Ellion Jase
Dumating na kami ni Kathrina sa Manila, second day na namin ito rito. Hindi ko pa naman nakikita si Aurie pero na-kwento na agad siya sa akin ni Jairus. Kahit kailan talaga eh ang kulit noon, e. Kahit sinabi ko na huwag nang i-kwento sa akin ang mga bagay tungkol sa ex-girlfriend ko eh nagsasabi pa rin siya.
“Are you ready? Magpapakita tayo kay Mr. Alvarez ngayon. I need to talk to him kasi eh,” sabi ni Kathrina sa akin.
Nagtaka naman ako bigla. Bakit biglang kasama na ako? Sinamahan ko lang naman siya rito ah pero hindi ko naman sinabi na pwedeng isama niya ako sa mga meeting. Hay, naku. Buti na lang at kahit papaano ay hinanda ko ang sarili ko. May mga nadala naman akong office clothes. Isa pa, meron din naman akong damit sa bahay ko rito sa Manila.
“Ah, ayos naman sa akin. Ngayon na ba? Magbibihis lang ako,” sagot ko.
“Oo. Ngayon na. Magbihis ka na, late na nga rin tayo eh. Hay,” sabi pa niya.
Tumahimik na lang ako at sinunod kung ano man yung sinasabi niya sa akin. Kung hindi lang talaga siya babae, e. Nasagot ko na siya nang pabalang. Hindi pa ako nakain tapos aalis agad kami? Ay, grabe.
Naglinis na lang ako ng katawan at nag-toothbrush. Naiinis ako, wala ng time para makapag-ayos ng sarili eh. Baka magmukha akong alalay ni Kathrina mamaya, diyos ko!
Pagkatapos kong mag-shower ay niyaya niya na niya ako. Nasa pinaka-malapit na restaurant na raw si Mr. Alvarez kaya lalong nagmadali si Kathrina. Nasa thirty minutes din iyon kaya taranta talaga siya.
“Hay, naku! Bakit late kasi akong nagising eh. Nakakahiya kay Tito Demetrio! Hindi pwede ito,” sigaw niya pa habang nasa kotse kami.
“Hayaan mo na iyon. Malapit naman na tayo, okay? Maiintindihan naman siguro ni Mr. Alvarez kung late ka. Saka, huwag kang mag-alala, kaibigan naman siya ng Daddy mo kaya I think, you will be good. Okay?” sabi ko pa baka sakali kasing kumalma siya. Kaso hindi, mas lumala pa yung sinasabi niya sa akin.
“Naku, hindi mo kilala si Mr. Alvarez, kapag tungkol sa trabaho eh ayaw noon na late ang taong kausap niya. Bahala na nga, wala naman akong magagawa,” inis na sagot niya sa akin.
“Hmm, tutulungan kita dyan. Don’t worry, he will say yes. Promise!” sabi ko sabay taas ng isang kamay.
“Hmm, ano naman ang sasabihin mo sa kanya, aber? As if naman na makikinig sa iyo iyon eh walang pinapakinggan iyon sa trabaho kundi ang sarili niya lang,” may takot sa boses ni Kathrina kaya mas lalo kong pinalakas ang loob niya.
“Ako ang bahala. All you need is to relax and watch me.”
Pagdating nga namin doon ay talagang seryoso nga ang mukha ni Mr. Alvarez. Kahit ako ay medyo natakot na rin dahil iba pala ang feeling kapag nakita mo na sa personal si Mr. Alvarez.
“Hi, Tito Demetrio, pasensya na po kayo kung na-late ako ng dating ah. Na-late po kasi ako ng gising traffic pa po kaya pasensya na talaga,” sabi ni Kathrina kay Mr. Alvarez.
“Hmm, okay lang. Hayaan mo na. Umupo ka na rito at pag-usapan na natin ang mga bagay-bagay,” sabi ni Mr. Alvarez sa kanya.
Umupo lang ako sa may tabi ni Kathrina. Naririnig ko ang usapan nila pero hindi ko naman naiintindihan kaya hindi ko na lang pinakialamanan. They ordered food habang nag-uusap, syempre tahimik lang akong kumain.
