UNTI-UNTING nagmulat ng kaniyang paningin si Coleen at halos puro puti lamang ang bumungad sa kaniya. Maingat niyang inilibot ang kaniyang tingin at doon niya napagtantong nasa ospital siya. "Mabuti naman at gising ka na." Nalipat ang tingin niya sa may leather na sofa at nakita roon si Trevor. Kasalukuyan itong abala sa harap ng laptop na kaagad din naman nitong ibinaba sa maliit na mesa sa harap nito. "B-bakit ako nandito?" medyo nanghihina pa niyang tanong sa binata. Pabalikwas nga itong tumayo upang lapitan siya nang subukan niyang bumangon. "T-teka! Magdahan-dahan ka naman," tugon nito sa kaniya at saka inalalayan na makaupo. "Nag-collapse ka raw kanina habang nasa pantry kaya dinala ka agad dito ni Thomas. May meeting lang siya ngayon pero babalik din agad—" "Siya ang nagdala sa

