Chapter 3: Run!

2088 Words
"I'M ALREADY inside the plane, kuya. You don't have to check on me every single time!" maktol ni Elaine habang kausap si Thomas sa kabilang linya. "You sound disappointed—" "Well, I am disappointed! Mas gusto mo pang kasama si Kuya Jonathan instead of me! I'm your sister for crying out loud!" Sandali pa siyang napasilip sa kaniyang magkabilang gilid, making sure that she didn't call too much attention from the other passengers. Boarding in a first-class flight doesn't mean she can literally do whatever she wishes. Although hindi na lang talaga niya napigilan ang pagkayamot sa kaniyang Kuya Thomas. Bakas na ang panginginig sa boses ni Elaine but she's trying her best not to stutter. Ang totoo'y kahit malaki ang takot at respeto niya sa kaniyang kapatid ay hindi pa rin niya maalis sa kaniyang isipan ang matinding tampo rito. How can he trust his brother-in-law na kapatid mismo ng babaeng nang-iwan sa kaniya para sa ibang lalaki? At the back of her mind, it doesn't make any sense at all. Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang pagitan. Tanging ang malalim na buntonghininga ni Thomas lamang ang siyang bumasag niyon. "I am doing this for your safety and the betterment of our company. Mas malaki ang tiwala kong mapapatakbo mo nang maayos ang kompanya habang wala ako. So quit whining like a kid." Elaine just rolled her eyes out of annoyance. Puno ng awtoridad at determinasyon ang tono ng kaniyang kuya kaya katibayan lamang iyon na wala na siyang magagawa pa. She was about to talk back nang mag-anunsyo na ang kapitan ng eroplano sa kanilang nakatakdang paglipad. The flight attendant even reminded all the passengers to turn off their gadgets and fasten their seatbelts. "I have to go now, kuya. Our plane is about to take off. Please be safe there and I'll see you soon." Elaine then ended the call and immediately switched her phone into flight mode. Umayos siya ng pagkakaupo after fixing her seatbelt, ang kaniyang isipan ay lumilipad na naman kung saan. She knew for a fact that something's wrong with her brother. Hindi man nito sabihin kung ano iyon, she can definitely feel it. What is going on? Said her inner self as she stares on the window beside her. And before she could even realize, she just dozed off. "Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport..." Ang anunsyo mula sa isang flight attendant ang siyang gumising kay Elaine mula sa mahaba niyang tulog. It was a long flight but she felt like she haven't slept for ages. Muli siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo at mula roo'y maagap niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinanggal ito mula sa pagkaka-flight mode nito. She was lost in her thoughts nang sunud-sunod ang naging beep sa kaniyang cellphone, hudyat ng mga mensahe. Elaine frowned at the sight of her brother's endless text messages. She clicked her tongue as she opened them one by one. "Call me once you arrived there." "Don't forget to arrange a meeting first thing tomorrow, okay?" "You can direct to my secretary about my piled up work. I already instructed her regarding your appointment." "Refrain yourself from doing reckless things. You're a grown young lady." "Be safe and see you soon." And the list of Thomas' reminders s***h rants went on and on. Sa huli ay minabuti ni Elaine na itago na muli ang kaniyang cellphone for her jetlag's starting to kick in. "What an adorable control freak," nakangiting bulong niya sa kaniyang isipan as she massaged the temple of her head. SAMANTALA, tuluyan nang nanlamig ang buong katawan ni Coleen nang masilayan ang pamilyar na wangis ni Elias. Nakangisi ito sa kaniya at animo'y anumang oras ay katapusan na niya. Makailang ulit nitong kinalampag ang bintana ng kaniyang sasakyan, isang indikasyon na malapit na itong mawalan ng pasensya. Ngunit tila naglalaban ang kalooban ni Coleen, lalo pa't kasama niya sa mga oras na iyon ang kaniyang mahal na ina. Knowing Elias and the whole gang? Nasisiguro niyang hindi na sila pakakawalan pa nito nang buhay. Mas lalong humigpit ang kaniyang kapit sa manibela habang ilang mahihinang mura ang paulit-ulit niyang sinasambit. Sa huli ay humugot na lamang siya ng malalim na hininga at saka marahang sinilip ang kaniyang ina. Nananatili itong tahimik at walang imik ngunit mababakas sa itsura nito ang tila pagkabalisa. "Kahit anong mangyari, huwag po kayong aalis dito ha? Kakausapin ko lang po sila." Maingat na hinawakan ni Coleen ang kamay ng kaniyang ina at saka niya ito binigyan ng makahulugang ngiti. Nilingon siya nito, "paano na ang anak kong si Coleen? Ang dami kong dalang kendi para sa kaniya—" "P*tang*ina, Coleen! Bumaba ka na riyan bago ako tuluyang mawalan ng pasensya!" galit na utas ni Elias, dahilan upang hindi na matapos pa ng matanda ang sinasabi nito. Mas kumunot ang noo ni Coleen ngunit bago pa man siya makapagbigay ng kasaguta'y mabilis na hinila nina Claire at Kai ang kaniyang ina. "M-mama!" taranta niyang sigaw nang sapilitan na silang kinaladkad nina Elias palapit naman sa sasakyan nito. "Uuwi na ako! Uuwi na ako!" paulit-ulit na hinaing ng matanda. Nagawa pa nitong tabigin ang isang kamay ni Kai na kasalukuyang may hawak na baril. "Huwag kang magulo!" matigas na sigaw ng binata rito ngunit tila isa itong bata na walang naririnig na kahit ano. "Uuwi na ako kay Coleen! Mag-isa lang ang anak ko sa bahay namin! Hinahanap na ako ng anak ko—" Hindi na nagawa pang tapusin ng matanda ang sinasabi nito nang isang malakas na hampas sa batok nito ang iginawad ni Kai. "Mama!" Kapwa nanlalaki ang mga mata ni Coleen matapos makita ang paghandusay ng walang malay niyang ina sa malamig na semento. Bago pa man niya malapitan ito ay marahas na siyang hiniklat ni Elias at sapilitan siyang iniharap dito. Pagkuwa'y sinakmal nito ang kaniyang mukha ngunit hindi iyon sapat upang mabawasan ang pagkamuhi na kaniyang nararamdaman. "Ano'ng sinabi ko sa 'yo noon, Coleen?" nakangising utas ni Elias. "Buhay ang kapalit kapag tumiwalag ka sa grupo, hindi ba—" Natigilan si Elias sa sinasabi nito matapos itong duraan sa mukha ni Coleen. Sa inis nito'y buong lakas siya nitong sinampal, dahilan upang tumilapon siya pabagsak ng konkretong daan. Ilang sandali lamang ang itinagal ng kaniyang panlalambot at saka siya buong lakas na tumayong muli. She spit out some blood and wipe off the corner of her lips. Muli niyang nilingon ang kinaroroonan ng kaniyang ina na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan nina Kai. Sa mga oras na iyon, wala na siyang ibang nakikitang solusyon kundi labanan silang lahat... kahit pa nag-iisa lamang siya. Mula sa tuwid na tindig ay marahan siyang umayos sa posisyong madalas niyang gamitin tuwing may biglaang sagupaan. "Ay pucha naman, Coleen! Seryoso ka na lalabanan mo kami?" Hindi magawang awatin ni Elias ang paghalakhak nito nang matunugan ang kaniyang binabalak na paglaban. Hindi na niya ito pinansin at sa halip ay nagsimula na siyang lumapit sa mga ito. And before they knew it, she already threw herself through the air and landed a strong kick on Elias' face. Kaagad itong bumagsak sa maalikabok na semento, dahilan upang maalerto ang iba pang miyembro ng Black Eagle. Sunod na sumugod si Kai na may hawak pang baseball bat ngunit gaya ni Elias ay mabilis din niya itong napatumba. Tahimik lamang na nakamasid sina Trevor at Danger sa mga kaganapan. "F*cking idiots! Para babae lang, hindi niyo mapabagsak?!" Claire yelled in gritted teeth. Mabilis nitong binalingan ng tingin ang dalawa pang kasamahan na animo'y nag-e-enjoy lamang sa panunuod ng laban. Danger mouthed a 'what' question habang si Trevor ay nagkibit-balikat lamang. Mas lalo lamang nairita si Claire dahil tila walang balak na sumugod ang dalawang binata sa kaniya. Ilang malulutong na mura ang pinakawalan nito bago nagpasiyang kunin ang nakatagong baril sa compartment ng sasakyan. "F*cking b***h!" hiyaw nito kay sa kaniya. Ambang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril ngunit bago pa man maiputok iyon ay mabilis na itong hinampas ni Danger sa batok, dahilan upang mawalan ito ng malay at tuluyan ng bumagsak sa daan. "Trevor, start the car!" ani Danger tsaka ito bumaling ng tingin sa kaniya. "Sakay! Bilis!" Puno ng pagtataka ang kaniyang mukha sa mga oras na iyon. She never expected that of all people, Danger and Trevor will be helping her. Ngunit kaysa magreklamo ay kaagad na siyang tumakbo palapit sa dalawang binata at sumakay sa likod na bahagi ng sasakyan. "Umalis na tayo!" muling utas ni Danger na mabilis naman sinunod ni Trevor. He immediately stepped on the gas and drive as if they're in a 'fast and furious' movie. MALALIM na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang diwa nina Coleen, Danger at Trevor. Kasalukuyan nilang binabagtas ang kahabaan ng daan habang ang buong atensyon ng dalaga'y nasa kaniyang ina na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin malay. "S-salamat," ani Coleen nang sa wakas ay unti-unti ng napawi ang matinding kaba sa kaniyang dibdib. Abala sa pagmamaneho si Trevor kung kaya't si Danger na lamang ang lumingon sa kaniya. Nakabusangot ang pagmumukha nito, halatang hindi nasiyahan sa mga nangyari. "Pucha, Coleen! Alam mo ba kung anong ginawa mo?!" galit na utas nito habang hawak pa rin ang baril na ginamit kanina ni Claire. "Sa tingin mo ba'y ligtas na tayo dahil nakuha nating makatakas kay Elias?!" Mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa kaniyang isipan ang malaking posibilidad na mangyari ang sinasabi ni Danger. Sa halos ilang taon niyang pamamalagi sa Black Eagle ay nasaksihan na niya kung gaano kadali lamang para sa mga ito ang kumuha ng buhay, kapalit ng malaking halaga. She has witnessed the worst and she had enough of it. Sandali niyang sinulyapan muli ang kaniyang ina bago itinuon ang atensyon sa binata. "Sawa na akong maging aso ni Elias!" singhal niya. "Pumayag ako na maging mukha ng grupo pero hindi kasama sa trabaho ko ang pumatay—" "Nangyari na ang nangyari! Ang mga taong katulad natin ay nabubuhay at mamamatay lamang para sa pera," seryoso nitong usal. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo dahil sa baluktot na paniniwala ng binata. Batid niyang pareho lamang ang nais nilang tatlo nina Danger... ang makalaya sa pagkakagapos na kanilang kinasasadlakan. Ngunit sadyang dumating lamang sa punto na nagkaroon siya ng matibay na dahilan upang kumalas na sa madilim na mundong kanilang ginagalawan. "Kung takot naman pala kayo sa sasapitin niyo sa kamay ni Elias, mas mabuting itigil niyo na ang sasakyan na 'to at hayaan niyo na lang kami—" Ilang magkakasunod na putok ng baril ang siyang nagpatigil kay Coleen sa kaniyang sinasabi. Muntik naman maipreno ni Trevor ang sasakyan ngunit mabilis itong pinigilan ni Danger. Marahan nilang sinilip kung saan nagmula ang mga putok ng baril at halos manlumo silang tatlo nang kasalukuyan silang sinusundan nina Elias. "P*tang*na niyo mga traydor!" Halos umalingawngaw na ang malagom na boses ni Elias nang bahagyang makalapit ang sasakyan nito. "Trevor, bilisan mo pa magmaneho!" ani Danger tsaka ito bumunot pa ng isang baril sa gilid ng pantalon nito at mabilis iyong iniabot sa kaniya. "Tinuruan kita kung paano bumaril kaya heto. Tapusin na natin ang mga hayop na 'yan!" Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang baril mula sa kamay ni Danger at pagkuwa'y mabilis silang dumungaw sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Kapwa nila inayos ang kapit sa kanilang mga baril at nang masigurong asintado na'y at saka nila iyon sabay na pinaputok sa direksyon nina Elias. Ilang minuto rin ang itinagal ng mga putukan. Kapwa basag na ang mga salamin at bintana ng dalawang sasakyan. Isang putok pa ang ginawa ni Coleen at sa wakas ay nagawa na rin niyang tamaan ang isang braso ni Claire, dahilan upang sandali itong mawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan. Bahagya iyong nagpagewang-gewang sa daan ngunit hindi pa rin tumigil sa pagbaril sina Elias at Kai. "Magsama-sama tayo sa impiyerno!" Halos manggigil na si Danger sa palitan nila ng bala ni Elias. Ngunit kung kailan determinado na itong wakasan ang ka-demonyohan ng kanilang lider ay tsaka pa nawalan ng bala ang gamit nitong baril. Isang halakhak ang pinakawalan nina Elias at Kai nang muli nilang iputok ang kanilang mga baril at walang mintis na tinamaan sa tagiliran si Danger. Pinaulanan sila ng bala ng grupo nina Elias, dahilan upang mawala sa konsentrasyon si Trevor. "Danger!" sabay nilang hiyaw ni Trevor, bago mawalan ng preno ang kanilang sasakyan at tuluyan na itong tumaob sa tabi ng daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD