Aurora Feliz
Kahit ayaw ko ay nangyari na ang isang bagay na hindi ko sana gagawin. Bahala na si Lord kung anong mangyayari mamaya sa amin. Ginawa ko naman ang lahat para pigilan siya pero wala eh. Kahit nga si Mommy ay ayaw din sa idea na ito. Inis na inis siya sa akin na pumayag daw ako pero wala na rin siyang nagawa.
‘’Oh, natawagan mo na ba si Benedict, anak? Parating na ba siya ngayon dito?’’ tanong niya sa akin.
‘’Opo, Mommy. Tinawagan ko na po siya kanina at parating na raw po siya. May inaayos lang daw po sa office pero dederetso na raw po siya rito,’’ sagot ko kay Mommy.
‘’Eh sigurado na ba talaga siya sa gusto niyang mangyari? Baka mamaya ay magsisi siya sa desisyon niya. Anak, sinasabi ko lang ito dahil ayaw ko kayong masira ni Benedict kasi nakikita ko namang okay kayong dalawa,’’ sabi ni Mommy sa akin.
‘’Oh, I really appreciate it, Mommy ha? I appreciate it na tanggap mo na talaga si Benedict bilang bagong tao sa buhay ko. I know, appreciated din iyon ni Benedict for sure,’’ sabi ko sa kanya, ngiting-ngiti pa ako.
‘’Basta alam kong masaya ka anak. Okay ako. Nakita ko namang nagawa iyon ni Benedict kaya wala ako sa posisyon para sirain ang mga ngiti mo anak. Kapag masaya ka, masaya rin ako. Kaya lang, kung darating din sa point na masisira agad ito dahil kay Ellion, doon ako masasaktan para sa iyo anak,’’ sabi ni Mommy sa akin.
‘’Don’t worry po, Mommy. Ako na po ang bahalang kumausap kay Benedict about doon kay Ellion. I know, he will really understand me. Hindi naman po kami magbe-break agad dahil lang doon,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Good, anak. O siya, ikaw na lang ang maghintay sa kanya ah? Pupunta lang ako sa kwarto ko at doon magpapahinga. Sabihin mo na lang kay Benedict na kinakamusta ko siya,’’ sabi niya at umalis na.
Hinintay ko naman si Benedict doon. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na nga si Benedict. Sobrang saya niya noong nagtagpo ang among mga mata. Nase-sense ko na he is really excited for later kaya hindi ko sisirain iyon.
‘’C’mon, let’s go. Alis na tayo, babe?’’ yaya niya sa akin.
‘’Okay, no problem, babe. Tara na, sure ako na naghihintay na sila sa atin eh,’’ sabi ko.
‘’Oo nga. O, kumusta pala si Tita? Is she okay na aalis tayo tonight? Anong sabi niya?’’ tanong niya ulit sa akin.
‘’Ah, okay naman sa kanya. Sabi niya lang, maging handa tayo sa makikita at maririnig natin kasi nandoon nga si Ellion. Ready ka naman siguro, ano? Like, alam mo naman na matutukso at matutukso pa rin ako ng mga kaibigan ko sa kanya?’’ sabi ko, baka kasi hindi pala talaga okay sa kanya tapos pupunta pa rin kami roon.
‘’Oo naman. I know that we will handle it well. Alam ko naman na hindi mo na iyon pipiliin. Tama? Ako na ang mahal mo at hindi na siya,’’ sabi ni Benedict sa akin.
‘’Yes naman. O sige na, tara na at late na rin tayo eh,’’ sabi ko naman sa kanya.
Ilang minuto pa ay dumating na kami sa venue. Nakita ko ang iba pa naming ka-batch na nagsidatingan doon sa event. Sobrang saya nila na nagkita-kita ang lahat samantalang ako ay inis na inis dahil nandito ako.
‘’Are you okay, babe? Handa ka na bang harapin sila?’’ he asked me.
‘’Yeah, handa na ako. Ako pa ba? Tara na sa loob,’’ sagot ko naman.
Nang pumasok ako sa loob ay nakita ko na agad ang mga kaibigan kong si Jhulia at Patricia. Sinalubong nila ako at tuwang-tuwa sila na nakita nila ako. Pero iwas ako kay jhulia dahil alam ko naman na aasarin lang niya ako kay Ellion. Buti na lang at wala pa ito ngayon dito.
‘’Hi, Benedict! Kumusta? I’m so happy na nakadalo ka rito. Akala ko, pipigilan pa tayo ng girlfriend mo eh. Gusto ka na rin namin kasing makilala. Panay sa online lang kasi ang nakikita namin, e. salamat at napapayag moa ng kaibigan ko,’’ sabi ni Jhulia kay Benedict.
‘’Oo naman. Sinabi ko rin talaga sa kanya na gusto ko rin kayong makilala kaya kinulit ko talaga siya na sumama dito,’’ sabi naman ni Benedict sa kanila.
‘’O sige, upo kayo. Tabi na lang kayo sa amin. Wala namang problema,’’ sabi pa ni Patricia sa amin.
‘’Salamat, salamat sa inyo,’’ maikling sabi lang ni Benedict sa kanila.
Nag-uusap usap kami tungkol sa mga na-achieve na namin sa buhay nang isa’t isa nang biglang nakita kong paparating si Ellion. Inis na inis akong makita siya pero mas nainis ako dahil may kasama siyang iba. Ito na siguro yung babae na sinasabi sa akin ni Jhulia noong isang araw.
‘’Oh, nandyan na pala si Ellion, kasama si Kathrina. Wait, iwe-welcome lang namin ni Patricia ah? Saglit lang,’’ sabi ni Jhulia sa amin. Tumango na lang kami ni Benedict dahil may iba pa naman kaming kasama sa table na pwede naming kausapin.
‘’Babe, ayos ka lang ba?’’ tanong ni Benedict sa akin pag-alis noong dalawa kong kaibigan.
‘’Oo naman. Di ba, sabi ko nga sa iyo ay ayos lang ako at kaya ko naman ito? Haharapin ko siya nang walang alinlangan kasi ayos naman na ako sa past na meron kaming dalawa,’’ sabi ko pa sa kanya pero gusto ko na talagang magpakain sa lupa noong mga oras na iyon.
‘’I’m just asking, nandyan na kasi siya. Hmm, iba pala kapag personal mo nang nakita ang taong iyon. Awkward pala ng konti, pero kaya ko naman. Let us just enjoy the show, wala namang problema iyon,’’ sabi ni Benedict sa akin. I agreed.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay nakita kong lumapit na si Ellion sa amin. Nagulat ako dahil binati pa niya si Benedict. Ngumiti pa siya sa boyfriend ko. Wala na rin tuloy nagawa si Benedict kundi gayahin kung ano man ang ginawa niya. Natuwa naman ako kasi nakita kong kahit may gulo sa kanila ay pinakita pa rin nila sa akin na kaya nilang irespeto ang isa’t isa.