Chapter 34

1770 Words
Aurora Feliz Simula noong sinagot ko na siya eh naging maayos na ang samahan namin lalo. May mga bagay na nagagawa ko sa kanya pero hindi ko nagawa sa past relationship ko. Which is good because I explore it with myself. Sa totoo lang niyan, mas naging sweet nga sa akin si Benedict simula noong naging kami na eh. Hatid-sundo ako sa bahay tapos kapag day-off niya, dito siya sa bahay namin magse-stay. Hindi kami magkatabi pero okay lang iyon sa kanya dahil nirerespeto niya talaga si Mommy. Umaga noon, nagpe-prepare ako ng breakfast namin. Tulog pa si Mommy kaya kami muna ang kumain. Kinausap niya ako tungkol sa isang bagay na ayaw na ayaw kong pag-usapan. Hindi ko alam kung bakit pero wala eh, natanong na niya. May magagawa pa ba ako? ‘Babe, upo ka muna rito. May itatanong ako, ha? Sasabihin mo lang sa akin ang totoo. Hindi naman ako magagalit eh,’’ sabi niya sa akin na pinagtaka ko naman. Ano ba yung bagay na magagalit siya kung sakali nap ag-usapan namin? Diyos ko, feeling ko tuloy ay ako ang lalaki sa amin at hindi siya. Natatawa na lang ako sa loob-loob ko pero hindi ko na pinahalata pa sa kanya dahil baka mag-away lang kami eh. Kung sakali, unang away pa namin ito. ‘’Oh, ano iyon? May problem aka ba sa akin, babe? Sabihin mo lang, wala namang problema sa akin,’’ sabi ko, pero ramdam ko naman na yung kaba sa dibdib ko sa magiging tanong niya sa akin. ‘’Narinig mo na ba yung balita? Tungkol kay Ellion?’’ he asked me. ‘’Oh, di ba, sinabi na natin sa isa’t isa na huwag na natin siyang pag-usapan? Bakit ngayon eh iyan ang mga tanong mo sa akin? Pero para sagutin ang tanong mo, hindi. Hindi ko alam ang balita tungkol sa kanya at ayaw ko rin alamin,’’ mataray kong sagot kay Benedict. ‘’Hmm, hindi naman sa gusto kong mag-away tayo. Gusto ko lang na itanong kung alam mo,’’ iyon ang sabi niya. ‘’Para ano? Para malaman mo kung nag-uusap pa ba kaming dalawa? Naku, alam ko na iyan eh. Hindi po, hindi kami nag-uusap ni Ellion,’’ sabi ko, mataray pa rin ang approach ko sa kanya. ‘’Sasagutin mo lang naman babe. Hindi naman ako makikipag-away sa iyo eh. Eh kasi nga, itong si Ellion ay umuwi na naman dito sa Manila,’’ sabi niya na labis kong kinagulat pero hindi ko na pinahalata pa. Bakit naman bumalik siya rito? Anong meron? Saka, bakit ang bilis naman yata? Dati naman, isang taon bago siya bumalik dito sa Manila ah? Bakit ngayon, isang buwan at kalahati lang eh bumalik agad? Nananadya ba siya? ‘’A-Ah, eh okay lang naman siguro iyon. Free will niyang pumunta rito kasi may bahay sila dito ni Tita, di ba? Hayaan na natin. Wala naman na akong paki sa kanya eh,’’ sabi ko pa. Hindi ko alam kung naniniwala si Benedict sa sinasabi ko pero sana ay naniniwala siya. Girlfriend niya ako eh, dapat lang. Saka, ayaw ko namang masira kung ano yung inuumpisahan namin nang dahil sa ex-boyfriend kong balik nang balik. