TWO YEARS AGO... "Bakit ba kasi pipili ka lang ng flavor ng cup noodles, inaabot ka pa ng siyam-siyam?!" reklamo ng binatang si Trevor kay Coleen. Pinanlisikan niya ito ng tingin kaya naman mas lalo pang nalukot ang pagmumukha nito sa kaniya. "At ikaw? Kalalaki mong tao pero dalawa ang bibig mo! Saka, sino ba'ng may sabi na sumama ka pa sa akin dito?" Umayos ito ng tindig saka siya pinagkatitigang mabuti. She rolled her eyes heavenwards for she already know the answer to her own question. "Pinababantayan ka nina Elias sa akin," nakapamulsa nitong usal. "Mahirap na, baka bigla ka na lang daw mawala tulad noong nakaraang operasyon natin—" "Okay! Sige na," she said to cut him off. "Kung gusto mo akong bantayan, bahala ka sa buhay mo. Pero 'wag kang magreklamo kung matagal akong pumili ng

