SUOT ang isang royal blue na dress, handa na si Coleen para sa naturang lunch meeting ni Thomas. Makailang ulit din niyang pinasadahan ng tingin ang sarili sa harap ng salamin. "Oh pak! Kabog ang mga hampaslupa sa tabi," pang-aaliw niya sa sarili. Iyon na lang ang naiisip niyang paraan upang hindi na muna isipin si Jonathan; kailangan niyang libangin ang sarili at enjoy-in ang mga mangyayari. "Ang bongga talaga kapag yayamanin! Sinong mag-aakala na ang basahang katulad ko ay magmumukhang first lady ng isang big time CEO… kahit charot lang!" Nagawa pa niyang umikot na parang modelo sa harap ng salamin. Alam niyang mataas na kalidad ang materyales na ginamit para sa kaniyang suot dahil sa gaan ng telang iyon. Sa sobrang gaan ay animo'y wala siyang halos suot. Tinernuhan niya iyon ng itim

