Chapter 44: Mixed Signals

1794 Words

ILANG pagpaling-paling na ang ginawa ni Trevor sa kaniyang kama ngunit hindi pa rin niya makuhang kumalma. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa mga kag*guhang lumabas sa bibig niya kanina, habang kausap si Coleen. Matagal na naman niyang inamin sa sarili na gusto niya ang dalaga pero mahigpit din niyang ipinangako na kahit ano'ng mangyari ay hindi nito dapat malaman ang lihim niyang pagtingin dito. Pero hindi niya maintindihan kung ano'ng masamang hangin ang nagtutulak sa kaniya para maging padalos-dalos minsan. "Putek na buhay 'to oh!" reklamo niya sa sarili matapos marahas na bumangon at saka ginulo-gulo ang sariling buhok. "Matalino ka, Trevor. Hindi mo ugaling maging ulol sa isang bagay." Ilang beses pa niyang inulit-ulit iyon sa sarili na para bang isang mantra na kailangan i-a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD