TEN YEARS AGO… Sa murang edad na labintatlo, mas pinili ng binatilyong si Trevor ang magpakalat-kalat sa lansangan. Para sa kaniya'y mas mainam na iyon kaysa maging isang bilanggo sa isang boy's town rehabilitation center, kung saan siya inilagak ng mga social workers. Sa edad na tresé ay isa na siyang ganap na ulila matapos niyang paslangin ang kaniyang pangalawang ama. Matagal na niyang alam ang panlolokong ginagawa nito sa kaniyang ina na siyang naging dahilan ng maagang pagpanaw nito. "Nakikiliti naman ako! Dahan-dahan naman…" Hindi maawat ang sunud-sunod na halinghing at pag-ungol na kaniyang naririnig mula sa isang kwarto. Ang silid kung saan dating naglalagi ang kaniyang ina at ang lalaking itinuring niyang pangalawang ama. Marahas niyang nasakmal ang sariling damit habang ang

