Chapter 32

1609 Words
Aurora Feliz September 22. This is the day that I said yes to him. Sobrang haba na ng paghihintay niya sa akin. Actually, hindi ko na nga inakala na darating sa point na mahihintay pa niya ako eh. Sino ba naman kasi ako di ba? I mean, ang dami namang babae dyan. Bakit siya nagtitiis sa akin? Aminado naman ako na naiisip ko pa rin si Ellion kung minsan pero aaminin ko rin na iba na nga ang nararamdaman ko kay Benedict. Tinawagan ko siya dahil birthday ni Mommy. Day off ko rin naman so ayos na ayos talaga ang araw na ito para sa akin. Hindi ko nga lang alam kung okay sa kanya, hindi ko kasi ugali yung magtatanong ako sa kanya ng schedule niya eh. Hindi pa naman kasi niya ako girlfriend, so wala pa akong karapatan sa bagay na iyon. Di ba? “Hello. Good day! Ay, masyado yata akong formal ngayon ah. Hmm. Busy ka ba? May itatanong sana ako sa iyo. Kung okay lang naman. Kung hindi-“ hindi natapos ang sasabihin ko dahil sumagot agad siya sa akin. “Of course, I have time for you. You know that I will drop everything just to talk and be with you. Ano ba iyon?” sagot niya sa akin. Napa-wow na lang ako sa sagot niya. Parang nasa loob ako ng isang libro. Ganoon ang mga sagutan doon eh. Kinikilig ako pero syempre, hindi ko naman pwedeng ipakita dahil baka pati siya ay kiligin. Kailangan na kalmado muna tayo. “Ano kasi. You know that today is September 22, right? It is my Mommy’s birthday. Gusto ko sana na pumunta ka rito later if you are not busy. Thank you,” nahihiya pang sabi ko. Paano ba naman kasi, alam kong busy na busy siya pero binibigyan niya pa rin ako ng time. I really appreciate it. Iba, e. I feel like I am a princess, sometimes. “Oh, sorry that I forgot. Pasabi kay Tita na Happy Birthday. And yes, I will gladly go there later. May aasikasuhin lang ako rito sa office and then pupunta na ako dyan. Okay? See you,” sabi niya sa akin. Ibababa na niya dapat yung tawag pero tinawag ko siya kaya hindi pa niya ito agad nababa. “Benedict, bago mo ibaba eh gusto ko lang sabihin sa iyo na may sasabihin akong importante sa iyo ha? Kung ano man iyon eh akin na lang muna ha? Mamaya na lang pagpunta mo rito,” sabi ko. Imbes na walang kaba sa boses niya ay nagkaroon tuloy. Parang nagkaroon siya ng takot sa pagsasabi ko noon at ayaw na niyang ibaba ang tawag. “Ano iyon? Nakakakaba, ha? Baka kung ano iyan. Sabihin mo nasa akin dito pa lang. Kinakabahan na ko eh. Baka bad news,” sabi niya sa akin. “Hindi ito bad news, basta pumunta ka lang sa akin. Ako na ang bahalang magsabi sa iyo mamaya, ha?” sabi ko sa kanya in a sweet voice. “Okay, sige. Sabi mo eh. Maniniwala ako sa iyo,” sabi ni Benedict sa akin, pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag at nag-ayos na ako ng aking sarili. Habang on the way siya ay nag-aayos ako ng sarili sa harap ng salamin. Pumasok sa loob ng kwarto ko si Mommy para tanungin ako about Benedict. Nagulat na nga lang ako kasi hindi naman niya gawain dati iyon eh “Anak, parating na ba si Benedict? Ang tagal niya ha. Busy ba siya?” tanong ni Mommy Wow. Nagtatanong na siya about Benedict at hindi na rin makapaghintay. Wow naman talaga. Iba na nga ang tingin niya sa kanya. Mukhang moved on na rin si Mommy kay Ellion, ah? Sana nga, para hindi na mahirapan si Benedict na ipakita kung ano man ang tunay na nararamdaman niya towards me. “Oo, Mommy. Papunta na raw. May aasikasuhin lang daw sa office niya pero pupunta daw siya. Huwag mo na siyang alalahanin kasi pupunta iyon. Birthday mo, e. Sa tingin mo, papahuli iyon?” sagot ko naman sa kanya. “Wow, kaya pala panay ang paganda mo ah. Good iyan kung masaya ka talaga eh. Oh sige, lalabas muna ako at titingnan ko yung mga bagong niluto ha? Ang dami na rin nating bisita eh,” sabi ni Mommy sa akin. “Sige po, Mommy. Ikaw po ang bahala. Wala naman pong problema. Mag-aayos lang po ako rito at hihintayin ko si Benedict,” sabi ko sa kanya bago siya lumabas ng kwarto ko. Ilang minuto pa ang nakalipas eh dumating na si Benedict sa bahay namin. Narinig ko pang nagke-kwentuhan sila. Gusto kong lumabas na dahil excited ako pero ayaw ko naman iyon ipakita kay Benedict. Hinintay ko na tawagin ako ni Mommy bago ako tuluyang lumabas ng aking kwarto. “Anak, halika