WALA sa wisyong tinungo ni Jonathan ang daan palabas ng kwarto matapos siyang ipagtulakan ni Coleen. Namamanhid ang kaniyang katawan at tila bawat hakbang niya ay patuloy na bumibigat. "Kuya Jonathan!" Humahangos na tumakbo palapit sa kaniya si Elaine para siguro makibalita sa mga nangyayari. "Bakit ikaw lang ang nandito sa labas? What happened to kuya and that girl?" Tipid siyang umiling dahil hindi rin niya alam kung ano ang dapat isagot sa dalaga. Ito na marahil ang unang pagkakataon na nagkamali siya sa desisyong nagawa. He has always been careful when making judgments but this time didn't go well as planned. "My goodness naman kasi! I agreed with this stupid plan dahil sabi mo, ito ang way para mapawalang bisa ang kasal nila ni Mildred. Pagkatapos ay ganito?" maktol nito sa kaniya

