Chapter 43

1017 Words
Ellion Jase Huling araw ko na ito sa Manila. Bukas ay uuwi na kami ni Kathrina kaya naman nagpaalam ako sa kanya na kung pwede mamayang gabi ay mag-iinom ako kasama ang mga tropa ko. Sina Jonas, Jairus at Leo. Masaya naman ako dahil pumayag siya sa sinabi ko. Sa umaga kasi ay may client siyang kakausapin kaya sinabi niya sa akin na gabi ko na lang i-schedule yung akin. Pumayag naman ako. ‘’Wala kayong girls na kasama? Sasama sana ako eh,’’ biglang sabi niya sa akin. ‘’Naku, sinabihan ko na sila na huwag nilang isasama mga girlfriends nila. Lalo na si Jhulia. Naku po, ang ingay noon, e.’’ Natawa naman siya. Siguro ay naalala niya na ang pakikipag-usap kay Jhulia. Grabe din kasi ang bibig noon pagdating sa kwentuhan. Walang tigil, e. buti nga at hindi napapagod si Jairus sa babaeng iyon. Simula bata pa lang kami ay grabe na ang pagmamahalan noong dalawang iyon, e. Mapapa-sana all ka na lang minsan eh. ‘’Alam mo ba, ang sweet nila ni Jairus noong isang gabi? Kitang-kita ko yung sweetness nila sa isa’t isa kahit na nag-aasaran sila noon. Sana lahat ng couple ganoon eh,’’ kwento ni Kathrina sa akin. ‘’Ah, oo. Alam mo, kahit kaibigan iyon ng ex-girlfriend ko, hindi niya ako tiningnan bilang kaaway. Madalas nga, sila pa ang nag-aaway ni Aurie dahil sa akin eh,’’ kwento ko sa kanya. Nanahimik siya kaya nanahimik din ako. Doon ko lang na-realize na may na-kwento pala ako tungkol kay Aurie na dapat eh hindi ko na sinabi. Ang awkward tuloy sa feeling. Nag-isip agad ako ng paraan para ma-iba ko ang topic. ‘’Eh, iyon. Basta, lalabas kami mamaya ah? Hayaan mo, konti lang naman ang iinumin kong alak para maaga pa rin tayo bukas,’’ sabi ko. Hindi ko alam pero biglang lumaki ang mga mata niya dahil sa sinabi kong iyon. Kinabahan na naman tuloy ako at baka may nasabi na naman akong hindi maganda. Nang balikan ko naman sa utak ko kung ano yung sinabi ko kanina ay na-realize kong wala namang mali kaya agad ko siyang tinanong kung ano ang meaning ng reaksyon niya kanina sa sinabi ko. ‘’Oh, bakit lumaki ang mga mata mo? Parang may nakita kang multo ah. Ano iyon?’’ tanong ko sa kanya. ‘’Wala, nanibago lang ako. Nagpaalam ka kasi sa akin na mag-iinom ka kahit hindi mo naman kailangan na magpaalam,’’ nakangiting sagot niya sa akin. Doon ko lang na-realize na iyon pala ang sinabi ko. Feeling ko kasi ay si Aurie ang kausap ko kaya iyon ang nasabi ko. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya na nagkamali ako. Sa halip ay ngumiti na lang ako at nagsabi. ‘’Ah. Oo naman. Kailangan mo yung malaman kasi maaga tayo bukas pauwi ng Mindoro di ba? Aba, hindi tayo pwedeng ma-late. Tama?’’sagot ko na lang sa kanya. ’’Yes, of course. Ako nga rin eh, aagahan ko bukas. Gusto ko mang sumama sa inuman niyo ngayong gabi ay wala naman palang girls. Eh di, hindi na ako sasama. Sayang, ang saya pa man din nilang kausap,’’ sabi ni Kathrina pagkatapos ay bumuntong-hinga. ‘’Ah, alam mo, pwede mo naman silang i-add sa social media kung gusto mo pa rin na makausap sila kahit na nasa Mindoro na tayo,’’ sabi ko, nakita ko kasi na medyo nalungkot siya eh. Natutuwa ako na kahit isang gabi lang iyon eh naging masaya pa rin siya at parang tinuturin na niya bilang kaibigan sina Aurie, Patrcia at Jhulia. ‘’Seryoso ka? Pwede talaga?’’ ulit pa niya sa akin, para bang hindi siya makapaniwala roon sa sinabi ko. ‘’Oo naman. I think, they will accept you sa friend list. At saka, sasabihin ko naman iyon mamaya sa mga boyfriend nila kaya huwag kang mag-alala na dyan. You will still have the connection with them. Okay?’’ sabi ko sa kanya, napangiti naman siya sa sinabi ko kaya tingin ko okay naman siya. ‘’Sige ha. Sabi mo iyan. Ibigay mo sa akin yung accounts nila, i-add ko sila. Pati na rin si Aurora, ha?’’ Nang sabihin niya iyon ay bigla akong nabingi. Bakit naman pati yung kay Aurie eh i-add niya? Hay, naku. Wala naman akong magagawa, e. Baka kung ano pa ang isipin niya kapag hindi ko ibigay iyon eh. Sabihan pa niya ako na hindi ako maka-move on. ‘’Oo naman, sige. Walang problema. Sasabihin ko sa kanya,’’ sagot ko na lang sa kanya kahit ang totoo naman niyan ay na-block na ako ni Aurora. Pagkatapos ng usapan namin na iyon ay dumating na ang gabi. Nauna akong pumunta sa meeting place namin. Umorder na nga ako ng mga drinks at pulutan para hindi na sila mag-abala pa. Pagdating nila ay nakatawa ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung bakit kaya tinanong ko agad sila. ‘’Oh, bakit ganyan na naman ang mga mukha niyo, ah? Ano na naman ang meron? Magpapa-inom na nga ako tapos ganyan pa mga itsura niyo,’’ sabi ko sa kanila. ‘’Wala. Akala kasi namin eh kasama mo si kathrina. Aasarin ka dapat namin, e. Buti pinayagan ka ng chikababes mo, ano? Kasi dati, kay Aurie-‘’ hindi ko na hinayaan na ituloy pa ni Jairus kung ano man ang sasabihin niya tungkol kay aurie. ‘’Ay, naku! Kaya ayaw kong magsama-sama tayo, e. Lagi na lang bang babanggitin yung pangalan noong tao? May bago na nga siya, di ba? Nakita niyo naman, pinalaya ko na. Kinamayan ko pa nga yung bago niya, e di ba? Please, move on na tayo ha? Pati ako, magmo-move on na rin. Nakita ko na eh. Masaya na siya roon kaya magiging masaya na rin ako para sa kanya,’’ sabi ko. Lalo tuloy nang-asar ang mga kaibigan ko dahil para daw akong iiyak na dahil sa sinabi ko. Tinawanan ko na lang sila pagkatapos nilang sabihin sa akin iyon. Pero ang totoo, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit pilit kaming pinagtatagpo ng Diyos kahit na sinasabi na namin sa sarili namin na ayaw na namin at nasa moving on stage na kami, e.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD