Hindi pa rin makapaniwala si Coleen sa kaniyang nakikita. Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang huli niyang masilayan si Jonathan... ang unang lalaki na nagpatibok ng puso niya. Maingat niya itong pinagmasdan habang malapad ang ngiting ibinibigay nito sa kaniya. Gusto niyang siguruhin kung tunay ba ang nakikita niya sa mga oras na iyon o bunga lamang iyon ng kaniyang ilusyon. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit ito ang nakipaghiwalay sa kaniya noon ay tila wala lamang iyon para rito. As much as she wanted to welcome him with a slap, there's just an unexplained force which stops her from doing so. "Colz, are you okay?" tanong nito na bumasag sa kaniyang malalim na iniisip. Marahan siyang napailing nang mapagtanto niyang kanina pa pala siya nakatitig sa binata. Pasimple siya

