Chapter 9: A Series of Misunderstandings

2064 Words

NANG TULUYANG makaalis si Trevor ay muling itinuon ni Coleen ang buong atensyon kay Jonathan. Tulad kanina'y hindi niya pa rin mabasa ang ekspresyong ibinibigay nito. She wanted to clear any misunderstandings between them. But at same time, she has no idea on how to do so. Mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa kaniyang isipan ang mga nasabi niya kanina tungkol sa pagtira nila ni Trevor sa ilalim ng iisang bubong. Alam niyang wala naman malisya ang bagay na iyon dahil parang kapatid lang niya si Trevor. Ngunit nasisiguro rin niyang maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon iyon para kay Jonathan. "N-Nathan... I..." Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin nang bigla na lamang siyang lapitan nito at hawakan sa magkabilang balikat. He even flashed his handsome smile on her.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD