Chapter 42

1091 Words
Aurora Feliz  Inis na inis ako nang sumakay ako sa sasakyan. Ni hindi ko nga pinapansin si Benedict noon dahil baka siya lang ang mabulyawan ko at mag-away lang kami sa mga bagay-bagay. Nang nasa byahe kami at hindi pa rin ako nagsasalita ay nagtanong na siya sa akin kung ano ang problema. Baka nag-iisip na ito ng kung ano. ‘’Is there a problem babe? Sabihin mo naman sa akin, kanina ka pa tahimik dyan, e. May mali ba akong nagawa kanina? Sabihin mo sa akin para alam ko at makapag-sorry ako ng maayos sa iyo,’’ sabi niya sa akin. Halos isang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang sumagot. Iniisip ko pa yung sasabihin ko na hindi siya masasaktan at hindi kami mag-aaway. Kasi, if ever ay una namin itong away as a couple. Ayaw ko naman noon dahil involved si Ellion dito. ‘’Bakit mo kasi kinausap si Ellion? Alam mo namang-‘’ natigil ang pagsasalita ko nang bigla siyang sumagot sa akin. ‘’Oh, ano namang problema kung kinausap ko siya? Eh ang ayos naman ng usapan namin. Kung alam mo lang, ang bait nga niya sa akin eh. Di ba, siya pa nga ang lumapit?’’ sagot niya sa akin. ‘’Iyon na nga, iniiwasan ko siya dahil maraming masasabi yung iba sa amin tapos ikaw naman, kina-kausap mo siya. Sa susunod, huwag nang ganoon babe. Please?’’ sabi ko sa kanya. ‘’Babe, kung alam mo lang. Hindi naman na siya apektado sa nangyari sa inyo eh. Maluwag na niyang tinanggap sa puso niya na hindi mo na siya mahal. Tapos ngayon, ito ang sasabihin mo sa akin? Babe naman. Mukhang ikaw yung hindi okay, e. Bakit? Mahal mo pa ba siya?’’ sagot niya. Doon sa huling tanong niya ako nag-isip. Oo nga, bakit ba ganito ako kung maka-react sa nangyatri kanina? Dapat eh kung wala na talaga akong nararamdaman eh wala na sa akin itong nangyayari ngayon. Ano ang isasagot ko sa kanya ngayon? Eh mukhang lalong sumama ang loob niya sa akin.  ‘’H-Hindi naman sa mahal ko pa siya. Ayaw ko lang na makumpara ka ng mga kaibigan ko sa kanya. Alam mo iyon? Sana, alam mo na hindi kasi madali para sa akin na makita kayo nang magkasama,’’ sabi ko na lang, hindi ko alam kung maiintindihan niya ako. ‘’Kung hindi pala madali para sa iyo na makita kaming magkasama, eh di sana hindi na lang tayo pumunta roon. Bakit ngayon mo lang sinabi? Aurora naman! Sa susunod, kapag kasama siya sa mga pupunta, huwag mo na lang akong isama kung ganoon lang din ang pag-iisip mo tungkol sa amin ha?’’ may inis sa boses niya nang sabihin niya iyon. Totoo naman ang sinabi niya. Medyo napahiya ako roon ah? Hala. Mukhang nasaktan ko nga si Benedict sa sinabi ko. Paano ko mapapaliwanag ulit iyon sa kanya? Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin kasi eh. ‘’Hala, hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin eh. Sorry na po, babe. Hindi ko po gusto na iyon ang maramdaman mo. Promise. Hindi po,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Alam mo, i-uuwi na kita sa inyo. We had so much for today at ayaw ko na munang isipin iyon. baka pagod lang tayo kaya ganito tayo mag-salita sa isa’t isa,’’ sabi niya sa akin. Natuwa naman ako dahil sa huli ay inisip niya pa rin ang relationship namin kaysa ang pride na anraramdaman niya ngayon. Kung sa ibang lalaki kasi iyan ay magagalit na sa partner nila at kung anu-ano na ang sasabihin. Mga salita na wala na sa hulog. ‘’I’m sorry babe. Baka nga pagod na po tayo. I-uwi mo na nga ako,’’ mahinahon na sabi ko sa kanya. Dahil sa hiya na naramdaman ko ay parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa noon pero wala eh, kailangan ko rin namang harapin dahil ako ang unang nagalit rito, hindi naman si Benedict. Actually, wala naman siyang kasalanan. The fault is on me. Pagkatapos ng ilang minuto ay hinatid na nga niya ako sa bahay. Sinalubong kami ni Mommy ng isang malaking ngiti pero naramdaman din niya agad na seryoso kami ni Benedict sa isa’t isa kaya hindi na niya pinilit pa na pumasok sa bahay namin si Benedict. ‘’Oh, anong nangyari? Bakit ganoon ang mukha ng boyfriend mo? Naku, huwag mo sabihin sa akin na pinag-awayan niyo si Ellion sa party, anak? Hay, iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Sinabi ko na kasi sa iyo na huwag mon a siyang isama roon, di ba? Hindi ka kasi nakikinig sa akin eh,’’ sabi ni Mommy. ‘’Walang kasalanan si Benedict, Mommy. Ako ang may kasalanan kung bakit hindi kami okay ngayon,’’ sagot ko. At iyon na nga, kwinento ko sa kanya kung ano ang naging reaksyon ko noong nakita ko na okay si Ellion at Benedict sa mini gathering namin ng mga batchmates ko. Inis na inis din si Mommy sa akin at sinabi na mali nga raw ang naging reaksyon ko towards it. ‘’Aba anak, parang sinabi mo nga sa reaksyon mon a mahal mo pa rin si Ellion kasi affected ka pa rin sa kanya. Ano ka ba naman? Sabi ko na ng aba, hindi magiging maganda ang kalalabasan noon kapag kasama niyo si Ellion sa iisang lugar eh,’’ sabi ni Mommy. ‘’Ayaw ko naman talaga noong una, di ba? Kaso mapilit siya, kaya nangyari ito. Hay, naku Mommy, paano ko ba aayusin ito? Ayaw ko namang masaktan si Benedict dahil sa ginawa ko,’’ sabi ko kay Mommy. ‘’Kaya naman niya kasi gustong pumunta roon ay dahil sa gusto niyang makilala ang mga kaibigan mo. Iyon lang naman, ikaw kasi si Ellion ang inisip mo. Matanong nga kita, mahal mo pa ba iyon at ganoon ang naging reaksyon mo, ha?’’ sabi ni Mommy sa akin. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang tanong ni Mommy na iyon. Para naman kasi sa akin, si Benedict na ang mahal ko. Hindi ko na dapat isipin pa ang iba. ‘’Mommy, pagod na po ako ha? Papasok na po ako sa loob ng kwarto. Antok na po ako eh,’’ iyon na lang ang nasabi ko at umalis na sa sala para makapasok na sa loob ng kwarto ko. Iniwasan ko ang tanong niyang iyon dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam ang tunay na sagot doon. Bakit nga ba kasi iyon ang naging reaksyon ko towards them? Bakit ba may paki pa rin ako sa kanya kahit hindi na kami?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD