Chapter 36

1137 Words
Aurora Feliz  Natutulog ako noong mga oras na iyon nang bigla na lang nag-ring ang phone ko. Pagkatingin ko sa oras, ala-sais pa lang ng umaga. Loko itong si Jhulia, bakit naman natawag nang ganitong oras ito? Ano na naman kayang sasabihin nito? ‘’Hmm, ang aga-aga ha? Ala-sais pa lang, nakikita mo ba ang orasan dyan sa inyo? Jhulia naman, ano na naman ba iyan?!’’ pagmamaktol ko pa, antok na antok pa ako eh. ‘’Ah, sorry. Hindi ko naman alam na tulog ka pa, alam ko kasi maaga ka laging nagising eh. Eh ano, may salo-salo daw tayo bukas kasama ang mga ka-batch natin. Pupunta ka ba?’’ tanong niya sa akin. Really? Para sa salo-salo eh tatawagan niya ako ngayong umaga? Ano ba naman ito? Grabe talaga itong kaibigan ko sa akin eh, minsan talaga napapatanong na lang ako sa sarili ko kung kaibigan ko ba talaga ito. ‘’Ginising mo ako para dyan? Seryoso ka ba talaga? Ang sarap-sarap ng tulog ko, akala ko naman ay emergency itong tawag mo!’’ lalo kong pagmamaktol sa kanya. ‘’Eh sorry na nga, akala ko kasi talaga eh gising ka na. Dati kasi noong kayo pa ni Ellion ay-‘’ natigil ang pagsasalita niya dahil sumagot agad ako sa kanya. ‘’Hep, hep! Ako ha, tigilan mo na ako sa usapang Ellion na iyan. I don’t want to start my day with the news about him. At kung ito ay isa sa mga pag-uusap tungkol sa kanya, pwede mo na akong babaan ng tawag dahil hindi ko naman pakikinggan iyan,’mataray pa na sabi ko sa kanya. ‘’Ito naman, nabanggit ko lang naman ang pangalan niya. Oh eh, sasama ka ba? Ang sabi naman ni Jairus sa akin eh mukhang hindi naman daw dadalo si Ellion dahil busy nag sila noong kathrina na kasama niya rito sa Manila,’’ paliwanag pa sa akin ni Jhulia. ‘’Eh, naku! Iyan ka na naman eh. Nasabi mo na iyan dati sa akin tapos pagdating natin doon, nandoon si Ellion! Hindi mo na ako maloloko, alam ko na tactics mo, ano!’’ sabi ko, inis na inis dahil ginising niya ako. ‘’Hindi nga sure si Jairus kung pupunta iyon. Dali na, sumama ka na. Ilang pagkikita na natin ang tinanggihan mo ah? Nagtatampo na ako!’’ sagot naman niya sa akin. Oo, tama naman yung sinabi niya. Ilang beses na niya akong niyayaya kasama si Jairus at iba pa naming kaibigan pero hindi ako napayag. Isa, alam kong tatanungin nila ako nang tatanungin about sa relationship namin ni Benedict. Pangalawa, ayaw kong ma-out cast ang boyfriend ko sa usapan nila. Baka makarinig pa ng kung anong kwento si Benedict tapos magtampo pa sa akin. Ayaw ko noon. ‘’Eh bahala na, mag-uusap na lang kami ni Benedict tungkol dyan. Sasabihan na lang kita kung payag siya o hindi. Okay?’’ sagot ko, pero ang totoo ay sasabihin ko kay Benedict na huwag na kaming pumunta roon dahil nga baka kung ano lang ang marinig niya. ‘’Naku, alam ko na ang gagawin mo. Ako na ang bahala kay Benedict. Bye!’’ pagkatapos noon ay pinatay niya na ang tawag. Sumigaw pa ako sa cellphone na para bang hinahabol ko siya kahit na alam ko namang wala na akong kausap. ‘’Huy, anong gagawin mo?! Jhulia!’’ Dahil nga pinatay na niya ang tawag eh wala na akong nagawa. Inayos ko na lang ang kama ko at ang sarili ko.  Kahit ayaw ko pang bumangon sa kama ay iyon na ang ginawa ko. Jhulia naman kasi. Bakit?! Pagkatapos ko sa lahat ng ginagawa ko ay bigla namang tumawag sa akin si Benedict. Masaya akong sinagot iyon dahil alam kong susunduin na niya ako. Magkikita na ulit kami ng boyfriend ko. ‘’Hi, babe! Padating ka na ba? Inaayos ko na lang yung gamit ko and I’m ready to go na,’’ sabi ko, sobrang saya pa ng boses ko noong sinabi koi yon. ‘’Oo, papunta na ako dyan babe. Pero, may gusto lang sana akong itanong sa iyo,’’ sabi niya, nagtaka naman ako kung ano iyon kasi wala naman akong naalalang pinag-usapan namin na kailangan ma-question. ‘’Oh, ano iyon? May problema ba tayo? Sa pagkaka-alala ko kasi, okay naman yung huling usap natin kagabi, ah?’’ sabi ko. ‘’Ah, yes. Okay naman tayo. It is just that kinausap ako ni Jhulia this morning. Regarding sa salo-salo niyo tomorrow. Pinapasama niya tayo kasi ayaw mo yata raw? Bakit babe?’’ tanong niya sa akin. Huminto muna ako at sinumpa si Jhulia sa isip ko. Walanghiya talaga ang Jhulia na iyon, inunahan pa nga ako sa pakikipag-usap sa sarili kong boyfriend! Ano bang hindi niya maintindihan sa salitang ayaw ko sumama sa salo-salo na iyon? Paano ko ipapaliwanag kay Benedict ang mga bagay-bagay ngayon? ‘’Ah, hindi ah. Hindi naman sa ayaw kong sumama sa kanila. Kaya lang, di ba mas marami pa namang mas importante na bagay ang dapat unahin kaysa dyan? Like, work?’’ sagot ko, tingin ko naman ay makakalusot ako sa kanya. ‘’Ah, yes. I know you are busy babe pero hindi ba mas maganda kung mag-enjoy din naman kahit paminsan-minsan? Saka, I want to know your friends din in person. Lagi ko na lang kasi silang naririnig sa mga kwento mo pero hindi ko pa sila nakakausap talaga personally,’’ sagot naman niya sa akin. I can sense na excited siya para doon sa salo-salo bukas. Oh my god Jhulia, what have you done? Hindi na nga ako sasama para wala nang gulo pero ikaw naman itong sige lapit sa amin para magkaroon ng gulo! One time talaga, kapag nakita kita ay pagsasabihan kita. Ano na ang sasabihin ko kay Benedict na alibi ngayon para hindi kami matuloy doon? ‘’Ah, may point ka naman babe. Sige, pag-usapan na lang natin iyan mamaya kapag nandito ka na. Nedyo late na rin ako sa work kaya kung pwede ay bilisan mon a,’’ tumawa pa ako nang konti para naman hindi ako magmukhang inis sa tono ng pagsasalita ko sa kanya. ‘’Ay, oo nga pala. Teka lang, may dinaanan lang ako. Pasensya na, hindi ko agad nasabi sa iyo. Parating na ako, huwag kang mag-alala. I love you,’’ sabi ni Benedict sa akin. ‘’I love you too.’’ Nang sabihin ko iyon ay binaba ko na ang tawag at hinintay ko na lang siya. Kumain muna ako kasabay si Mommy habang iniisip ko pa rin kung paano ko mapipigilan si Benedict sa gusto niyang mangyari. Paano ba ito? Ayaw ko lang naman siyang masaktan na naman dahil sa ex-boyfriend kong pasulpot-sulpot pero bakit ganito pa rin ang nangyayari? Hindi ko na alam. Ganoon ba talaga iyon? Yung kahit gusto mo na mag-move on ay hindi mo pa rin magawa kasi yung mga nakapaligid sa iyo, tinitingnan pa rin yung past mo? Hay, naku. Nakakapagod!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD