Aurora Feliz
Dahil na-feel ko na I have to talk to Benedict ay niyaya ko siyang lumabas after office. I’m glad na kahit nasaktan siya sa mga sinabi ko noong isang gabi ay hinatid at sinundo pa rin niya ako sa bahay at sa office.
‘’Babe, kita tayo mamaya ha? May gusto lang sana akong sabihin sa iyo. Dyan lang naman sa coffee shop near the office. Ayos lang ba?’’ I told him.
‘’Yeah, sure. Tungkol ba saan?’’ tanong niya sa akin.
Pakiramdam ko ay seryosong-seryoso siya sa tanong niya. Mainit pa rin yata ang ulo niya dahil sa nangyari sa amin noong isang gabi. Hindi kasi siya masaya kapag nagsasabi ako ng I love you sa kanya. Nasagot naman siya pero parang napaka-plain lang ng lahat for him.
‘’Ah, basta. Mag-usap na lang tayo mamaya. Papasok na ako sa office. Ingat ka sa work mo, I love you, babe,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Oh sige, pasok ka na. Mamaya na lang tayo mag-usap, okay? I love you too,’’ sagot niya naman sa akin.
Tahimik lang akong pumasok sa opisina pero iniisip ko pa rin ang mangyayari sa usapan namin mamaya ni Benedict. Mahal pa kaya niya ako o hinihintay na lang niya na makipaghiwalay ako sa kanya? Ganoon ba kasakit ang nagawa ko?
Pagkatapos ko sa work ay binalikan na niya ako. Habang nasa kotse kami ay sinusubukan ko siyang kausapin kasi ayaw ko naman na parang may patay sa paligid namin.
‘’Babe, are you sure na okay lang tayo? Hindi ka ba galit sa akin?’’ I asked him.
‘’Oo naman. Ano bang akala mo? We are okay. Siguro, pagod lang tayo sa office kaya hindi natin ramdam ang isa’t isa,’’ sabi niya, seryoso pa rin siya nang tumingin sa akin.
‘’Okay. Halika na. Punta na tayo roon sa coffee shop. Doon tayo mag-usap,’’ sabi ko na lang sa kanya.
Iyon naman ang ginawa niya. Habang papunta kami roon ay iniisip ko pa rin ang mga bagay na sasabihin ko. Iniisip ko kung tama ba ito dahil baka masaktan na naman siya sa mga sasabihin ko sa kanya. Sana naman ay hindi.
‘’Upo ka na muna. Oorder lang ako ng food at coffee tapos usap na tayo,’’ sabi niya sa akin at pumunta na siya sa cashier.
Hinintay ko siya. Nang bumalik siya ay kabado pa rin ako pero hindi ko na pinahalata. Sana, hindi nga niya nahalata.
‘’I ordered mango cheesecake for you tapos java chip din na drink,’’ sabi niya pagbalik.
Nilagay niya sa table yung order niya para sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit ako lang yung merong order kaya agad ko siyang tinanong kung ano yung sa kanya.
‘’Babe, bakit ako lang? Hindi ka um-order ng sa iyo? Ayaw mo ba?’’ tanong ko sa kanya.
‘’Ikaw na lang, babe. Hindi pa naman ako gutom. Sa bahay na lang ako kakain,’’ sabi niya sa akin.
‘’Sure ka? Bakit ayaw mo? May problema ka ba?’’ tanong ko ulit sa kanya.
‘’Wala naman, babe. Sige na, kumain ka na ha? Busog naman ako kasi kumain ako bago umalis ng office. Oh, ano nga pala yung pag-uusapan natin?’’ sagot niya sa akin.
I sipped from my coffee and took a slice of my mango cheesecake bago ako sumagot sa kanya. Sa mga tingin niya, alam ko talagang hinihintay niya ang sagot sa tanong niya. Nang maubos ko na yung cheesecake ay nagsalita na ako.
‘’Hmm. Eh kasi di ba, nag-away tayo noong nakaraan? Gusto ko lang sannag mag-sorry sa nasabi ko. Promise, hindi ko naman sinasadya iyon. sana naiintindihan mo ako at napatawad mo na ako dahil doon,’’ sabi ko, titig na titig ako sa mata niya para malaman niya na totoo ang sinasabi ko.
‘’Oh, ayos naman na iyon ah? Hindi pa ba? Eh napag-usapan na natin iyan noong nasa kotse pa lang tayo, same night, di ba?’’ sagot pa niya sa akin, seryoso siya kaya alam kong hindi pa talaga kami okay.
‘’Seryoso ka pa rin eh. Hindi kita mabiro. Ramdam kong iwas ka pa rin sa akin, e. Sorry na kasi sa nagawa ko, babe. Promise, hindi ko na uulitin iyon at alam ko naman na kasalanan ko talaga siya,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Hmm. Talaga? Hindi mo na uulitin? Hindi mo na ako sasaktan? Kasi babe, sa totoo lang eh nasaktan talaga ako noon. Para bang sinampal mo ako at sinabi mo sa akin na si Ellion pa rin ang mahal mo,’’ sagot niya sa akin.
Dahil sa huli niyang sinabi ay parang nadurog yung puso ko eh. Hindi ko alam kung anong tamang sagot para hindi siya masaktan. Hay, bakit ba kasi ganito ang nangyari sa amin? Lord, sabihin mo naman sa akin ang mga bagay na dapat sabihin kay Benedict.
‘’Hindi naman sa ganoon, baka natakot lang ako at nag-isip isip ng mga bagay na wala pa naman in the first place. Hayaan mo na, totoo namang kasalanan ko iyon eh,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Apology accepted na. Basta, huwag na lang natin siyang pag-usapan. Saka, kung gusto naman niya makipagkaibigan sa akin eh hayaan mo lang. Kami na lang ang bahala roon, Alam mo kasi, maayos naman talaga siyang kausap noong gabi na iyon. Kitang-kita ko na okay na siya eh,’’ sagot niya sa akin.
Hindi ko malaman kung bakit kahit iyon na ang pinag-usapan namin ay gusto niya pa rin na maging kaibigan si Ellion. Pwede namang hindi na lang hindi ba? Akala ko, tapos na kami roon eh. Hindi pa pala. Gusto ko sana ulit mag-react pero minabuti kong huwag na lang kasi alam ko na masasaktan na naman siya. Pigil na pigil akong mag-react.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay tiningnan ko ang cellphone ko. Balak ko sanang picture-an ang pagkain at yung drink pero pagtingin ko sa notifications ko sa social media ay nakita kong in-add pala ako ni Kathrina. Halos naitapon ko na nga ang cellphone ko sa gulat eh. Buti na lang at hindi iyon napansin ni Benedict.
Dahil sa inis ko ay pinabalot ko na lang yung natira kong cheesescake at niyaya ko na si Benedict na umalis pagkatapos noon. Kita kong nagtaka ang kanyang mukha pero hindi na niya tinanong pa sa akin kung anong problema ko.