"CAN your assistant grab us some coffee?" tanong ng isa sa mga board members ni Thomas. At sa isang iglap ay natuon ang lahat ng atensyon kay Coleen. Maging si Thomas mismo ay mataman din siyang tinapunan ng tingin na mabilis din nitong binawi. Nagawa pa niyang sumenyas dito pero hindi na siya muling nilingon pa nito. "Right away mga sir!" maagap niyang tugon bago tumayo. She even rolled her eyes in annoyance as she made her way outside the conference room. Nayayamot siya nag-martsa papunta sa pantry ng floor na iyon para gawin ang kape ng mga naroon. Mabuti nga lang at kahit papaano'y maalam siya sa paggamit ng coffee maker dahil sa naging trabaho niya noon sa coffee shop. "Kumusta na kaya si Tina?" mahinang tanong niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang kaibigan, habang hinihintay na

