Chapter 40

1023 Words
Benedict Hindi ko talaga akalain na darating ang araw na ito na kami na talaga ni Aurora Feliz. Akala ko dati, hanggang sa panaginip lang ito. Halos mag-iisang buwan na rin naman kami ni Aurora at masasabi kong masaya naman ang relationship namin. Worth it yung paghihintay ko ng isang taon at mahigit sa kanya. Akala ko nga ay suusko na lang ako para hindi na ako masaktan pero pinagbigyan pa rin ni Lord ang gusto ko na makasama si Aurora sa aking buhay. Alam ko naman sa sarili kong mahihirapan akong makibagay sa mga kaibigan niya at sa Mommy niya pero I really tried my best. Mahal ko talaga siya eh. Surprisingly, it worked. Alam ko man na kung minsan ay makukumpara ako kay Ellion pero wala eh, ganoon talaga eh/ At iyon na nga, ito ang una naming labas ni Aurora bilang mag-partner at masasabi kong kinakabahan talaga ako pero at the same time ay excited din sa kung ano baa ng mangyayari sa amin doon. Syempre, I will expect the positive and negative feedback tungkol sa amin. Lalo na at nandoon si Ellion. Ni hindi ko alam kung aawayin niya ako o ano. Natuwa naman ako dahil sobrang okay naman ang pag-welcome nila sa amin, lalo na sa akin dahil una sa lahat, hindi naman ako part ng mini gathering na ito. Si Aurora lang naman ang dahilan ko kung bakit ako nandito eh. ‘’Hi, Benedict! Kumusta? I’m so happy na nakadalo ka rito. Akala ko, pipigilan pa tayo ng girlfriend mo eh. Gusto ka na rin namin kasing makilala. Panay sa online lang kasi ang nakikita namin, e. salamat at napapayag mo ang kaibigan ko,’’ sabi ni Jhulia sa akin. ‘’Oo naman. Sinabi ko rin talaga sa kanya na gusto ko rin kayong makilala kaya kinulit ko talaga siya na sumama dito,’’ sabi ko. ‘’O sige, upo kayo. Tabi na lang kayo sa amin. Wala namang problema,’’ sabi pa ni Patricia sa amin. ‘’Salamat, salamat sa inyo,’’ maikling sagot ko naman sa kanila. Pagka-upo namin doon ay nag-usap usap sila sa kani-kanilang achievements sa buhay. Nagulat na nga lang ako na pati pala ako ay kasali sa usapan. Tinanong nila ako kung kumusta na ako at kung anu-ano pa tungkol sa trabaho at kung kamusta na ba kami ni Aurora as a couple. ‘’So, ano na nga? Kumusta kayo ni Aurora ngayon?’’ jhulia asked me. ‘’Jhulia, don’t ask him. Masyado pang maaga para mangamusta ka sa bago kong karelasyon. Don’t worry much about us kasi okay naman kami eh. Hayaan mo muna ma-explore namin ang ugali ng isa’t isa bago ka magtanong kung kamusta na kami,’’ medyo asar na sagot ni Aurora sa kaibigan niyang si Jhulia. ‘’Ay grabe siya. Iyon lang naman ang sinabi ko ah? I think, wala namang masama roon. Nagtatanong lang naman ako eh, di ba?’’ sagot naman ni Jhulia. Dahil ayaw ko naman na pagsimulan ng gulo ang usapan na ito ay pumagitna na lang ako. Ayaw kong ma-stress ang girlfriend ko sa isang bagay na hindi naman na dapat pagtuunan pa ng pansin. Ang simple lang ng sagot kaya sasagutin ko na lang ang tanong niya. ‘’Hindi naman masama ang tanong niya sa akin, babe. Alam mo na, parang ano lang iyan eh. Kaibigan na nangangamusta. Iyon lang. You don’t need to feel about it,’’ sabi ko kay Aurora, nainis naman siya sa akin. Kahit tingin lang iyon, alam ko na gusto na niya akong awayin. ‘Oh, sabi na sa iyo, hindi naman masama ang tanong ko eh. Buti na lang at maintindihin itong bago mong boyfriend. Kung hindi eh yari ka. Mainitin pa naman ng ulo itong si Aurie, Benedict. Hay, naku!’’ sabi ni Jhulia sa amin. ‘’To answer your question, ayos na ayos naman kami ni Aurora. Actually, hindi pa kami nag-aaway niyan kahit na mag-one month na kami kasi iniintindi naman namin yung isa’t isa. Sana eh tumagal kaming ganoon,’’ sabi ko pagkatapos ay ngumiti sa kanilang lahat. Seryoso pa rin ang mukha ni Aurora. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili na magalit sa akin dahil nasa harapan kami ng maraming tao pero sigurado ako na mamaya ay kakausapin niya ako tungkol dito. Tumango-tango si jkhulia sa amin bilang tugon. Pagkatapos noon ay saka naman sila lumipat ng ibang topic. Tumahimik na akong muli at nakinig na lang sa kanila. Pagdaan ng ilang minuto ay biglang dumating si Ellion na may kasamang babae. Sa puntong ito ay tahimik lang ako dahil pinapakiramdaman ko kung ano man ang nasa isip at puso ngayon ni Aurora. Sa tingin ko ay okay naman siya na makita na muli ang ex-boyfriend niya. ’Oh, nandyan na pala si Ellion, kasama si Kathrina. Wait, iwe-welcome lang namin ni Patricia ah? Saglit lang,’’ sabi ni Jhulia sa amin. Tumango na lang kami ni Aurora. Nakita kong nilapitan nila si Ellion at yung babae na kasama nito. Lumapit nga rin ang iba pang ka-batchmates nila sa kanila. Hinihintay ko na yayain ako ni Aurora para salabungin sila pero hindi naman niya ginawa. ‘’Babe, ayos ka lang ba?’’ tanong ko kay Aurora. ‘’Oo naman. Di ba, sabi ko nga sa iyo ay ayos lang ako at kaya ko naman ito? Haharapin ko siya nang walang alinlangan kasi ayos naman na ako sa past na meron kaming dalawa,’’ sagot ni Aurora sa akin. ‘’I’m just asking, nandyan na kasi siya. Hmm, iba pala kapag personal mo nang nakita ang taong iyon. Awkward pala ng konti, pero kaya ko naman. Let us just enjoy the show, wala namang problema iyon,’’ sabi ko na lang. Nagulat ako nang lumapit sa amin si Ellion. Kinamayan niya ako at nginitian. Para bang sinasabi ng mga mata niya na congratulations dahil ako na ang boyfriend ni Aurora ngayon. Dahil maayos niya akong in-approach ay maayos ko rin yung tinanggap. Nakipagkamay din ako at ngumiti sa kanya. Nakita ko namang gulat na gulat si Aurora sa ginawa ng ex-boyfriend niya pero sa huli ay ngumiti pa rin siya. Siguro ay masaya siya dahil nakita niyang nirespeto namin ni Ellion ang isa’t isa.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD