TULAD ng mga tipikal na araw, maagang nagising si Thomas nang umagang iyon. Ngunit hindi tulad ng kaniyang nakaugalian, mas pinili niyang dumiretso sa dining area, kung saan nakita niya ang isang dalaga na abala sa cellphone at orange juice nito. "Morning," tipid niyang bati rito ngunit sa halip na bumati rin ay napabuga ito sa iniinom. Kaagad niyang nilapitan ito upang abutan ng table napkin. "Are you okay?" muli niyang turan sa dalaga na tingin niya'y si Elaine. Nanlalaki ang mga nitong nakatingin sa kaniya. "What in the world happened at parang bihis na bihis ka yata ngayon, kuya?" Marahan pa nitong kinusot-kusot ang mata na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Diretso siyang naupo sa kaniyang silya habang nakakunot ang noo. "What's new? I always dress like this—" "You're fina

