Chapter 13: Save Her

1678 Words

"BASTOS talaga ang taong 'yun kahit kailan!" yamot na reklamo ni Coleen matapos siyang pagbabaan ng tawag ni Trevor. "Siguro busy humarot sa mga clients niya kaya ayaw paistorbo ng mokong!" Agad din siyang natigilan dahil sa tinuran saka marahas na ginulo ang kaniyang buhok. "Aba teka. At bakit naman tunog bitter ako sa lagay na 'yun? Ano naman ang pake ko kung humarot siya, habang ako ay walang love life?" Napangiwi na lang siya sa sariling kahibangan. Sa isip niya'y tama ba naman kausapin ang sarili na tila ba anumang oras ay tatakasan na siya ng bait? Pabalikwas siyang bumangon mula sa kama. Sa inis niya'y nagawa pa niyang ibato ang cellphone sa kaniyang kutson saka muling ininda ang kumakalam na sikmura. Dahil sa mga alaalang nanumbalik sa kaniya kanina'y hindi na niya nagawa pang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD