Ellion Jase
Eh ganoon talaga ang buhay, may aalis at may papalit na bago. Noong mga oras na papalapit ako kay Benedict at Aurie ay nagdadasal ako. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa wakas ay may nagmamahal na ulit kay Aurie at masaya rin ako na binubuksan na ni Aurie ang puso niya sa ibang tao. Marahil ay nagulat sila sa ginawa ko. Halata naman sa itsura nila eh.
Masaya ako na tinanggap iyon ni Benedict. Akala ko pa nga noong una ay makikipag-bangayan pa siya sa akin. Good thing na hindi naman pala iyon ang intension niya. Nang makita ko silang dalawa ay parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Parang ito na yung panahon kung saan talagang masasabi ko na oras na para i-let go ko si Aurie.
Actually, natawa pa nga ako noong pinuri ako ni Kathrina sa ginawa ko. Kahit hindi ko alam kung bakit tila ba parang naging sweet siya sa akin at malapit sa event eh hindi ko na lang din pinansin. Ayaw ko namang gawing big deal pa iyon. I don’t want her to feel about it. Hanggang kaya kong intindihin ay iintindihin ko na lang. wala naman kasing mawawala sa akin eh.
Nang patapos na ang event, umaalis na rin ang mga tao. Halos kami-kami na lang ang nandoon ay lumabas muna ako para magpahangin at mag-yosi. Iniwan ko muna si Kathrina sa loob, kausap niya kasi sina Jhulia at Patricia.
Habang nagyo-yosi ako ay bigla na lang akong nilapitan ni Jairus. Hindi ko alam kung bakit. Tinapik niya ako sa aking balikat at saka nagsalita.
‘’Wow. Proud of you. Nakita ko yung ginawa mo kanina ah? Ibang klase iyon. Kinamayan mo siya,’’ sabi niya, kita ko ang tunay na saya niya kasi umabot iyon hanggang sa mga mata ni Jairus.
‘’Baliw, wala naman akong ginawa ah? Kinamayan ko lang naman. Anong proud of you na sinasabi mo dyan?’’ sagot ko.
‘’Isipin mo iyon, kinamayan mo ng lalaking pinalit niya sa iyo. Ibang klase iyon ah? Wala akong kilala na lalaki na kayang gawin kung ano man ang ginawa mo. Ang sakit kaya noon. Para ngang ako yung natatapakan kanina noong nakita ko iyon eh,’’ paliwanag pa sa akin ni Jairus.
‘’Ah, iyon ba? Paggalang lang iyon sa kanya. Syempre, siya na yung bago eh. Alam mo, sa nakita ko kanina, feeling ko naman ay magiging masaya si Aurie kaya I surrendered everything already’’ sagot ko kay Jairus.
‘’ibang klase pare, saludo ako sa iyo. Mabuhay ka!’’ iyon ang huling sabi iya bago siya yayain ni Jhulia na umuwi.
‘’Ano? Tara na, uwi na tayo. Pagod na ako eh. Oh Ellion, ikaw ba? Hindi pa kayo uuwi ni Kathrina?’’ saad ni Jhulia.
‘’Naku, hindi pa. May ka-usap pa yata siya sa loob eh,’’ sabi ko habang naninigarilyo.
‘’Oh, okay. Eh paano iyan, alis na kami ha? Maiwan ka na namin dyan kasi may dadaanan pa kami ni Jairus eh,’’ paalam ni Jhuilia sa akin, pagkatapos noon ay tumango ako at saka nagsalita.
‘’Sige lang, salamat. Ingat kayo sap ag-uwi ha,’’ sabi ko sa kanila.
‘’Ingat ka pare, ingatan mo iyang bagong chikababes mo,’’ asar pa sa akin ni Jairus, natawa na lang ako.
Ilang minuto pa ang tinagal ko roon dahil nagmuni-muni pa ako. Nagulat na lang ako na may nagsalita na sa likod ko, si Benedict.
‘’Pare, salamat kanina ah? Hindi ko akalain na gagawin mo iyon. Pangako ko sa iyo na hindi ko sasaktan si Aurora. Hindi ko sasayangin yung opportunity na binigay niya sa akin at yung basbas na binigay mo sa akin kanina,’’ sabi niya, kita ko namang sincere siya at masaya sa sinabi niyang iyon kaya napangiti na lang din ako.
‘’Ano ka ba? Wala iyon ano. Masaya ako para sa inyo. Tama ka, huwag na huwag mong sasayangin yung pagmamahal na binibigay niya sa iyo ngayon. Iyan kasi yung ginawa ko rati kaya huwag mo nang ulitin ah?’’ sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit kahit alam ko naman sa sarili ko na masaya na ako para sa kanila ay may konting kirot pa rin akong nararamdaman. Mahal ko pa ba si Aurie? Kailangan ko pa bang ipaglaban ito kaysa ipaubaya na lang?
‘’Salamat, pare. Makakaasa ka. Hinding-hindi ko talaga sasayangin ang pag-ibig na meron siya sa akin ngayon,’’ sabi niya sa akin.
Nag-usap pa kaming konti bago tuluyang lumabas sina Aurora at Kathrina sa venue. Hindi ko alam kung matatawa ako o ma-aawkward dahil sa nangyari. Lumapit si Aurie kay Benedict at si Kathrina naman ay lumapit sa akin.
‘’Oh, may pinag-uusapan pala kayo, Ellion. Sorry to interrupt pero aalis na kami eh. Ayos lang ba?’’ tanong sa akin ni Aurora.
‘’Yeah, of course. Tapos naman na kaming mag-usap. You can go,’’ sabi ko habang nakangiti pa.
‘’Oh, okay. Thanks. Tara na babe, uwi na tayo. Hinihintay na tayo ni Mommy eh’’ sabi ni Aurora.
Para na namang sinasaksak ang puso ko nang marinig ko ang tawagan nila tapso nalaman ko pala na okay na si Benedict kay Tita, eh naalala ko noon ay sobrang boto pa sa akin ni Tita. Gusong-gusto niya nga na magkabalikan kami eh. Kahit masakit sa akin ay hindi ko na lang pinahalata.
‘’Sige, babe. Tara na. Pare, salamat ulit ha? Sa suusnod nating pagkikita,’’ sabi ni Benedict sa akin.
‘’Oo naman, pare. Anytime. Ingat kayo sap ag-uwi,’’ sabi ko.
Nang maka-alis na sila ay niyaya ko na rin si Kathrina na umuwi. I had too much for today kaya tahimik na lang ako. Hindi ko napansin na kinakausap nap ala ako ni Kathrina.
‘’Uy, hello? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?’’
‘’Ay, ano ba iyon? Pasensya ka na sa akin ha. Pagod lang ako kaya hindi na active ang senses ko. Uwi na tayo. I’m sure, pagod ka na rin eh,’’ sabi ko, hindi ko na inintindi pa kung ano man yung sinabi niya kanina.
‘’Ang sabi ko, ang sweet palang kausap ni Aurora. No wonder na nagustuhan mo siya. I like to know her pa,’’ nakangiting sabi ni Kathrina.
‘’Ah, oo. Mabait iyon si Aurie. Kapag nakilala mo pa siya lalo, you will really love her,’’ sabi ko pa.
‘’Oo nga eh, madami kaming mga gusto na halos parehas. Ang dami naming napag-kwentuhan. Ang saya nga eh,’’ sabi niya sa akin.
Niyaya ko na lang siya na umuwi pagkatapos noon. Nang maihatid ko na siya sa condo niya ay umuwi na akong mag-isa sa amin at inisip nang inisip kung ano ba talaga itong nararamdaman ko towards Aurora. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko na siya pwedeng kunin. Hihintayin ko na lang mamatay ang pagmamahal ko sa kanya, kung pagmamahal pa rin ang tawag dito sa aking nararamdaman.