Habang nakain ako ay bigla akong tinanong ni Mr. Alvarez. Daig pa niya ang Daddy ni Kathrina kung magtanong sa akin. Iba rin ah. Nakakakaba pero sinagot ko pa rin naman siya.
“Hijo, boyfriend ka ba ni Kathrina?” tanong niya sa akin.
“Ah, hindi po Mr. Alvarez. I’m just a friend of Kathrina po. Sinamahan ko lang po siya rito pero wala naman po kaming relationship. Actually, hindi ko nga rin po alam kung bakit kasama ako rito, e.”
“Ay, mapalad ka na sinama ka niya rito, ah. Hindi iyan nagsasama sa mga meetings niya kaya sure ako na special ka for her,” sagot naman ni Mr. Alvarez.
“Ay, he is a good friend po Tito. Huwag po nating madiliin ang mga bagay. Career po muna siguro tayo bago lovelife. Yes, mahalaga po sa akin si Ellion pero hindi pa para maging boyfriend ko na po siya,” sagot naman ni Kathrina.
Bahagya akong napipi roon pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain. Kwinentuhan pa ako ni Mr. Alvarez ng kung anu-ano. Nakita ko naman na gustong-gusto niya ang pag-uusap namin and for that, I’m happy.
“Mr. Alvarez, thank you po sa kwentuhan ha. Thank you rin po for sealing the deal with Kathrina. It will really help her sa business po niya,” paalam ko sa kanya.
“No worries, basta sa susunod ah? Gusto ko, ikaw pa rin ang kasama niya. Mag-iingat kayo sa pag-uwi,” sagot ni Mr. Alvarez sa akin.
Pumasok na kami sa kotse. Kita ko ang saya ni Kathrina kasi abot iyon sa mga mata niya. Masaya ako para sa kanya kasi kung minsan, nasasabi naman niya sa akin ang mga pangarap na gusto niyang matupad.
“Hmm, ang saya mo ah. I’m really happy for you. Sabi ko na sa iyo, e. Kaya mo iyan. Di ba, hindi naman nagalit si Mr. Alvarez sa atin? In fact, talagang nakikinig siya sa iyo kanina. Medyo, napahaba nga lang yung kwentuhan namin pero mas okay na iyon, di ba?” sabi ko kay Kathrina.
“Oo nga, ang galing mo nga eh. Siguro may power ka to talk to people, ano? I mean, ang sabi kasi sa akin ni Daddy eh strict daw iyon pagdating sa trabaho. Eh sa nakita ko kanina, parang hindi naman dahil ang daldal niya nga, lalo na pagdating sa iyo,” sabi ni Kathrina sa akin.
“Eh baka naman sinabi lang iyon ng Daddy mo para agshan mo ang meeting with Mr. Alvarez, pero ang totoo ay hindi naman siya ganoon,” sagot ko naman.
“Baka nga. Naku, lagot sa akin si Daddy pagbalik ko sa Mindoro. Uy, oo nga pala. Sorry sa tanong ni Tito kanina, ah. Hindi ko rin ine-expect na sasabihin niya iyon eh. Bigla na lang,” sabi ni Kathrina sa akin, para bang nahihiya pa nga siya dahil hindi siya makatingin ng deretso sa akin.
“Ah, iyon ba? Ano ka ba, ayos lang iyon, ano. Kung iyon naman talaga ang nararamdaman mo, e. Bakit mo babaguhin?” sagot ko naman.
“Because, you are not just a good friend to me. Ayaw ko lang aminin kay Tito ang nararamdaman ko pero tama siya, you are really special,” sagot niya.
Hindi ko alam sa sarili ko pero nakita ko na lang na nakangiti ako habang nakaharap sa kanya. Kinikilig ako. Dahil siguro sa ngayon na lang ulit may nagsabi sa akin na special na tao ako para sa kanila.
“Hay, umuwi na nga tayo sa condo. Baka kung saan pa ito mapunta eh. O baka may gusto ka pang daanan bago tayo umuwi?” I asked her.
“Wala naman na. I’m all good. Thank you. Tara na, uwi na tayo sa condo.”