"ARE you sure this is going to work? Hindi kasi talaga ito ang tamang oras para unahin—" "So, when do you think is the right time? Kapag na-fall na sila sa isa't isa?" Natigilan si Jonathan sa sinasabi ni Elaine sa kabilang linya. He's currently inside his bedroom in his condo, preparing for the supposed dinner at the mansion. Wala na kasi siyang naging choice kundi paunlakan ang planong iminungkahi sa kaniya ni Elaine — ang pagselosin si Coleen. Alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon para unahin niya ang personal na damdamin, pero hindi rin niya maiwasang mangamba dahil sa pagiging malapit nina Thomas at Coleen sa isa't isa. "Oh, natahimik ka yata?" muling tanong ng dalaga dahil sa sandaling pananahimik niya. He let out a deep breath, "fine. I'll be there in twenty minutes." At

