman gayong mas nasa

