MATIYAGANG hinintay ni Jonathan ang pagbabalik ni Coleen ngunit umabot na yata ng kalahating oras ay hindi pa rin ito lumalabas ng restroom. Paulit-ulit ang ginawa niyang pagsulyap sa suot na relo habang maya't maya rin ang pagsimsim niya sa tubig na nasa harapan. 'What on earth is she doing there?' tanong niya sa isipan. Sa mga oras na iyon ay hindi niya mawari kung may nangyari na bang hindi maganda sa pagitan ng dalawang dalaga. Akmang tatayo na dapat siya upang hintayin na mismo ang dalaga sa labas ng restroom ngunit laking gulat niya nang tumambad sa kaniyang harapan sina Thomas at Elaine. "See, Kuya Thomas. I told you Kuya Jonathan's still here!" nakangiting bungad ng dalaga habang ang dalawang kamay nito'y nakapulupot sa isang braso ni Thomas. Maingat niyang sinuri ang kabuuan n

