Chapter 47

2119 Words
Ellion Jase Pagbalik namin sa Mindoro ay naging busy na rin kami sa trabaho ni Kathrina. May mga araw na magkasama pa rin naman kaming dalawa pero madalas ay hindi na nga dahil madami akong inaasikaso. Dumaan ang isang araw na hindi kami nag-usap. Inisip ko lang na baka busy talaga siya kaya hindi niya ako kinausap. Kaso paggising ko nitong umaga ay naka-receive ako ng tawag galing sa Daddy niya. ‘’Ellion, may ginagawa ka ba ngayon? Kung ayos lang sa iyo ay puntahan mo naman si Kathrina. May sakit kasi siya eh. Kung busy ka, baka pwedeng daanan mo siya mamaya kapag natapos ka na dyan,’’ sabi sa akin ni Tito. ‘’Ah, sige po. Wala namang problema sa akin iyon. Pupunta po ako dyan mamaya kapag tapos na po ako sa trabaho, ha? Pakisabi po kay Kathrina na magpagaling siya,’’ sagot ko naman. ‘’Sige, Ellion. Salamat. Hihintayin ka na lang namin dito. Sasabihin ko na kay Kathrina na darating ka, ha? Baka kapag sinabi ko iyon sa kanya ay gumaling na siya eh,’’ sabi pa ni Tito, sa loob-loob ko ay natawa na lang ako pero hindi ko na lang pinahalata kay Tito, nakakahiya eh. ‘’Sige po, Tito. Wala pong problema. Asahan niyo po ako mamaya,’’ sabi ko at binaba ko na ang tawag na iyon. Habang inaayos ko ang aking sarili ay iniisip ko si Kathrina. Kaya naman pala hindi niya ako kinakausap ay dahil may sakit na pala siya. Baka sa sobrang pagod sa trabaho. Ang dami kasi niyang kinausap na client noong nasa Manila kami. Sinabihan ko na siya na huwag i-over work ang sarili pero wala, iyon pa rin ang ginawa. Nasa dugo na rin talaga siguro niya ang pagiging hard working. Pagdating ko sa office ay inayos ko agad ang mga dapat ayusin. Ang plano ko ay agahan na lang ang uwi ko para makapunta ako kay Kathrina. Sa totoo lang, hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit koi to ginagawa. Siguro ay sadyang mahalaga na sa akin si Kathrina kaya ang lakas noong epekto nang malaman kong may sakit siya. ‘’Ms. Josie, maaga sana ako uuwi ngayon ha? Something came up lang kaya kailangan ay maaga akong makauwi. I hope that’s okay with you?’’ sabi ko sa secretary ko. ‘’Ah, okay po Sir. Wala naman pong problema iyon. we can re-schedule all of your meetings po. You have three meetings po mamayang hapon, e,’’ sagot ni Josie sa akin. ‘’Ah, iyon. Many thanks, Josie! Ang lakas ko talaga sa iyo, Pasensya ka na at kailangan ko lang talaga itong puntahan. Promise! Bukas ay babawi ako sa iyo, ha? Pagbigyan mo lang ako, ngayon lang,’’ sabi ko pa. Bahagya namang nagbago ang itsura ni Josie sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit gustong-gusto ko na puntahan itong sinasabi ko sa kanya. May ideya na rin siguro siya na si Kathrina iyon kasi si Kathrina lang naman ang dinadala kong babae rito sa opisina ko. ‘’Si Ms. Kathrina po iyan, ano? Grabe yung pag-aalala niyo sa kanya eh. Pwede po bang malaman kung anong nangyari?’’ usisa pa niya, natawa na lang tuloy ako. ‘’Ah, sabi ni Tito may sakit siya. Kaya ako pupunta doon mamaya. Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako makali noong nalaman ko eh. Mamaya pa sana ako pupunta sa kanila kaso, nag-aalala na talaga ako for her,’’ sabi ko kay Josie. Hindi ko alam kung bakit pero ngumiti siya na para bang kinikilig. Tinanong ko kung anong problema niya, natatawa pa rin siya kaya natawa na lang din ako. Sa isip-isip ko, may mali bas a sinabi ko? Feeling ko naman kasi, wala. ‘’Ay, worried boyfriend lang ang peg, Sir?’’ sagot niya, natawa pa rin. ‘’Huy, hindi ah. Hindi naman niya ako boyfriend. Concerned friend lang ako. hay, naku. Mag-trabaho na lang nga tayo. Ang aga-aga, kung anu-ano na nalabas sa bibig mo ha? Let’s work, para maaga rin tayo matapos,’’ sabi ko. May binulong siya pero hindi ko na naintindihan. Hindi ko na rin tinanong dahil alam kong kalokohan lang naman niya iyon. I just focused on my work para maaga akong makapunta kina Kathrina. Mga 12:30 ako nag-out sa trabaho. Kumain muna ako sa cafeteria ng office bago tuluyang pumunta kina Kathrina kasi ayaw ko naman na roon pa ako kumain sa kanila. Nakakahiya naman yata iyon. Paglabas ko ng office ay nakita kong nakangiti sa akin si Josie. Nakangiti siya na parang kinikilig. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik at saka nagsalita. ‘’Oh, ano na naman iyang ngini-ngiti mo dyan ah? May naiisip ka na namang kalokohan, ano?’’ sabi ko, pero natatawa rin naman ako sa kanya. ‘’Ah, wala naman po Sir Ellion. Sige na po at baka hinihintay na kayo ng prinsesa niyo. Bantayan niyo po siyang maigi ha?’’ asar pa sa akin ni Josie. ‘’Naku, Josie. Sige ka, asarin mo pa ako. Sweldo mo sa susunod na cut off ang pagdidiskitahan ko. Gusto mo ba iyon?’’ panloloko ko sa kanya. ‘’Ito naman si Sir, hindi na mabiro eh. Oo na po, ito na nga. Papasok na ako sa loob at magta-trabaho nang mabuti. Sige na po, ingat kayo Sir Ellion ah!’’ paalam sa akin ni Josie, pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng opisina. Bago ako pumunta kina Kathrina ay bumili muna ako ng mga prutas sa mall. Bumili na rin ako ng gamot at bulaklak to make her day, at least. Hindi naman sa nanliligaw ako sa kanya, gusto ko lang na masaya siya kahit may sakit pa siya. Nang mabili ko na ang lahat ng kailangan ay pumunta na ako sa bahay nila. Pagdating ko doon ay nag-door bell agad ako. Kahit na ang bigat-bigat ng mga dala ko ay kinaya ko pa rin namang mag-door bell. Pagbukas ng pintuan ay nagulat si Nanay Violy dahil sa akin. Kita ko naman na kinilig siya noong nakita niya ang mga dala ko. Nahiya tuloy ako ng konti pero wala na eh, kailangan ko na itong panindigan dahil nandito na ako eh. ‘’Nanay Violy, kamusta na po si Kathrina? Ayos na po baa ng pakiramdam niya? Gusto ko po sana siyang makita eh. Ayos lang po ba?’’ sabi ko, dala-dala pa rin ang mga pinamili ko. ‘’Ay, diyos ko. Sobrang matutuwa si Kathrina kapag nakita niya ikaw, Ellion. Lalo na at ang dami mo pang dala para sa kanya. Feeling ko, bigla siyang gagaling kapag nakita ka niya eh,’’ sagot naman ni Nanay Violy sa akin, ang tono niya ay kilig na kilig kaya natatawa ako sa kanya. ‘’Ikaw naman, Nanay Violy eh. Hindi ito panahon ng lokohan. Ano nga? Pwede ba akong pumasok sa loob?’’ sabi ko na lang, tinago ko sa kanya na natatawa ako sa reaksyon niya. ‘’Aba, oo naman! Kanina ka pa nga hinihintay ni Sir Alberto eh. Sige na, pumanhik ka na at kanina ka pa niya hinihintay,’’ excited na sagot ni Nanay Violy sa akin. Noong una ay akala ko eh sasamahana niya ako sa taas, hindi pala. Wala na akong nagawa. Hindi ko na rin hinintay ang pagsunod niya sa akin. Kumatok na lang ako sa pintuan ng kwarto ni Kathrina. Alam ko naman kung saan ang kwarto niya kasi ilang beses na rin naman akong pumupunta rito. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinagbuksan na ako ng pinto ni Tito Albert. Nakita ko namang gulat na gulat siya dahil siguro sa mga dala ko pero ngumiti na lang ako sa kanya. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil alam kong ang sabi ko sa kanya ay mamaya pa ako darating. Baka isipin niya ay excited akong makita si Kathrina. Naku po. ‘’Oh, hijo. Nandito ka na agad. Akala ko ay mamaya pa ang dating mo. Eh buti at gising si Kathrina ngayon. Siya, pasok ka na,’’ sabi niya sa akin. ‘’Oo nga po, Tito eh. I re-scheduled my meetings today po para makapunta agad dito. Kamusta po siya?’’ sagot ko. ‘’She’s a bit okay as of the moment pero hindi pa rin namin alam kasi inaapoy siya ng lagnat kagabi,’’ sagot ni Tito sa akin. Pagkatapos noon ay nakita ko na si Kathrina na nakahiga, nanunuod siya ng TV. Gulat na gulat siya nang makita ako sa di kalayuan. Umayos siya ng upo at parang na-energize agad noon. Lumapit agad ako sa kanya. ‘’Uy, dahan-dahan ka naman. Hindi ka pa magaling ah. Paalala lang,’’ sabi ko sa kanya. ‘’You are here. Paano mo nalaman na may sakit ako, ha? Hindi ko naman sinabi sa iyo di ba? Hindi pa kita nau-update about what happened to me right?’’ mahina lang ang boses niya noong sinabi niya sa akin iyon pero sapat naman na para marinig ko. ‘’Your dad called this morning. Sinabi niya sa akin ang sitwasyon mo kaya nandito ako ngayon. How are you feeling?’’ I asked her then smiled. ‘’Si Daddy talaga, nakakahiya sa iyo kasi alam kong busy ka sa office pero nandito ka. I’m a bit fine. Kagabi lang eh inaapoy pa rin ako ng lagnat pero okay na ngayon,’’ sagot niya sa akin. ‘’Sorry na, anak. Hindi ko na kasi alam kung ano ang magpapagaling sa iyo kaya tinawagan ko si Ellion. Sa tingin ko naman ay okay ang naging desisyon ko kasi nakakangiti ka na ngayon,’’ sagot naman ni Tito kay Kathrina. Dahil sa sinabi ni Tito na iyon eh bigla akong nahiya, para kasing sinabi niya sa akin na ako ang gamot na magpapagaling sa anak niya. Akala siguro talaga ni Tito ay nililigawan ko si Kathrina. Hay, paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na hindi naman ganoon ang intension ko? Eh naku, hindi naman pwede ngayon kasi may sakit si Kathrina. Hindi ko pwedeng sirain ang mood niya. Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ni Tito bago siya tuluyang umalis sa kwarto ni Kathrina. Pagkatapos noon ay umayos ako ng upo sa tabi niya. Ngumiti siya sa akin at saka nagsalita. ‘’Sorry for my dad. I mean, hindi ka na niya dapat pinapunta rito. I know, you are so busy. Sige, kapag magaling na ako ay babawi ako sa iyo. Okay? Sorry talaga,’’ sabi ni Kathrina sa akin. Hiyang-hiya talaga siya sa akin. ‘’Ano ka ba? Okay nga sa akin na sinabihan niya ako kaninang umaga eh. Nag-aalala kasi ako sa iyo. Hindi mo ako kinausap ng isang araw. Akala ko, may nasabi akong hindi maganda or something,’’ sagot ko sa kanya. ‘’Ano ka ba? Wala naman. Actually, I really want to apologize kasi hindi ako nakapag-reply kahapon. Iba talaga kasi yung pakiramdam ko kahapon. I feel like I’m meeting the Lord real soon. Alam mo iyon?’’ sagot naman niya sa akin. ‘’Oops, huwag mo na sabihin iyan. Ano ka ba? Anong meeting the Lord eh alam naman natin pareho na gagaling ka, di ba? Please, magpagaling ka. Okay?’’ sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang napatingin sa akin nang matagal. Nakangiti lang siya sa akin. Halos isang minuto rin iyon. Hindi ko naman maiwasan na hindi siya tanungin kung bakit nakatingin siya sa akin at nakangiti pa. ‘’Why are you looking at me like that? May problema ka ba sa sinabi ko?’’ tanong ko sa kanya. ‘’Wala. I’m just happy that you are here and you are willing to take care of me. Thank you. I really appreciate it. Promise!’’ sabi niya habang nakangiti sa akin. Hindi ko naman maiwasan na hindi mapangiti pabalik. I just really like it na she really appreciate kung ano man ang ginawa ko for her. ‘’Ano ka ba? Wala iyon, ano. Gusto mo ba ng apples or oranges? May dala ako, ipaghahanda kita if you like,’’ sabi ko na lang sa kanya. ‘’Yes, please. Thank you,’’ sagot niya sa akin at umayos ulit ng upo sa kama niya. Tumayo naman ako para kunin yung mga dala kong prutas. Pagkatapos noon ay lumapit na agad ako sa kanya, dala-dala ang isang bowl na may lamang apples and oranges. Buti na lang at meron doon na lagayan sa tabi niya. Habang nakain siya noon ay nanunuod naman ako ng movie. Nakita ko na lang na nakatulog nap ala siya pagkatapos niyang maubos yung mga prutas. Natuwa na lang ako nang makita ang mukha niya. She’s like Snow White, sleeping soundly. Kinuha ko ang bowl sa tabi niya at lumabas muna ako para ilagay sa sink ang pinagkainan niya ng prutas. Nandoon naman si Nanay Violy sa may sink kaya sinabi niya sa akin na siya na daw ang bahalang maghugas noon. Bumalik na lang ako sa kwarto ni Kathrina at binantayan siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD