Kathrina
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Pagbalik kasi namin ni Ellion sa Mindoro ay bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Ni hindi ko na nga siya na-iupdate tungkol sa akin ng isang araw. Hindi ko kasi talagang kumilos nang kumilos. Siguro ay hindi talaga ako sanay sa mga byahe. Noong nandito lang naman kasi ako sa Mindoro eh hindi naman ako ganito eh.
‘’Oh, anak. Kaya mo na ba? Uminom ka muna ng gamot. Grabe ang lagnat mo, lalo na kagabi. Hindi na namin alam ng Mommy mo kung ano ang gagawin sa iyo. Akala nga namin eh dadalhin ka na namin sa ospital eh,’’ sabi sa akin ni Daddy, hawak-hawak niya ang gamot para sa akin.
‘’Eh Daddy, ayaw ko naman po sa ospital. Baka lalo lang akong magkasakit kapag doon ako nag-stay. Alam mo naman ako, sinusuka ako ng ospital eh,’’ sagot ko, inuubo pa rin hanggang sa ngayon.
‘’Kaya nga hindi ka na namin dinala roon. Oh, mas ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon kaysa kagabi? Patingin nga kung mataas pa ang lagnat mo,’’ sabi ni Daddy pagkatapos nilagay niya ang kamay sa aking leeg at noo.
‘’Sa tingin ko naman ay ayos na ako, Daddy. Nasaan si Mommy? Pasensya na kayo, mukhang hindi kayo nakapag-trabaho dahil sa akin. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin eh sa Manila eh. Hindi siguro talaga ako sanay doon,’’ sabi ko kay Daddy.
‘’Ano ka ba naman anak? Ayos lang naman iyon. Naiintindihan namin ng Mommy mo. Ako nga ang dapat na magsabi ng sorry sa iyo kasi kung hindi kita pinapunta doon ay hindi ka magkakasakit. Dapat, ako na lang ang humarap sa mga clients natin, e.’’
Nakita kong nagsisisi talaga ang Daddy ko. Ramdam ko iyon sa kung paano niya ako tingnan. Gusto ko man siyang yakapin ay hindi ko naman magawa dahil may sakit nga ako. Ngumiti na lang ako at nagsalita.
‘’Daddy, wala naman po iyon. I mean, hindi naman po natin ginusto na magkasakit ako pagkatapos kong pumunta sa Maynila hindi ba? So, hindi niyo po kasalanan, okay? Wala pong may kasalanan,’’ sabi ko sa kanya.
Hindi naman na siya sumagot, tumango na lang siya. Ramdam ko pa rin that he’s really worried about me pero hindi na lang niya sinasabi out loud. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagpaalam siya sa akin dahil kukunin niya yung pagkain na hinanda ni Mommy para sa akin.
‘’Anak, dyan ka lang muna ah? Bababa lang ako para kunin ang pagkain mo. Huwag ka munnag masyadong gumalaw ah? Hindi mo pa kaya eh,’’ sabi sa akin ni Daddy, natawa naman ako.
‘’Daddy, para naman akong bata sa pagkakasabi mo ah? Hayaan mo, hindi naman ako aalis dito sa pwesto ko at alam ko naman na hindi ko pa talaga kaya eh,’’ sagot ko sa kanya.
‘’Eh nasta, umayos ka dyan at baka mapaano ka. Babalik ako agad, okay? Hintayin mo ako,’’ bilin niya sa akin.
Iyon naman ang ginawa ko. Sa totoo lang ay hindi pa rin talaga kaya ng katawan ko na magkikilos kaya hihiga lang talaga ako all day. Pasensya na sa paper works na naghihintay sa akin pero mahina rin talaga ang kalaban eh.
After 15 minutes ay bumalik na si Daddy sa kwarto. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagulat na lang ako nang makita na nakangiti siya sa akin, parang may halong kilig ang itsura niya. Agad ko siyang tinanong kung ano ang problema kasi hindi ko talaga maintindihan eh.
‘’Oh, Daddy. Ano pong meron at ganyan kayo makatingin sa akin? Parang tuwang-tuwa kayo ah?’’ sabi ko.
Umupo siya sa tabi ko, sa may kama at saka nagsalita.
‘’Eh anak, ano kasi. Noong nasa baba ako kanina eh tinawagan ko si Ellion para sana pumunta rito. Hindi ko na kasi alam kung paano gagaling. Alam ko naman na isa siya sa mga nagpapasaya sa iyo kaya kinausap ko siya para bantayan ka,’’ sabi ni Daddy, nakangiti pa rin siya ngayon.
Bahagya akong nahiya kay Ellion. Alam kong busy siya na tao at malaki ang mawawala sa kanya kung pumunta siya rito kaya sinabihan ko si Daddy na hindi na niya dapat ginawa pa iyon kasi nakakahiya.
