Ellion Jase
Ilang araw na rin ang lumipas. Masaya naming kinikilala ni Kathrina ang isa’t isa. Although, aminado naman ako na naiisip ko pa rin minsan si Aurora pero hindi ko rin ide-deny naI’m happy with the time I’m spending with Kathrina.
While we are eating, she asked me. Ngayon kasi ay nagkayayaan na naman kami na kumain sa labas. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung tanong niyang iyon. Basta, tinanong na lang niya, e. Nagulat din ako pero kinalma ko lang ang sarili ko. Dahil ayaw ko noong tanong niya, e.
“Ellion, pupunta ka ba ulit sa Manila? Kasi, may aasikasuhin ako roon and I want you to be with me. Kung okay lang sa iyo at wala kang ginagawa dito sa Mindoro,” sabi niya sa akin.
Kasalanan ko ito eh. Hindi kasi ako pala-kwento sa kanya kaya hindi niya alam na kapag pumunta kami doon eh makikita namin si Aurora. Hay, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Pwede naman akong pumunta roon na hindi ako apektado ah?
“Hmm, sure ka bang ako ang isasama mo roon? Ayaw mo ba si Dion?” I asked her, para makapag-isip siya kung ako ba talaga ang gusto niyang kasama at hindi yung friend njyang si Dion.
She thinks about it. Halos isang minuto din iyon na pag-iisip pero wala, ako pa rin yung pinili niyang makasama sa Manila. Ayaw ko namang maging masama sa paningin niya at ayaw ko rin na mag-isip siya kung bakit ayaw kong pumunta sa Manila. Pumayag na ako, no choice eh.
“Oo naman. Sure ako na ikaw ang gusto kong makaasama doon. Bakit? May problema ba if ikaw ang isama ko?” tanong niya sa akin.
“Hindi naman, akala ko lang eh gusto mong kasama mo yung mga kaibigan mo, like Dion. Di ba?” palusot ko pa sa kanya. Sana ay hindi niya ako nahalata.
“Ah, bakit? Hindi ba kita kino-consider as a friend? Huy, I consider you a friend ah. Hindi mo ba ramdam?” may pag-aalala sa boses niya.
“Yeah, I know that you consider me as your friend pero di ba, iba pa rin yung ang kama mo ay si Dion. I am a guy and she’s a girl. If you know what I mean,” sabi ko.
“Hmm, okay. But, that’s fine with me naman. Still, you are my friend. Pwede mo parin akong samahan, di ba? Pwera na lang kung ayaw mo o may isang taong pumipigil sa iyo na samahan ako,” she told me, agad naman akong sumagot dahil baka kung ano pa ang masabi niya sa akin.
“Uy, wala ah. Wala namang pumipigil sa akin na samahan ka. It is just that I am shy, lalaki kasi ako, eh. Pero dahil mukhang magagalit ka na sa akin kapag hindi ako sumama eh sasama na ako. Ayos kang naman dahil wala pa naman akong gagawin dito sa Mindoro. Matanong ko lang, ilang days tayo roon?” sagot ko.
“Hmm, siguro five days. Okay na siguro iyon kasi three days lang talaga yung araw ng pag-aasikaso ko roon pero gawin na nating five days kasi syempre, gusto ko rin mag gala sa Manila,” sagot naman ni Kathrina sa akin.
Tumango na lang ako bilang tugon. Ano pa bang gagawin ko eh parang ayaw naman niya na hindi ako sumama? Isa pa, five days lang naman ang ilalagi namin doon kaya hindi rin siguro kami magkikita ni Aurie. Okay na iyon sa akin.
Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko alam kung bakit tumawag sa akin ang kaibigan kong si Jairus. Siguro eh may love problem na naman ang loko kaya ako ang nilapitan. Hay, naku!
Pagbaba ko ng kotse ay kinuha ko agad ang phone ko. May isa pa siyang missed call sa akin kaya lalo akong nagtaka sa kung ano ba talaga ang sasabihin niya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba ng konti pero hinayaan ko lang.
“Oh, anong meron? May problema ba tayo? Bakit ka napatawag sa akin?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
“Ay? Bawal na ba mangamusta sa iyo ngayon? Kapag pala tumawag sa iyo, ibigsabihin eh may problema o may kailangan sa iyo? Ganoon ba?” tanong niya sa akin, natawa naman ako sa reaksyon ng kaibigan ko.
“Hindi naman. Sadyang hindi lang ako sanay dahil hindi ka naman natawag sa akin lagi kaya alam kong may problema ka ngayon. Sige, ano iyon?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ako yung may problema ngayon, kundi ikaw. Alam mo na ba yung balita? Yung in-upload ni Aurora nung isang araw? Naku, huwag mong sabihin na hindi mo alam. Talagang mayayari ka sa akin kapag hindi mo pa nakikita yung bagong update niya sa social media!” sabi ni Jairus.
Wala talaga akong ideya sa sinasabi niya. Hindi naman kasi ako madalas na nag-oopen online eh. Busy akong tao at bibihira akong mag-post doon. Actually, isa iyon sa mga naging dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Aurie eh. Hindi ko raw siya pino-post doon kaya feeling niya ay wala siyang boyfriend
“Pare, pasensya ka na sa akin ah? Pero, hindi ko talaga alam kung ano yung sinasabi mo sa akin eh. Hindi pa kasi ako nagbubukas ng social media ko. Ano ba kasi yung pinost niya? Baka pwede mo namang sabihin na lang sa akin kung ano iyon para hindi na ako manghula pa,” sabi ko pa kay Jairus.
“Ay, patay! So, hindi mo pa nga alam? Naku, eh iyon na nga ang masamang balita. May boyfriend na si Aurie. Kakapost niya lang noong isang araw,” sabi ni Jairus sa akin.
“Oh, eh ano naman kung may boyfriend na si Aurie? Karapatan niya iyon-“ napatigil ako sa pagsasalita dahil na-realize ko na paunti-unti kung ano yung sinasabi niya.
“Ha? Ano? May boyfriend na si Aurie? Sino? Kailan? Taga-saan?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi ako mapakali. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend na siya, kasi ang bilis eh. Mabilis ba ang panahon o mabagal lang akong mag-move on? Ay, di ko na alam!
“Oh, tingnan mo. Ikaw nga ang may problema. Kausapin mo dali, baka mapigilan mo pa kung anong nararamdaman niya roon sa bago niya,” biro sa akin ni Jairus.
Natahimik na lang. ang buong katawang lupa ko. Naka-steady lang ako sa may harapan ng pinto. Hindi pa ako makapasok kasi iniisip ko pa yung nangyari. Mas lalo akong nainis nang malaman kong si Benedict pala yung pinalit niya sa akin.
Mas mabuti nga yata na umuwi ako ng Manila para makita ko sa sarili kong mga mata kung ano ba talaga yung nangyayari sa buhay nila ni Benedict. Salamat din talaga kay Kathrina na isasama ako sa Manila. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkakaroon ng chance para makita si Aurie. Bahala na kung masaktan, ang importante ay ma-confirm ko sa sarili kong may iba na siya. Kapag na-confirm ko na iyon, saka lang ako magmo-move on.