Chapter 39

1034 Words
Ellion Jase Kathrina and I prepared for that night. Sa totoo lang ay napupuno ako ng kaba ngayon dahil sa kung ano ang pwedeng mangyari sa gabing ito. Alam kong kahit paano ay masasaktan ako pero siguro, kasama na rin talaga ito sa process of moving on ko. Kapag nakita ko siguro na magkasama silang dalawa ay matatanggap ko na rin sa sarili ko na tapos na kami at nasa new chapter na nga talaga siya ng buhay niya. ‘’Ano? Ayos ka na dyan? Ang ganda mo ha. Prepared na prepared ka tonight,’’ puri ko sa kanya. ‘’Yes. I really prepared for tonight kasi ayaw ko namang mapahiya ka sa mga kaibigan mo kapag pinakilala mo na ako sa kanila. Di ba, ayos naman ang suot kong dress?’’ sabi niya pa sa akin. Totoo naman. Ang ganda ni Kathrina sa red with black dress niya. She is really confident with it at tuwang-tuwa ako sa kanya. Her make up was simple pero alam mo na kapag hinarap mo siya sa crowd ay may laban siya. ‘’Thank you. I really appreciate it. Halika na,’’ sabi ko sa kanya. Habang on the way kami ay in-open ko sa kanya ang tungkol kay Aurora Feliz dahil baka mamaya ay magulat na lang siya na nandoon pala ang ex-girlfriend ko. Baka mamaya ay magalit pa siya at itanong sa akin kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. I just want to be honest with her kasi nakita ko naman na sobrang saya niya ‘’Ah, kasama roon si Aurora ha. Sinasabi ko na sa iyo ngayon para hindi ka na mabigla. Alam mo naman, baka lokohin tayo mamaya roon. Mabuti na yung handa ka, ha? Maloko talaga kasi yung mga kaibigan ko eh,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Hmm, oo naman. Kaya ko naman iyon. kapag nagbiro sila sa akin eh di bibiruin ko rin sila pabalik. Saka, tungkol naman sa ex-girlfriend mo, mas okay nga kung magkita kami kasi gusto ko na rin siyang makilala talaga eh. Lagi ko kasi siyang naririnig sa iyo at sa Mama mo noon,’’ sabi niya pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. Masaya naman ako na maganda naman pala yung reaksyon niya sa nalaman niyang iyon. Akala ko, aawayin na niya ako eh. After all, mabait pa rin talaga siya sa akin kahit na masungit siya when it comes to her clients. ‘’Ah, iyon naman pala. Thank you ah? Na-eexcite na tuloy ako,’’ sabi ko, pero ang totoo ay kabado ako. ‘’I will be supportive to you. Ako ang bahala mamaya, lalo na sa ex-girlfriend mo. Okay? Kaya let’s go na,’’ sabi niya sa akin. Halos thirty minutes din ang byahe namin papunta roon sa venue. Medyo traffic kasi gani na pero umabot naman kami. Pagdating namin ni Kathrina roon eh parang buo naman na ang lahat ng batchmates ko. Feeling ko eh ako na lang ang hinihintay nila. Sinalubong kami ng mga kaibigan kong sina Jairus at Leo, nagulat ako na pati sina jhuli at Patricia ay nandoon na rin sa harapan namin. Ngumiti na lang kami ni Kathrina at binati sila. Wala namang naging problema noong nakita nila si Kathrina. In fact, kitang-kita ko na tanggap na tanggap nga nila yung special na kaibigan ko eh. Iyon nga lang, napansin ko na hindi kami sinalubong ni Aurora at Benedict. Para naman sa akin, hindi big deal iyon. Napansin ko lang naman. ‘’Kanina pa ba sila na nandito?’’ pabulong na tanong ko roon sa dalawa kong kaibigan habang busy si Kathrina na kausapin sina Jhulia at Patricia. ‘’Kadarating lang ng dalawang iyan. Actually, kasunod niyo nga lang eh. Akala ko, magkakasama nga kayo eh. Magkasunod na magkasunod kasi talaga,’’ asar pa ni Leo sa akin. ‘’Loko ka talaga Leo. Kung anu-ano ang nalabas sa bibig mo. Baka mamaya niyan eh may makarinig sa iyo eh. Pero pare, ang ganda niya ha. May laban,’’ komento ni Jairus kay Kathrina. ‘’Loko ka. Umupo na nga tayo at baka kung ano pa ang masabi mo sa kaibigan ko. Saan ba kami uupo?’’ tanong ko sa kanila, agad naman nilang tinuro sa akin kung saan kami uupo ni Kathrina. Niyaya ko na agad umupo si Kathrina kaya natigil ang pagke-kwento niya roon sa dalawa. Palapit na kami sa aming upuan ay napansin ko sina Benedixt at Aurie sa di kalayuang table. Agad akong ngumiti sa kanila at kahit na ayaw ko ay kinamayan ko pa rin si Benedict. Tanda na nirespeto ko naman siya kahit paano. ‘’Friend mo?’’ Kathrina asked me. ‘’Ah, boyfriend ng ex-girlfriend ko. Hmm, halika na. Upo na tayo roon. Pag-upo natin, ikukuha na kita ng pagkain mo ha? Baka kasi gutom ka na eh,’’ sabi ko pa sa kanya, nililihis ko ang topic dahil ayaw ko na magtanong pa si Kathrina sa akin. ‘’Wow. Kinamayan mo yung taong iyon? Saludo sa iyo,’’ komento niya. ‘’Hmm, wala naman nang problema sa akin iyon. natural, magiging iwas ako nang konti sa kanya pero kapag naman sa ganito kami nagkita, syempre respeto pa rin sa kanya kasi siya na ang bagong mahal ni Aurie,’’ sabi ko naman sa kanya. ‘’Hmm, sige. Ako na ang bahala mamaya. Don’t worry. Ako na ang bahala,’’ sabi niya sa akin na medyo kinagulat ko naman. Ano kaya yung bagay na sinasabi niya? Kanina pa kasi niya sinasabi na siya raw ang bahala sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung ano iyon. Tumayo na lang ako para kuhanan ko na siya ng pagkain. Kahit ako naman ay gutom na eh. Sabi naman niya sa akin eh ako na ang bahala sa pagkain niya kaya ako na lang ang kumuha para sa aming dalawa. Nang bumalik na ako sa upuan kung nasaan kami ay nagulat na lang ako dahil bigla siyang naging sweet and touchy sa akin. Napansin ko na lang na nakahawak siya sa akin habang nakatingin sa amin si Aurie. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa pero wala, hindi ko naman na mabawi pa dahil nakita na ni Aurie ang lahat. Kita kong inis na inis siya pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ang tanong, mahal pa niya kaya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD