"PAKIULIT ang sinabi mo?" Hindi makapaniwala si Coleen sa narinig mula kay Thomas. Katunayan nga'y nagawa pa niyang magkunwari na nililinis ang kaniyang tainga upang siguruhin na hindi nagkamali ang pandinig niya. Napuno ng katahimikan ang buong silid dahil tilad niya'y hindi rin makapaniwala sina Jonathan at Trevor sa tinuran ni Thomas. Nakatindig ang lalaki sa kaniyang harapan habang diretsong nakatingin sa kaniya. "Thomas, what are you talking about?" Sa wakas ay binasag na rin ni Jonathan ang katahimikan. Ngunit bakas sa tono nito ang pagkairita. "I've thought of this offer a thousand times. Hindi ko na kayo idedemanda sa ginawa niyo pero kailangan mag-trabaho ni Coleen para sa akin," kalmadong sagot ni Thomas na hindi man lang inaalis ang tingin sa kaniya. Sandaling napaawang ang