‘’Daddy naman, bakit mo po iyon ginawa? Alam mo naman na busy si Ellion, di ba? Nakakahiya naman sa kanya kung papupuntahin mo pa po siya rito. Actually, I feel bad kasi hindi ko na po siya nakausap at nasabihan na may sakit ako,’’ sabi ko, medyo may inis sa aking boses pero deep inside ay gusto ko rin namang malaman kung ano ang sinabi ni Ellion kay Daddy.
‘’Alam mo anak, feeling ko naman ay hindi iyon problema kay Ellion. Sabi naman niya sa akin, okay raw sa kanya. Pupuntahan ka nga mamaya eh, may tatapusin lang daw siya sa trabaho tapos deretso na raw siya rito,’’ sabi ni Daddy sa akin.
Sa totoo lang ay gusto ko pa sanang magtanong kay Daddy kung ano ang pinag-usapan nila pero nahihiya naman ako dahil baka makahalata si Daddy sa akin at asarin pa niya ako kay Ellion kaya minabuti kong huwag na lang.
‘’Siguro ka, Daddy ah? Baka napilitan lang si Ellion na pumunta rito, e. Nakakahiya talaga,’’ sabi ko, hindi ako makatingin ng deretso kay Daddy dahil sa sobrang hiya ko.
‘’Oo, sigurado ako. Alam mo, ramdam ko nga yung pag-aalala niya sa iyo, anak eh. Kaya lalo akong boto sa kanya. Pwedeng-pwede mo siyang maging boyfriend. Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa akin,’’ may pang-aasar na sabi ni Daddy sa akin.
‘’Daddy naman eh, inaasar pa ako eh hindi nga ako nililigawan noong tao. Baka mapahiya lang tayo dyan,’’ sabi ko pa, pero sa loob-loob ko ay kilig na kilig na ako kasi ang totoo niyan ay gusto ko siyang makita sa personal.
‘’Naku, feeling ko naman anak, hindi tayo mapapahiya roon. Single ka naman, single din siya. Walang problema,’’ nakangiting sabi sa akin ni Daddy.
Gusto ko sanang sabihin kay Daddy na hindi ako sigurado dahil may Aurora sa paligid pero hindi ko na ginawa dahil baka kausapin pa siya ni Daddy tungkol doon. Lalong nakakahiya dahil parang nanghihingi ako ng pagmamahal sa kanya. Baka ang mangyari pa eh ako ang manligaw imbes na siya.
Natulog muna ako pagkatapos kong kumain dahil ang sakit na naman ng ulo ko. Sinabi na lang sa akin ni Daddy na gigisingin niya na lang ako kapag nandyan na si Ellion. I agreed. Kilig na kilig ako sa loob ko dahil alam kong paggising ko ay makikita ko na siya.
Pagkatapos ng dalawang oras ay nagising na ako. Mas okay ang feeling ko ngayon, dahil siguro nakapagpahinga ako ng ayos. Dahil medyo okay naman na ang pakiramdam ko, binuksan ko ang TV dahil bored na ako dito sa kwarto. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil baka mahawa ko sila Mommy at Daddy. Hay, ang hirap ng may sakit eh.
Habang ako ay nanunuod ng TV, biglang may kumatok sa aking kwarto. Dahil masakit pa ang katawan ko at hindi ko pa kayang gumalaw ng sobra ay sumigaw na lang ako, yung sigaw na alam kong maririnig niya kahit na malayo ako. Feeling ko ay si Ellion na iyon, e.
‘’Pasok, bukas iyan!’’
‘’Anak, bakit gising ka na agad? Matulog ka pa, baka kulang ka pa sa pahinga eh. Saka, bakit ka nanunuod? Naku, alam mo namang bawal pa sa iyo iyan dahil baka sumakit ang ulo mo. Ay, hindi ka nasunod ah,’’ suway sa akin ni Daddy, natawa naman ako dahil parang bata niya ako kung iturin.
‘’Ano ka ba, Daddy? Parang grade school naman ako niyan. Alam mo, Daddy. Pagod na akong humiga sa kama kaya nanuod muna ako ng TV. Ayaw ko namang lumabas dahil baka makahawa lang ako. please, let me do this. Okay? Kapag masakit na an ulo ko, hihiga na ulit ako,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Hay, naku. Ikaw ang bahala anak. Sa akin lang naman ay ayaw kong napapagod ka. Syempre, nag-aalala kami sa iyo. Minsan ka lang kasi magkasakit pero kapag nagkasakit naman ay grabe din. Concerned lang kami ng Mommy mo, anak,’’ sabi ni Daddy na may pag-aalala sa akin. I really appreciate it.
‘’Daddy, hindi naman na ako bata para pagsabihan mo pa ako. Alam ko po ang ginagawa ko. Kapag hindi ko na po kaya, ikaw ang unang makakaalam noon. Okay? I know my limits, Dad. Pero thank you po sa pag-aalala ha? I love you, I really appreciate it,’’ sagot ko. Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko naman magawa.
‘’O siya, ano ba iyang pinapanuod mo ha? Makikinuod na lang rin ako para may bonding tayong dalawa,’’ sabi ni Daddy in a sweet voice.
‘’Naku, I’m sure that you will not like it. Alam ko ang mga gusto mong panuorin ay barilan. Itong pinapanuod ko, Korean drama, panay kilig lang. Huwag na, Dad pero gusto ko nandyan ka lang,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Ay grabe siya, na-judged agad ako, anak? Hindi ba pwedeng subukan ko ang drama at baka magustuhan ko? Subok lang naman,’’ natatawang sabi ni Dad sa akin.
‘’Naku, Dad. Kilala na kita. Baka unang labas pa lang noong bida ay ayaw mo na dahil na-cornyhan ka sa mga scenes. Huwag na, dyan ka na lang. Samahan mo lang ako rito pero huwag kang lalapit sa akin ah, may sakit ako. Baka mahawa ka, e. Ayaw ko lang na magkasakit ka,’’ paalala ko sa kanya.
‘’Opo, Madam. Huwag kayong mag-alala sa akin. Hindi po ako lalapit sa inyo, lalo na at hindi pa kayo ligo. Ew, kadiri!’’ pang-aasar pa sa akin ni Daddy, tawang-tawa siya.
‘’Daddy naman, ang lakas talagang mang-asar! Manuod na lang po tayo,’’ sabi ko, iyon naman ang ginawa niya.
Tumigil na siya at nakipanuod na lang sa akin. Kapag hindi niya gusto ang scene ay pinipilit niyang hindi mag-comment para hindi ako magulo sa aking panunuod. Natatawa na lang ako dahil talagang sinamahan niya ako sa trip ko. Lalo ko tuloy siyang na-appreciate dahil dito.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay may kumatok sa pinto ko. Dahil sa katok na iyon ay kinabahan na ako. Feeling ko ay si Ellion na talaga ito. Tumayo si Daddy para buksan ang pinto ng kwarto ko. Kahit excited ako ay hindi ko na pinahalata dahil nakakahiya sa kanila.
‘’Teka, buksan ko lang ang pinto ah. Baka si Ellion na ito, e. Pero ang aga ah? Sabi niya, mamaya pa siya pag-uwi niya,’’ sabi ni Daddy at pumunta na nga doon sa may pinto. Habang ako ay nanunuod eh naririnig ko rin na may kausap si Daddy. Confirmed. Si Ellion na nga iyon. Pinagpatuloy ko pa ang panunuod ko. Kunwari ay deadma sa kung ano ang nangyayari.
Ilang minuto pa ang nakalipas eh nakita ko na nga si Ellion, papalapit sa akin. Inayos ko ang aking upo at kunwari ay gulat na gulat sa pagdating niya. Si Daddy din ay nagtaka sa reaksyon ko, alam kasi niyang alam ko naman na padating si Ellion eh. Kahit gusto niyang magsalita eh minabuti na lang niyang huwag. Ayaw niya siguro na masira ang moment ko with Ellion.
‘’Uy, dahan-dahan ka naman. Hindi ka pa magaling ah. Paalala lang,’’ sabi niya sa akin noong nakita niya ako.
‘’You are here. Paano mo nalaman na may sakit ako, ha? Hindi ko naman sinabi sa iyo di ba? Hindi pa kita nau-update about what happened to me right?’’ mahina lang ang boses ko pero sapat naman na para marinig niya.
‘’Your dad called this morning. Sinabi niya sa akin ang sitwasyon mo kaya nandito ako ngayon. How are you feeling?’’ sagot naman niya.
How am I feeling? Ito, kilig na kilig dahil sa iyo. Kung alam mo lang kung gaano kasaya ngayon na nandito ka. Alam mo iyon? Yung alam ko naman na walang tayo pero grabe na ang pag-aalala mo sa akin. For me, this is enough. Ayaw ko na lagyan ng label dahil alam kong masasaktan lang ako kapag tinanong ko sa iyo kung ano ba talaga tayo.
Mas pipiliin koi to kaysa malaman ko ang sagot mo. Ewan ko, siguro ay alam ko kasi sa puso at sa isip ko na mahal mo pa rin si Aurora at kahit yata kailan ay hindi ko iyon mababago. Hay, naku. Ewan ko na. Basta, tanggap ko na hanggang dito lang tayo. Salamat sa pagpapakilig mo.