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano eh. ‘’Yeah, tama ka naman babe. Natatakot lang ako na magkita kayo ulit kasi baka bumalik na naman ang lahat ng feelings mo sa kanya eh kakasimula lang nating dalawa. Wala, natatakot lang ako,’’ sabi ni Benedict sa akin, sinagot ko naman iyon agad para hindi na siya mag-isip ng kung ano pa man. ‘’Huwag mo ngang isipin iyan. Ikaw na yung pinili ko, di ba? Kahit ano na ang mangyari eh hindi ko na papalitan yung desisyon kong iyon. Saka, kung magkita man kami eh di nagkita akmi. Hindi naman maiiwasan iyon eh. Hindi naman kasi porket nagkita eh babalik na rin pati yung feelings ko sa kanya, hindi ganoon iyon, babe. Okay? Huwag ka na mag-isip ng kung ano ah?’’ I assured him. ‘’Sorry babe ha? Sorry kung nag-isip ako ng mga ganito. Hindi ko naman maiwasan kasi nagsisimula palang tayo eh, tapos biglang nabalik iyon. Anong laban ko noon eh mas kilala mo siya kaysa sa akin di ba? Mas matagal-‘’ hindi ko na pinatapos pa kung ano man ang gusto niyang sabihin. Ayaw ko kasi sa lahat yung taong kini-kwestiyon niya ang importansya niya bilang tao. Oo, naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling pero sana maintindihan din niya ako na siya na nga ang pinipili ko at wala na akong oras o panahon para piliin pa yung mga taong tapos nang piliin ako. ‘’Kumain na lang tayo, ha? Ayaw ko nang marinig iyan, please? Basta, hindi kita ipagpapalit sa kanya kahit na anong mangyari. Okay? Noong sinabi ko sa iyo na I love you, totoo na iyon. huwag na huwag mong kwestiyonin ang worth mo bilang tao sa akin,’’ sabi ko. Ngumiti siya na para bang nahihiya sa akin. Para bang nahihiya siya sa akin na mag-sorry. Ngumiti naman ako sa kanya, hudyat na okay lang naman iyon sa akin. Well, okay lang naman talaga. May mga ganoon kasing relationship. Minsan may mga pagdadaanan talaga kahit na ayaw mo naman ‘’Sorry ulit kung naisip ko iyon. Promise, hindi na po mauulit. Syempre, nag-iisip din ako ng kung anu-ano pero ngayong sinabi mo na iyan eh okay na ako. Promise, last na iyan, okay? Sige, kain na tayo. Huwag na nga nating isipin pa kung ano man ang mangyayari kapag nagkita kayo ni Ellion. Magtitiwala na lang ako sa sinabi mo ngayon,’’ sagot niya ulit. ‘’Salamat.’’ Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay umuwi na si Benedict. Nag-ayos naman ako ng mga plato. Habang ginagawa ko iyon ay biglang nag-ring ang phone ko. Nagtataka ako kung bakit natawag si Jhulia sa akin pero sinagot ko na para malaman kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. ‘’Hello, bakit ka napatawag? May problema ka ba? May ginagawa lang ako pero mamaya ay tapos naman na ako rito,’’ sabi ko agad sa kanya. ‘’Gusto ko lang sanang itanong kung alam mo na ang balita tungkol kay Ellion? Wait, iki-clear ko lang ha? I respect your relationship with Benedict. Gusto ko lamh naman itanong kung alam mo,’’ sabi niya. Nag-make face naman ako kahit hindi niya ako nakikita. Ano ba naman iyan, kakatapos ko lang ipaliwanag kay Benedict ang bagay na iyan tapos ito na naman? Kailan ba hindi naging konektado sa kanya ang mga bagay? Hay, naku! Hindi na ba pwedeng matapos ang usapin tungkol sa lalaking iyan? Pagod na ako eh. Hindi pa yata sila moved on. Naiinis ako. ‘’Hmm, oo. Alam ko na iyan kasi muntik na nga naming pag-awayan ni Benedict eh. Medyo nagselos kasi siya kahit na wala pa namang basehan para magselos siya. Wala naman kasi akong paki kung umuwi ulit iyon dito sa manila eh. Wala na kami, ano pa ang mapapala ko kung patulan ko pa iyon, di ba?’’ sagot ko pa with pride and confidence. ‘’Oo, uuwi nga siya pero ang nalaman ko eh hindi lang daw siya yung umuwi dito sa Manila,’’ sabi ni Jhulia sa akin. ‘’Ah, sino pang umuwi kasama niya? Si Tita at si Minnie? Baka mag-stay na sila dito sa Manila for good kaya ganoon?’’ sagot ko naman, medyo bumaba ang tono ng boses niya kaya napa-isip ako. ‘’Buti kung si Tita at Minnie nga lang talaga ang kasama, kaso hindi eh. May babaeng kasama pabalik ng Manila,’’ sagot ni Jhulia sa akin. Saglit akong napatahimik nang marinig ko iyon pero hindi ko naman kasi pwedeng ipakita sa kanya na affected ako na may ibang babaeng kasama si Ellion dahil nga may Benedict na ako. Napansin yata ni Jhulia ang pagtahimik ko kaya nagtanong siyang muli sa akin. ‘’Ano? Ayos ka lang ba? Hindi mo inaasahan na may iba siyang kasama, ano kaya napatigil ka dyan?’’ hirit pa niya sa akin kaya sumagot agad ako bigla. ‘’Uy, hindi naman sa ganoon. May ginawa lang ako kaya hindi nakapagsalita agad. Naghuhugas kaya ako ng plato noong tumawag ka. Sa totoo niyan, abala ka nga sa akin eh. Pwede bang mamaya ka na tumawag?’’ pang-iinis ko pa sa kanya kahit alam ko naman na walang epekto iyon sa kanya. ‘’Uy, grabe siya. Aurora Feliz, bata pa lang tayo ay kilala na kita, okay? Iyang mga pagtahimik mong iyan eh may meaning iyan. Huwag ka na magtago sa akin. Nagseselos ka ano?’’ sabi pa niya. Aba, talagang ipinush pa nga eh sinabi ko na ngang hindi. Parehas na parehas pala sila ni Benedict. Ganoon din ang pinaglalaban ko sa kanya kanina eh. Ano ba itong mga ito? ‘’Kapag sinabi kong hindi, hindi talaga. Okay? Kung may bago na siya, ayos lang naman sa akin. Desisyon niya iyon. At saka, meron na rin naman ako kaya hindi ko na dapat alamin pa kung sino iyan, okay?’’ sabi ko, may inis na sa tono ng boses ko dahil sobrang kulit niya. ‘’Ah, according naman sa aking source, Kathrina daw ang name nito. Anak daw ng kababata ni Tita. Nakilala niya sa Mindoro, for sure. Pero as of now, wala pa namang sinasabi kung girlfriend niya na iyon. Wala pang confirmation,’’ sabi ni Jhulia sa akin. ‘’Wala nga akong pakialam. Ano ba? Hay, naku! Hayaan na nga. Oh sige na, ibababa ko na itong tawag at wala naman palang kwenta ang sasabihin mo sa akin. Ingat ka na lang dyan. Tumawag ka sa akin kapag may saysay na yung mga ibabalita mo, ah?’’ mataray ko pa ring sabi sa kanya. ‘’Ay, may ganoon? Oh sige, sige na at pupuntahan ko pa si Jairus ngayon. Ingat ka din dyan,’’ sabi niya, bago ibaba ni Jhulia ang tawag ay humirit ako sa kanya. ‘’Iyan, kaya mo kinakampihan yung Ellion na iyon eh dahil dyan sa Jairus na iyan eh. Uy, ako ang kaibigan mo ah? Paalala ko lang sa iyo kasi baka nakakalimutan mo na eh,’’ may tampong sabi ko sa kanya. ‘’Ano ka ba? Alam mo naman na bata pa lang tayo eh mahal na namin isa’t isa.  Di ba? Hay, naku! Sige na, dyan ka na nga muna. Aalis na kami ni Jairus.’’ Nang ibaba na niya ang tawag eh napa-isip ako bigla. Sino nga ba yung Kathrina na iyon? Ang lakas ng loob niyang dahil dito iyon ah. Eh samantalang noong huling punta naman niya, ako pa rin daw ang mahal niya. Siraulo din minsan itong si Ellion eh. Makita ko lang talaga ang babaeng iyon, tatapatan ko siya ng ganda ko. Akala niya, ha!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD