Chapter 37

1070 Words
Ellion Jase Third day na namin ni Kathrina rito sa Manila. Masasabi ko namang mukhang nagiging masaya siya sa pakikipag-usap niya sa mga clients kahit na lagi siyang napapagod pagkatapos ng meetings niya. One night, habang busy siya sa pakikipag-usap sa isa sa mga clients eh tumawag sa akin sina Jairus at Leo. Ewan ko ba pero tuwang-tuwa ang mga ito sa pagtawag nila sa akin. "Pare, pwede ka ba bukas? May mini gathering kasi tayo. Eh kasama ang lahat ng ka-batch natin kaya naisipan namin na isama ka na, tutal nasa Manila ka naman sa ngayon," sabi ni Leo sa akin. "Oo nga pare. Miss ka na namin eh. Alam namin na matagal na ulit bago ka magpapakita kaya kung pwede ay sumama ka na sa amin," sabi naman ni Jairus. "Naku, mabilis lang naman kami rito ni Kathrina sa Manila. Baka hindi na kami sumama pa dyan mga pare. Pasensya na kayo ah?" sabi ko naman. Bigla silang nanahimik, hindi ko alam ang dahilan. Kaya tinanong ko sila kung ano ang problema nila. "Anong problema? Bakit kayo natahimik?" tanong ko sa kanya. "Wala pare. May kasama ka nga pala. Nakalimutan na namin. Girlfriend mo na ba iyan, ha?" tanong ni Jairus sa akin. "Ano ba naman kayo? Hindi ko siya girlfriend, ano. Magkaibigan lang kami, promise. Alam niya iyon," sabi ko pa sa kanila. "Eh naku, sinabihan mo na rin kami ng ganyan noon eh. Nung kayo pa ni Aurora, di ba? Alala ko, ganyan din sinabi mo sa amin noon," pang-aasar naman ni Leo sa akin. “Uy, grabe kayo ah. Pwede ba? Huwag niyo nang banggitin pa yung pangalan niya. Kita niyo naman na may bago na siya eh. Respetuhin natin iyon,” pagsuway ko sa kanila. “Naku, ganyan pa ang sinasabi mo sa amin ngayon eh alam naman namin na gusto mong makarinig ng mga balita tungkol sa kanya, di ba? Aminin mo,” sabi ni Jairus. Oo nga, ano na ba ang meron sa kanila? Ay, Ellion. Bakit parang may pake ka pa? Eh di ba, break na nga kayo? Dapat kung ano na yung nangyari, kalimutan na iyon. Move on na. Hay, ito kasing mga kaibigan ko eh. “Hala, hindi naman ganoon. Sinasabi ko nga sa inyo na tigilan niyo na siya, di ba? Kung gusto niyo, ibang topic na lang. Kung gusto niyo talaga akong makausap,” sabi ko naman sa kanila. “Iyon na nga, isama mo na sa mini gathering iyang si Kathrina. Kami naman na ang bahala dyan. Don’t worry she will be safe with us,” sabi ni Jairus sa akin. “Hindi ako naniniwalang magiging safe siya sa inyo. Naku, kilala ko kayong dalawa. Baka lokohin niyo lang si Kathrina o di kaya ay siraan niyo ako sa kanya. Utang na loob, huwag na huwag niyong gagawin iyan,” sabi ko sa kanila. “Grabe ka sa amin ah, as if naman na maniniwala sa amin si Kathrina.b Eh mukhang lamang-lupa kami,” biro ni Leo sa akin. “Basta, hindi kami pupunta. Okay? Baka asarin niyo lang ako roon kaya huwag na,” malinaw na sabi ko. “Ay, sayang naman. Nandoon pa naman si Aurora, kasama yung bago niyang-“ hindi na natapos ni Jairus ang sasabihin niya dahil sumagot na agad ako sa kanya. “Ay, sige na. Saka na lang s mag-usap kapag okay na kayo. Kung anu-ano pa ang sinasabi niyo eh,” sabi ko na lang at pinatay ko na ang tawag. Ewan ko na sa mga iyon, masyadong pasmado ang mga bibig eh. Iwan ko na nga. Wala naman akong mapapala sa mga iyon eh. Habang may inaayos ako sa mga gamit ko ay bigla na lang akomg may narinig na lumalapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Sina Jairus ba yung kausap mo kanina? Kumusta? Anong sabi nila sa iyo? Parang nag-aasaran pa kayo kanina, ah?” sabi ni Kathrina sa akin. “Eh, naku. Kilala mo naman ang mga kaibigan ko. Ang mga kalokohan noon, umaapaw. Eh, okay naman sila. Napatawag lang sila sa akin kasi nagyayaya mag-inom bukas. Sabi ko eh mabilis lang tayo rito kaya hindi na tayo pupunta roon,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero ngumiti na naman siya sa akin kaya agad ko siyang tinanong kung anong problema niya. “Oh, may problema ba roon sa sinabi ko? Eh ang sinabi ko lang naman ay hindi na nga tayo pupunta roon kasi mabilis lang tayo dito, di ba?” sabi ko ulit. “Hmm, ano ka ba? Ayos lang naman sa akin na pumunta tayo roon sa pupuntahan nila Jairus. Alam mo, I’m so stressed. Syempre, kailangan ko rin naman ng pahinga. Iyan, pwede tayong maki-join dyan at iwanan muna ang stress,” nakangiting sabi niya sa akin. Naku, makiki-join pa nga raw siya eh nandoon nga si Aurora. Hindi sa mahal ko pa rin si Aurora kaya ayaw kong magkita sila ni Kathrina pero ayaw ko na kasi ng issue. Kapag pumunta kami roon, magiging usap-usapan lang kami eh. “Ah, pwede naman tayo sa ibang lugar di ba? Ang dami pa namang iba dyan. Hindi tayo mauubusan ng pupuntahan,” palusot ko pa sa kanya. “Oh, eh bakit ba ayaw mo sa mga kaibigan mo? Ayaw mo bang makilala ko sila? Bakit? May tinatago ka ba sa akin, ah?” may taray sa pagsasalita niya kaya mas lalo akong nag-worry sa kung ano na ang sasabihin ko. “Naku, eh wala naman akong tinatago. Kaya lang, ayaw ko kasing ma-out of place ka kaya gusto ko sana na hindi na lang tayo pumunta,” pagdadahilan ko pa. “Out of place? Eh ang dami ko ngang kinakausap na clients eh. Sige na, pumunta na tayo bukas. I want to meet them! Sa mga kwento mokasi, ang kulit nila eh. Baka we will get along,” pamimilit pa niya sa akin. “Ah, sige na nga. Kakausapin ko yung dalawa at sasabihin kong sasama na tayong dalawa,” sagot ko na lang para matapos na ang pag-uusap namin. “Oh my gosh, this is so exciting!”sobrang saya na sabi niya. Ano pa bang magagawa ko? Wala na yata. Kailangan ko na sigurong harapin ito kahit ayaw ko. Hay, naku! Tahimik na nga buhay ko sa Mindoro eh ginulo pa. Diyos ko, pagbalik ko roon eh sinusumpa ko na hindi na ako uuwi ng Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD