Chapter 49

2244 Words
Kathrina Ilang minuto pa ang nakalipas ay may kumatok sa pinto ko. Dahil sa katok na iyon ay kinabahan na ako. Feeling ko ay si Ellion na talaga ito. Tumayo si Daddy para buksan ang pinto ng kwarto ko. Kahit excited ako ay hindi ko na pinahalata dahil nakakahiya sa kanila. ‘’Teka, buksan ko lang ang pinto ah. Baka si Ellion na ito, e. Pero ang aga ah? Sabi niya, mamaya pa siya pag-uwi niya,’’ sabi ni Daddy at pumunta na nga doon sa may pinto. Habang ako ay nanunuod eh naririnig ko rin na may kausap si Daddy. Confirmed. Si Ellion na nga iyon. Pinagpatuloy ko pa ang panunuod ko. Kunwari ay deadma sa kung ano ang nangyayari. Ilang minuto pa ang nakalipas eh nakita ko na nga si Ellion, papalapit sa akin. Inayos ko ang aking upo at kunwari ay gulat na gulat sa pagdating niya. Si Daddy din ay nagtaka sa reaksyon ko, alam kasi niyang alam ko naman na padating si Ellion eh. Kahit gusto niyang magsalita eh minabuti na lang niyang huwag. Ayaw niya siguro na masira ang moment ko with Ellion. ‘’Uy, dahan-dahan ka naman. Hindi ka pa magaling ah. Paalala lang,’’ sabi niya sa akin noong nakita niya ako. ‘’You are here. Paano mo nalaman na may sakit ako, ha? Hindi ko naman sinabi sa iyo di ba? Hindi pa kita nau-update about what happened to me right?’’ mahina lang ang boses ko pero sapat naman na para marinig niya. ‘’Your dad called this morning. Sinabi niya sa akin ang sitwasyon mo kaya nandito ako ngayon. How are you feeling?’’ sagot naman niya. How am I feeling? Ito, kilig na kilig dahil sa iyo. Kung alam mo lang kung gaano kasaya ngayon na nandito ka. Alam mo iyon? Yung alam ko naman na walang tayo pero grabe na ang pag-aalala mo sa akin. For me, this is enough. Ayaw ko na lagyan ng label dahil alam kong masasaktan lang ako kapag tinanong ko sa iyo kung ano ba talaga tayo. Mas pipiliin koi to kaysa malaman ko ang sagot mo. Ewan ko, siguro ay alam ko kasi sa puso at sa isip ko na mahal mo pa rin si Aurora at kahit yata kailan ay hindi ko iyon mababago. Hay, naku. Ewan ko na. Basta, tanggap ko na hanggang dito lang tayo. Salamat sa pagpapakilig mo. ‘’Si Daddy talaga, nakakahiya sa iyo kasi alam kong busy ka sa office pero nandito ka. I’m a bit fine. Kagabi lang eh inaapoy pa rin ako ng lagnat pero okay na ngayon,’’ sagot ko naman. Nagsensyasan naman kami ni Daddy. Tinatanong niya ako kung bakit ako nag-aact na parang hindi ko alam na pupunta siya eh alam naman namin pareho iyon dahil sinabi niya sa akin kanina. Sabi ko na lang sa aking senyas ay makisakay na lang siya at mamaya ko na lang ipapaliwanag why I’m acting weird now. He agreed. Ito ang gusto ko kay Daddy, supportive talaga sa lahat ng bagay eh. ’Sorry na, anak. Hindi ko na kasi alam kung ano ang magpapagaling sa iyo kaya tinawagan ko si Ellion. Sa tingin ko naman ay okay ang naging desisyon ko kasi nakakangiti ka na ngayon,’’ sagot naman ni Daddy sa akin. Dahil yata sa sinabi ni Daddy ay nahalata kong parang nahiya sa akin si Ellion. Nahiya din tuloy ako sa kanya, feeling siguro niya ay pine-pressure siya ni Daddy na makipag-relasyon sa akin. Hay, bakit kasi ganito ang sitwasyon natin? Hindi ba pwedeng mahal na lang kita at mahal mo rin ako para hindi natin maramdaman ang ganito? Ang unfair ng life eh. Ilang minuto pa silang nag-usap doon. Feeling ko nga ay gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil ang daming bini-bida ni Daddy na projects sa kanya na kasama ako. eh sa itsura ni Ellion, parang napipilitan na lang siya na um-oo dahil Daddy ko ang nagsabi. Hay, mamaya nga ay kakausapin ko si Daddy at sasabihin ko sa kanya na magdahan-dahan naman kay Ellion dahil hindi pa sanay yung tao sa mga bagay-bagy. I know, family friend namin sila pero the way my dad talks to him? Parang son-in law na eh. Nakakahiya, Dad. Kung alam mo lang. Patuloy lang ako sa panunuod pero nakikinig pa rin ako sa usapan nila. Nakahinga naman ako nang maluwag nang magpaalam na si Daddy sa amin. ‘’Oh sige, dyan na muna kayo at tutulungan ko lang ang asawa ko na magligpit doon sa baba. Alam niyo naman, good husband ako kaya hindi pwedeng wala ako roon,’’ sabi pa ni Daddy, alam ko naman na nagpapalusot lang siya. ‘’Talaga ba, Dad? Alam ko naman na kaya gusto mong bumaba eh dahil mapapagalitan ka na ni Mommy dahil hindi ka natulong sa kanya sa pagluluto doon. Sige na, bumaba ka na, Dad,’’ pang-aasar ko pa sa kanya. ‘’Loko ka talaga anak. Sinisiwalat mo ako kay Ellion ah? Huwag namang ganoon, top secret natin iyon eh. O, sige. Dyan na nga kayo. Lalabas na ako. Para naman may alone time kayong dalawa,’’ sabi ni Daddy pagkatapos ay ngumiti nang nakakaloko. Dahil doon ay nahiya na naman ako kay Ellion. Ito talagang si Daddy, siya ang maglulubog sa akin sa kakahiyan eh. Buti na lang talaga at lumabas na siya dahil hindi ko talaga kinakaya ang mga hirit niya sa amin ni Ellion. Natatawa naman si Ellion na lumapit sa akin. Buti na lang din talaga na tinatawanan lang siya ni Ellion. Paano na lang kung hindi ganito ang approach sa kanya noong tao? Eh di, patay na? Pati ako, I’ll ask for distance kapag ganito ang magulang na meron ang kaibigan ko eh. ‘’Sorry for my dad. I mean, hindi ka na niya dapat pinapunta rito. I know, you are so busy. Sige, kapag magaling na ako ay babawi ako sa iyo. Okay? Sorry talaga,’’ sabi ko, ni hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kakahiyan ko. ‘’Ano ka ba? Okay nga sa akin na sinabihan niya ako kaninang umaga eh. Nag-aalala kasi ako sa iyo. Hindi mo ako kinausap ng isang araw. Akala ko, may nasabi akong hindi maganda or something,’’ sagot naman niya sa akin na sobra akong kinilig. Imagine, iyon ang akala niya. Doon ko na-realize na kahit pala paano ay may pake siya sa akin. Akala ko kasi, wala eh. Maigi din pala iyog hindi ako nagparamdam sa kanya dahil dito ko makikita kung may pake ba siya sa akin o ano. Hindi naman sa dinadasal ko na magkasakit ako nang paulit-ulit pero nakakasaya lang kasi sa feeling na may naghahanap pala ng presensya mo sa buhay nila. Ang maganda pa doon, si Ellion ang naghahanap sa akin. Panalo di ba? ‘’Ano ka ba? Wala naman. Actually, I really want to apologize kasi hindi ako nakapag-reply kahapon. Iba talaga kasi yung pakiramdam ko kahapon. I feel like I’m meeting the Lord real soon. Alam mo iyon?’’ sagot ko naman. ‘’Oops, huwag mo na sabihin iyan. Ano ka ba? Anong meeting the Lord eh alam naman natin pareho na gagaling ka, di ba? Please, magpagaling ka. Okay?’’ paalala niya sa akin. Aw, I really feel like ang importante kop ala sa buhay niya. Isipin mo, inagahan niya ang uwi para lang sa akin. Grabe iyon ah? Kung pwede lang akong mag-assume, naku. Ginawa ko na. Kaso lang, ayaw kong masaktan eh. Hindi ko alam na napatingin na pala ako sa kanya nang matagal. Nakakahiya! ‘’Why are you looking at me like that? May problema ka ba sa sinabi ko?’’ tanong niya sa akin na nagpabalik sa ulirat ko. ‘’Wala. I’m just happy that you are here and you are willing to take care of me. Thank you. I really appreciate it. Promise!’’ sabi ko na lang. Kilig na kilig kasi ako eh. Sana, hindi niya nahalata kasi kung nahalata niya, yari ako. Lalo pa akong kinilig noong ngumiti siya sa akin. Ellion naman, huwag ganyan. Natutunaw ang puso ko, kung alam mo lang. Naiinis ako kasi hindi ko pwedeng ipakita. Kung pwede lang, sumabog na ako kanina pa. ‘’Ano ka ba? Wala iyon, ano. Gusto mo ba ng apples or oranges? May dala ako, ipaghahanda kita if you like,’’ sagot niya sa akin. Mas lalo akong kinilig kasi nalaman kong willing siyang gawin pati iyon para sa akin. Sino ba naman ako para tanggihan siya, di ba? Eh ang tagal-tagal ko nang gusto mangyari ito. Hay, naku. Blessing pa yata itong sakit ko sa aming dalawa. ‘’Yes, please. Thank you,’’ tipid na sagot ko pero ang totoo niyan ay sasabog na ako sa sobrang saya eh. Pagkatapos noon ay nagtalop na nga siya ng prutas. Buti na lang at may bowl doon. Kumain din kasi ako kanina bago ako matulog eh. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang saya ko to the point na I took a picture of him while doing those things. Ellion, sorry. Alam ko na ayaw mong ginagawa sa iyp ito dahil feeling mo ay kinukuha ang privacy mo nito pero please, just this one. Ang cute mo kasi. Hindi ko mapigilan na hindi picture-an. Pagkatapos niyang magtalop ng mga prutas ay kumain na ako. Siya naman ay nanunuod ng movie. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako. Nang magising ako eh nagulat na lang ako. Paano ba naman kasi? Tulog din siya habang nakayuko pero hawak niya ang kamay ko. Akala ko, sa Korean drama ko lang ito mapapanuod pero hindi pala, mararanasan ko pala siya. Ang matindi pa, kay crush ko pa naranasan iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang saya eh. Kahit hirap na hirap ako na kumilos eh kinuha ko ang cellphone ko para picture-an siya. Ang sweet ng moment na ito para sa akin. Sana, mai-post ko sa social media, kaso hindi pwede eh. Wala naman kasi ako karapatan para gawin iyon, hindi naman kasi kami eh. Ang sad lang. Hayaan na, itatago ko na lang ito as a remembrance. Pagkatapos kong picture-an iyon ay sinubukan kong tanggalin ang kamay ko. Akala ko ay hindi siya magigising pero mali ako, nagising siya. Natutuwa ako na kinikilig dahil kahit bagong gising siya ay gwapo pa rin ang kanyang itsura. ‘’Oh, gising ka na pala. Naku, pasensya ka na sa akin kung pati ako ay nakatulog ah? Kanina ka pa ba gising? Ano? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Patingin nga,’’ sunud-sunod na tanong niya sa akin pagkatapos ay nilapat niya ang palm niya sa leeg ko para malaman kung mainit pa ako o hindi na. ‘’Good, mukhang mas okay ka na nga ngayon. Wala na ang lagnat mo eh, pero huwag ka na munang pumasok bukas ah? Bawal pa, baka mabinat ka eh, ayaw ko naman noon. Ayaw mo rin naman siguro, no?’’ paalala niya sa akin. Hindi na ako nakasagot, natawa na lang ako sa kanya. Paano ba naman kasi, daig pa niya ang doctor kung makapagsalita eh. Dahil sa pagtawa kong iyon, nagtaka siya. ‘’Uy, bakit ka natawa dyan? May nasabi na naman ba akong nakakatawa? Parang wala naman ah,’’ tanong niya sa akin. ‘’Wala naman, natawa lang ako kasi para kang doctor sa sinabi mo. Daig mo pa sila, ah? Parang alam na alam mo kung anong gamot ang para sa akin,’’ sagot ko, natatawa pa rin sa kanya. ‘’Ah, iyon ba? Hindi naman, concerned lang ako sa iyo. Uy, oo nga pala. Pasensya ka na sa akin kung nakatulog ako dito ah? Kanina kasi, nanunuod lang akong TV. Hindi ko na namalayan na pati pala ako ay nakatulog na rito. Pasensya na ulit, ah?’’ sabi pa niya sa akin. ‘’Ayos lang naman sa akin, ano ka ba? Ako nga dapat ang mag-sorry sa iyo kasi nakatulugan kita eh,’’ sagot ko naman sa kanya. Ilang minuto pa ay inayos na niya ang kanyang sarili at nagpaalam na sa akin na uuwi na siya sa kanila. Gabi na rin kasi kaya naiintindihan ko naman siya. Kaya nga lang, malungkot na ulit ako kasi wala na siya sa tabi ko. Kung pwede ko nga lang sabihin na mag-overnight stay na lang siya rito eh ginawa ko na eh. Kaso, hindi pwede eh. Una, hindi naman kami magkarelasyon. Pangalawa, alam kong magagalit si Daddy dahil kahit boto iyon kay Ellion eh hindi pa rin iyon payag na may tutulog na lalaki sa bahay namin. Kahit pa kilala na niya si Ellion, hindi pa rin ang sagot niya. ‘’Alis na ako ha? Magpapaalam lang ako sa parents mo sa baba. Magpagaling ka, ah? Don’t worry, kapag pwede akong dumaan bukas, dadaan ako para ma-check kita ha?’’ paalam niya sa akin. ‘’Okay. Ingat ka sa pag-uwi mo ah? Update me. Also, thank you kasi pumunta ka rito. I really appreciate it,’’ sabi ko pagkatapos ay ngumiti sa kanya pero sa loob-loob ko ay alam kong mami-miss ko siya. ‘’Don’t mention it. Wala iyon. Basta, magpagaling ka ah? O siya, aalis na ako. Salamat sa mainit na pagtanggap sa akin dito,’’ sagot niya sa akin at sinara na ang pintuan ng kwarto ko. Pag-alis niya, humiga na ulit ako sa kama ko. Kahit na medyo malungkot na ako dahil umalis na siya eh masayang-masaya pa rin ako dahil napuno naman ng kilig ang araw na ito. I will forever treasure this moment. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Who knows? Baka ito na ang umpisa ng storya naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD