Kathrina
Aaminin ko naman sa aking sarili na nagugustuhan ko na si Ellion kahit paano. Paano mo naman hindi magugustuhan ang lalaking iyon eh napaka-bait niya? Iyon nga lang, ramdam ko naman na mahal pa rin niya ang ex-girlfriend niya kahit hindi niya sabihin ng deretso sa akin, e. Hindi naman ako nasasaktan, naiinis lang ako sa tuwing iyon pa rin ang usapan kahit na kasama na niya ako lagi.
Isa din naman sa mga dahilan kung bakit siya ang napili kong makasama sa Manila ay para makilala ko pa siya ng lubusan at para na rin makilala ko ang babaeng mahal na mahal pa rin niya. Akala ko nga, hindi siya papayag sa gusto ko eh. Buti ay nagawan ko naman ng paraan.
Noong araw na iyon, ramdam ko na may takot siyang umuwi sa Manila. Talagang pinilit na lang niya na sumama sa akin dahil wala naman siyang choice kundi gawin iyon. Oras na humindi kasi siya ay lagot siya kay Daddy. Pinagkatiwala kasi ako ni Daddy sa kanya eh.
At noong sumama ako sa kanya sa mini gathering nila ng batchmates niya, planado talaga iyon kasi nga gusto kong makilala kung sino ba yung Aurora na sinasabi nila. Hindi kasi gaanong nagse-share sa akin si Ellion kaya wala akong idea kung sino siya. Ang alam ko lang, sinaktan niya si Ellion, iyon lang.
Masaya ako noong nakausap ko siya pero ramdam ko rin naman na iwas siya sa akin. Marahil ay iniisip niyang ako ang kapalit niya dahil ako ang sinama ni Ellion dito. Don’t worry, iyon din naman ang gusto ko. At sa tingin ko naman ay iyon din ang matutupad. Lalo na at kami lang naman ni Ellion ang laging magkasama sa Mindoro. Mabilis na iyon kung gugustuhin namin pareho. Sa tingin ko naman ay gusto niya rin ako kaya walang problema roon.
Habang mag-isa akong naka-upo roon ay lumabas muna si Ellion para manigarilyo. Naiwan tuloy akong mag-isa at nakita ako ni Jhulia kaya nilapitan niya ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero hinayaan ko na lang, Baka kinikilala niya kung sino ang kasunod ng kaibigan niya sa puso ni Ellion.
‘’Hello, Kathrina! Kamusta ka na? Sana nagustuhan mo yung food ah. Iyan kasi ang hilig naming lahat kaya hindi na kami nagpapalit ng menu kapag nagkikita kami. Sanay na kasi eh,’’ kwento pa niya.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi pa niya ito eh wala naman na akong magagawa kung iyon na ang nakahain. Minsan, masarap din ang magsalita pero dahil nandito si Ellion ngayon at bago pa lang ako sa circle nila ay hindi muna ako mag-iinarte. Mamaya niyan, isumbong pa ako nito kay Ellion eh di lalo na akong hindi magugustuhan ng lalaking iyon. Baka sa huli ay si Aurora pa ang manalo sa laban.
‘’Ay, no worries naman. Kumakain naman ako nung mga hinanda niyo kaya wala namang problema sa akin, Thanks for checking me, ha?’’ sagot ko na lang, I faked a smile.
‘’Wala iyon. Actually, I’m really happy na dinala ka rito ni Ellion. Alam mo ba, minsan lang iyan magdala ng babae kapag magkakasama kami kasi alam niyang mai-issue siya. Buti nga ngayon, malakas na yung loob niyang isama ka rito, dati kasi eh wala talagang pinapakilala iyan sa amin,’’ sabi ni Jhulia sa akin.
Dahil sa dami ng kwinento niya sa akin ay natuwa ako sa kanya. Hindi ko nap ala kailangan magtanong ng mga bagay rito dahil siya na mismo ang magke-kwento sa akin. Konting lambing lang ay malalaman ko na agad kung sino ba si Aurora sa buhay ni Ellion.
‘’Ay talaga? Bakit naman siya mai-issue? May problema ba kung magdala siya ng girls? I mean, may babae ba rito na may gusto sa kanya?’’ tanong ko pa, kunwari ay walang alam sa nangyayari.
‘’Ah, eh hindi naman sa ganoon. Alam mo kasi, ex-girlfriend niya yung nasa kabilang table. Alam mo ba, mahal na mahal niya iyan eh. No offense meant sa iyo pero iba talaga iyang dalawang iyan. Kung pwede ko nga lang i-kwento na lang sa iyo eh ginawa ko na eh,’’ kwento pa niya. Gusto kong matawa pero hindi naman pwede dahil magtataka si Jhulia sa akin.
‘’Ah. Okay. Kaya naman pala. Uy, pero okay lang iyon ah. Alam ko naman na iba ang kwento namin sa kwento nila. I respect her. I think, okay naman na siya dahil may bago na rin siyang boyfriend, tama ba?’’ pagsisinungaling ko pa.
Ellion, sorry. Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa tayo. Kaya lang, ang sarap pala sa pakiramdam na feeling ng ibang tao ay girlfriend mo na ako. Lalo na siguro si Aurora. Ellion, pasensya ka na ha? Gusto ko lang na may panlaban ka rin katulad ng Benedict na iyon.
‘’Oo, okay na iyan si Aurie kaya wala ka nang problema dyan. okay?’’ sabi ni Jhulia.
Pagkatapos noon ay nakipag-usap na rin sa amin si Patricia. Ilang minuto pa ay nagulat ako dahil pati si Aurora ay lumapit na sa amin. Nakipag-usap naman siya sa akin, ramdam ko nga lang ang awkwardness sa aming dalawa pero okay na rin iyon, at least ay nakipag-usap pa rin siya sa akin.
Pagkatapos ng pagkikita na iyon, dumating yung araw na nahingi ko kay Ellion ang social media accounts nila. Ang galing nga eh, kasi pati yung kay Aurora ay nahingi ko. Hindi ko alam kung napilitan lang siya o kung ano, basta ang mahalaga sa akin ay nahingi ko.
‘’Ah, alam mo, pwede mo naman silang i-add sa social media kung gusto mo pa rin na makausap sila kahit na nasa Mindoro na tayo,’’ sabi ni Ellion.
’Seryoso ka? Pwede talaga?’’ paglilinaw ko pa. kunwari ay excited ako sa mangyayari.
’Oo naman. I think, they will accept you sa friend list. At saka, sasabihin ko naman iyon mamaya sa mga boyfriend nila kaya huwag kang mag-alala na dyan. You will still have the connection with them. Okay?’’ sagot ni Ellion.
’Sige ha. Sabi mo iyan. Ibigay mo sa akin yung accounts nila, i-add ko sila. Pati na rin si Aurora, ha?’’
‘’Oo naman, sige. Walang problema. Sasabihin ko sa kanya,’’ sagot sa akin ni Ellion.
At iyon na nga, he gave me her name. I immediately added her. In fairness, ang ganda niya ha, pero syempre, mas maganda naman ako. Ako yung bago eh. I stalked her a little more. Napatigil ako nang makita na may uploaded picture pa rin sila sa social media account ni Aurora. Wari ko ay hindi pa niya iyon nabubura. Ewan ko ba pero may kirot sa puso ko noong nakita ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang. Bakit parang nasakan ako?