KAAGAD na napahiwalay si Jonathan kay Coleen nang tuluyan nang pumasok ng kwartong iyon si Elaine. Malawak ang ngisi nito at tila ba anumang oras ay may gagawin itong hindi maganda. "E-Elaine…" "Did I miss something here? Kasi as far as I can remember, nag-usap na kami ng babaeng 'ya—hey, ano ba! Bitiwan mo ako!" "We need to talk, Elaine," mahinahong turan niya bago itinuon muli ang tingin kay Coleen. "Rest well for tonight, Colz. I'll see you tomorrow, okay?" Isang tipid na tango lamang ang ibinigay nitong sagot sa kaniya, kaya agad na niyang hinila si Elaine palabas ng kwarto. Pilit itong nagpupumiglas ngunit siniguro niyang hindi ito makatatawag ng pansin sa iba. "Let go of me! Ano ba!" Dumiretso sila ng lakad sa mahabang pasilyo ng second floor at nagtungo sa kwarto ng dalaga. Ka

