"Ano'ng meron at naisipan mong pinturahan 'yang mukha mo—" "Ay, kabayo ka—Trevor! Bakit ba para kang kabute na basta na lang sumusulpot kung saan?!" Sa gulat ni Coleen ay mabilis niyang naibato kay Trevor ang hawak na brush. Mahigpit din niyang nahawakan ang dibdib na animo'y anumang oras ay kakapusin siya ng hangin sa marahas na pagwawala niyon. "Sa dami ng ikukumpara mo sa akin, talagang sa kabayo pa?" kunot-noong usal nito sa kaniya. She just rolled her eyes and stared at her reflection on the mirror, "ano ba kasing trip mo at basta ka na lang pumapasok sa kwarto ko? Wala ka talagang modo kahit kailan!" Nagkibit-balikat lamang ang binata sa kaniya na mas lalo niyang ikinainis. Pabagsak niyang inilapag ang ginagamit na lip tint nang mapansin niyang hindi pa rin umaalis si Trevor. "