na. Lumabas ka na dyan at nandito na si Benedict. Kakain na kayo,” sabi ni Mommy. “Okay po, Mommy. Nandyan na po,” sabi ko at lumabas na. Todo ngiti ako sa kanya habang palapit ako. Napansin niya yata yung pag-aayos ko sa sarili kaya napa-comment na lang siya. “Ang ganda mo lalo ngayon ah. Anong meron? Feeling ko tuloy, ikaw yung may birthday, e.” “Hay, naku. Benedict, alam mo ba? Sobra-sobra na yung pag-aayos niyan. Kanina pa eh. Tingnan mo, konti na lang eh maging mukhang clown na nga siya,” pang-aasar ni Mommy sa akin. Inis na inis tuloy ako at kitang-kita iyon sa mukha ko. Tinawanan naman ako ni Benedict at sinabing ang cute ko raw. Lalo tuloy akong namula dahil sa hiya. Ano iyon? Naiinis ka na, cute ka pa? “Mommy naman! Alam komg birthday mo ngayon pero huwag mo na kong asarin ha. Oo, alam kong maganda ako. That is it,” sabi ko. Tinawanan lang ako ni Mommy pagkatapos ay pumunta na siya sa iba pa niyang kaibigan. Hinayaan niya lang kami ni Benedict na mag-kwentuhan sa sala. Kinuha ko siya ng pagkain niya at saka kami nag-kwentuhan ulit. At noong nasa part na ng tanong niya kung ano ba yung importante na sasabihin ko sa kanya eh lumabas muna kami ng bahay. Una, para hindi marinig ng mga bisita ang sasabihin ko at pangalawa, nahihiya kasi akong sagutin siya sa loob ng bahay namin. Hindi ko masasabi sa kanya kung ano man ang talagang sasabihin ko. “Aurora, ano ba yung sasabihin mo sa akin? Sabihin mo na. Kanina pa ako kinakabahan eh. Kung alam mo lang. Parang ayaw ko na ngang pumunta rito para hindi ko na malaman, pero nangako na ako eh. Ano ba kasi iyon?” panimula niyang tanong sa akin. “Wala lang naman. Birthday kasi ni Mommy kaya po pinapunta kita rito,” pagsisinungaling ko pa. Nahihiya kasi akong malaman niya. “Seryoso ka ba dyan? Sabihin mo na yung totoo, please? Kinakabahan ako lalo eh. Ayaw mo na ba sa akin? Hindi mo na ako gustong manligaw sa iyo, ganon,” sabi niya. Agad ko siyang tiningnan at para bang sinasabi sa kanya na hindi tungkol doon ang sasabihin ko. “Hindi! Hindi tungkol doon, promise. Ano kasi. Gusto ko kasing sabihin sa iyo na gusto na kitang sagutin. Today is my mom’s birthday pero ikaw ang may regalo mula sa akin. I think today is the day. Napag-isipan ko na-“ hindi pa man tapos ang sinasabi ko eh may sagot agad siya sa akin. Sobrang saya niya at ramdam ko iyon. “Seryoso ka ba? Hindi ba ako nananaginip? Totoo ito? Tayo na?” sabi niya. “Oo. Ayaw mo ba? Di ba, ang tagal mo na itong gusto? Oh, ito na. Tayo na. Today is September 22 and I can say na I want to explore my life with you,” sagot ko, ramdam kong kinilig siya sa sinabi ko. “Pwede bang umiyak dito? Ngayon lang, gusto kong umiyak kahit lalaki ako at kahit alam kong madaming tao. Sobrang tagal ko na itong mangyari. Akala ko nga, hindi na eh. Tama rin pala na naghintay ako. Hala, girlfriend na kita?” sabi niya sa akin, hindi pa rin yata siya makapaniwala sa sinabi ko. “Oo. I know you deserve my love. You had so much. Isang taon mahigit ka rin na naghintay sa araw na ito. Pasensya ka na sa akin kung ngayon ko lang ito ginawa. Alam mo naman siguro kung bakit hindi ba?” sagot ko. At doon na nga ay tuluyan na siyang umiyak sa harapan ko. Niyakap niya akong mahigpit pagkatapos ay binuhat niya ako kaya napasigaw ako nang malakas. “Ahhh! Ibaba mo ako. Ang bigat ko oh. Baka malaglag tayo;!” suway ko sa kanya. “Wala akong paki. Basta ako, masaya akong girlfriend na kita ngayon. Oh god, hindi talaga ako makapaniwala! My crush is now mine!” sigaw niya pa. Wala na tuloy akong magawa dahil narinig siya ng mga bisita ni Mommy. Noong una ay nag-aalala pa si Mommy sa akin kasi sumigaw nga si Benedict. Nang makita niya kami ay tuwang-tuwa siya. Nilapitan niya kami at kinausap. “Oh, I’m really happy for you. Sabi ko na nga ba, sasagutin ka na niya Benedict eh. Ang saya ko kasi kung kailan birthday ko eh saka naman naging kayo,” sabi ni Mommy. Ngumiti na lang kami ni Benedict at nagkatinginan sa isa’t isa. Ang saya talaga sa pakiramdam. Masaya din talaga ako na boyfriend ko na si Benedict. This is a new chapter of my life. Sana, wala nang Ellion sa kwento namin. Ayaw ko na. I want a fresh new start with him. Only with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD