Benedict
Noong gabing pumunta kami sa mini gathering. Inis na inis ang mukha ni Aurora. Agad ko siyang tinanong kung anong problema niya at nagulat ako sa sagot niya. Akala ko kasi, ayos naman siya kasi nandito nga kami pareho eh.
‘’Is there a problem babe? Sabihin mo naman sa akin, kanina ka pa tahimik dyan, e. May mali ba akong nagawa kanina? Sabihin mo sa akin para alam ko at makapag-sorry ako ng maayos sa iyo,’’ sabi ko.
‘’Bakit mo kasi kinausap si Ellion? Alam mo namang-‘’ natigil ang pagsasalita niya dahil sumagot agad ako.
‘’Oh, ano namang problema kung kinausap ko siya? Eh ang ayos naman ng usapan namin. Kung alam mo lang, ang bait nga niya sa akin eh. Di ba, siya pa nga ang lumapit?’’ sagot ko naman, may inis na sa boses ko agad.
‘’Iyon na nga, iniiwasan ko siya dahil maraming masasabi yung iba sa amin tapos ikaw naman, kina-kausap mo siya. Sa susunod, huwag nang ganoon babe. Please?’’ hiling pa niya sa akin.
Ano bang problema? Alam ko naman na mag-ex silang dalawa pero sa nakita ko naman kanina ay walang problema si Ellion sa akin. Kinamayan pa nga ako at kinausap, hindi ba? Ano bang hindi niya ma-gets doon? Hindi ba siya sanay sa mag-ex na okay naman at may issue siya ngayon?
’Babe, kung alam mo lang. Hindi naman na siya apektado sa nangyari sa inyo eh. Maluwag na niyang tinanggap sa puso niya na hindi mo na siya mahal. Tapos ngayon, ito ang sasabihin mo sa akin? Babe naman. Mukhang ikaw yung hindi okay, e. Bakit? Mahal mo pa ba siya?’’ sabi ko na. Kahit na masakit para sa akin na itanong iyon sa kanya eh ginawa ko na.
‘’H-Hindi naman sa mahal ko pa siya. Ayaw ko lang na makumpara ka ng mga kaibigan ko sa kanya. Alam mo iyon? Sana, alam mo na hindi kasi madali para sa akin na makita kayo nang magkasama,’’ sabi niya sa akin.
‘’Kung hindi pala madali para sa iyo na makita kaming magkasama, eh di sana hindi na lang tayo pumunta roon. Bakit ngayon mo lang sinabi? Aurora naman! Sa susunod, kapag kasama siya sa mga pupunta, huwag mo na lang akong isama kung ganoon lang din ang pag-iisip mo tungkol sa amin ha?’’
Hindi ko alam kung bakit pero sumabog na ako. Kahit na ayaw kong mag-away kami eh ang sakit lang kasi sa part ko na parang mahal niya pa si Ellion. Kung mahal pa niya iyon, eh ano pa ang role ko sa buhay niya?
‘’Hala, hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin eh. Sorry na po, babe. Hindi ko po gusto na iyon ang maramdaman mo. Promise. Hindi po,’’ sagot niya sa akin.
Bigla siyang bumait at bumama ang boses. Na-realize niya sigurong nasaktan talaga niya ako. Akala ko, itutuloy pa niya ang pakikipag-away sa akin. Buti na lang, hindi. Ayaw ko rin talagang mag-away kami eh.
’Alam mo, i-uuwi na kita sa inyo. We had so much for today at ayaw ko na munang isipin iyon. baka pagod lang tayo kaya ganito tayo mag-salita sa isa’t isa,’’ sabi ko na lang.
Pagod na rin kasi talaga ako ngayong araw. Inisip ko na lang na iyon ang dahilan kung bakit kami nag-away at hindi si Ellion. Kasi kung iyon ang iisipin ko, baka kainin lang ako ng duda at lungkot eh. Sa huli, maniniwala pa rin ako na mahal niya ako. Nag-uumpisa pa lang kami eh.
‘’I’m sorry babe. Baka nga pagod na po tayo. I-uwi mo na nga ako,’’ mahinahon na sabi niya.
Doon pa lang ay parang nabura na ang pagkakamali niya. Nag-sorry agad siya eh. Hay, iyon lang naman ang iniintay ko. Medyo naging okay na ako noon pero syempre, hindi ko na maiwasan na hindi mag-isip kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya kay Ellion.
Noong inuwi ko siya sa kanila eh niyaya pa ako ni Tita sa loob ng bahay nila pero minabuti kong hindi na tanggapin ang imbitasyon niya. Alam ko rin na magtatanong siya sa anak niya dahil halata naman na hindi kami okay ni Aurora.
Pagkatapos noon ay ilang araw din kaming hindi sweet sa isa’t isa. Yung alam mo na may barrier sa aming dalawa. Todo isip pa rin kasi ako sa nangyaring iyon kahit na napatawad ko naman na siya. Iba pa rin yung bigat pero alam ko namang hindi matatapos ito rito.
Hinahatid at sinusundo ko pa rin naman siya sa trabaho. Isang araw, may sinabi siya sa akin.
‘’Babe, kita tayo mamaya ha? May gusto lang sana akong sabihin sa iyo. Dyan lang naman sa coffee shop near the office. Ayos lang ba?’’
Medyo kinabahan ako roon. Makikipaghiwalay na ba siya sa akin? Ganito kabilis? Na-realize ba niya na mahal niya pa rin si Ellion at rebound lang ako? Ang sakit. Sana hindi naman ganoon ang pag-usapan namin. Sumagot ako pero hindi ko pinahalata na nag-iisip ako ng kung anu-ano.
‘’Yeah, sure. Tungkol ba saan?’’ tipid kong sagot. Seryoso pa rin ang mukha ko nang sabihin ko ito.
’Ah, basta. Mag-usap na lang tayo mamaya. Papasok na ako sa office. Ingat ka sa work mo, I love you, babe,’’ sagot niya sa akin.
Kahit gusto kong malaman iyon agad eh wala naman akong magagawa. Malalaman ko na lang siguro mamaya. Hay. Iisipin ko na naman siguro maghapon ito.
‘’Oh sige, pasok ka na. Mamaya na lang tayo mag-usap, okay? I love you too,’’ sagot niya naman sa akin.
Pagkatapos ko sa office ay dinaanan ko na agad siya. Sa kotse pa lang ay kinukulit na niya ako. Tinatanong na niya kung okay kami kaya nagtaka ako.
‘’Babe, are you sure na okay lang tayo? Hindi ka ba galit sa akin?’’
‘’Oo naman. Ano bang akala mo? We are okay. Siguro, pagod lang tayo sa office kaya hindi natin ramdam ang isa’t isa,’’ sagot ko.
’Okay. Halika na. Punta na tayo roon sa coffee shop. Doon tayo mag-usap,’’ yaya niya sa akin.
Iyon naman ang ginawa ko. Malapit lang naman yung coffee shop sa office niya kaya walang problema at hindi rin traffic.
‘’Upo ka na muna. Oorder lang ako ng food at coffee tapos usap na tayo,’’ sabi ko, pagdating namin doonm sa coffee shop.
Hinintay niya lang ako. I ordered only for her. Hindi naman ako gutom. Gusto ko rin na sabihin na niya agad kung ano man ang pag-uusapan namin kasi ayaw ko na mag-isip nang mag-isip.
‘’I ordered mango cheesecake for you tapos java chip din na drink,’’ sabi ko pagbalik ko sa table namin.
Nilapag ko sa table ang order at kita ko naman sa mukha niya ang pagtataka. Dahil siguro sa siya lang ang meron at ako ay wala. Hindi naman na problema sa akin iyon.
‘’Babe, bakit ako lang? Hindi ka um-order ng sa iyo? Ayaw mo ba?’’ tanong niya sa akin.
‘’Ikaw na lang, babe. Hindi pa naman ako gutom. Sa bahay na lang ako kakain,’’ sagot ko lang sa kanya.
‘’Sure ka? Bakit ayaw mo? May problema ka ba?’’ tanong niya ulit sa akin.
‘’Wala naman, babe. Sige na, kumain ka na ha? Busog naman ako kasi kumain ako bago umalis ng office. Oh, ano nga pala yung pag-uusapan natin?’’ tanong ko na sa kanya, hindi na ako makali eh.
She sipped from her coffee and took a slice from the cheesecake. Kahit iyon lang ang ginawa niya ay parang natunaw ang puso ko. Ang ganda pa rin talaga ni Aurora kahit iyon lang ang ginawa niya. Pagkatapos noon ay nagsalita na siya.
‘’Hmm. Eh kasi di ba, nag-away tayo noong nakaraan? Gusto ko lang sannag mag-sorry sa nasabi ko. Promise, hindi ko naman sinasadya iyon. sana naiintindihan mo ako at napatawad mo na ako dahil doon,’’ sabi niya.
‘’Oh, ayos naman na iyon ah? Hindi pa ba? Eh napag-usapan na natin iyan noong nasa kotse pa lang tayo, same night, di ba?’’ sagot ko. Ramdam din pala niya na hindi ako okay. Akala ko, hindi na namin pag-uusapan ito.
‘’Seryoso ka pa rin eh. Hindi kita mabiro. Ramdam kong iwas ka pa rin sa akin, e. Sorry na kasi sa nagawa ko, babe. Promise, hindi ko na uulitin iyon at alam ko naman na kasalanan ko talaga siya,’’ paliwanag niya sa akin.
I really feel na gusto na niya talaga kaming maging okay kaya dahan-dahan ay pinatawad ko na siya.
’Hmm. Talaga? Hindi mo na uulitin? Hindi mo na ako sasaktan? Kasi babe, sa totoo lang eh nasaktan talaga ako noon. Para bang sinampal mo ako at sinabi mo sa akin na si Ellion pa rin ang mahal mo,’’ pag-amin ko pero okay naman na ako.
‘’Hindi naman sa ganoon, baka natakot lang ako at nag-isip isip ng mga bagay na wala pa naman in the first place. Hayaan mo na, totoo namang kasalanan ko iyon eh,’’ sabi niya sa akin.
‘’Apology accepted na. Basta, huwag na lang natin siyang pag-usapan. Saka, kung gusto naman niya makipagkaibigan sa akin eh hayaan mo lang. Kami na lang ang bahala roon, Alam mo kasi, maayos naman talaga siyang kausap noong gabi na iyon. Kitang-kita ko na okay na siya eh,’’ sabi ko sa kanya.
Tumango na lang siya sa akin bilang tugon. Buti naman at hinayaan niya na ako sa desisyon ko. Ayaw niya na rin siguro na mag-away pa kami kaya hinayaan na lang niya ako roon.
At least ngayon, masaya na ako dahil okay na ulit kami. Siguro, babawasan ko na rin ang pag-iisip tungkol sa kanila ni Ellion at magtitiwala na lang ako sa sinasabi niyang mahal niya ako talaga. Ganoon siguro talaga pagmahal mo eh, bibigyan mo ng chance.
I love you, Aurora Feliz. I love you so much.