Chapter 19

1027 Words
Ellion Jase Pagkalabas ko ng bahay nila ay tinawagan ko agad si Jairus para sabihin na tawagin ang buong tropa dahil ayaw koi tong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ilabas ang lahat ng nasa isip ko sa kanila at alam ko rin na sila lang ang makakaintindi sa akin. ‘’Pare, pwede akong pumunta sa inyo ngayon? Tara, inom tayo dyan sa inyo!’’ yaya ko sa kanila. ‘’Oh, wala ka bang trabaho ngayon? Saka, bakit naman ang aga-aga mong magyaya ng inuman? Bago iyon ah. May problema ka ba?’’ tanong ni Jairus sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Kapag inaalala ko kung gaano kasaya si Aurie noong sinasabi niya ang pangalan ni Benedict ay inis na inis pa rin ako. Hindi ko nga alam kung inis lang ito, selos na yata eh. ‘’Ah, basta. Saka ko na lang sasabihin kapag nandyan na ako mamaya sa bahay mo. Ano? Ayos lang ba na pumunta ako dyan?’’ tanong ko, alam kong ramdam ni Jairus ang gigil sa boses ko. ‘’’’Oo naman, ramdam ko na may problema ka eh kaya sige, tara rito sa bahay,’’ sabi ni Jairus sa akin. ‘’Oh, tawagin mo rin yung iba nating barkada ha? Ayaw ko naman na tayo lang dalawa, di ba? Ang lungkot naman yata noon,’’  sagot ko. ‘’Oh sige ba, ako na ang bahalang magyaya sa kanila. Basta, pumunta ka na rito ha? Hihintayin kita,’’ sabi ni Jairus sa akin at binaba na niya ang tawag pagkatapos noon. Aurie, ngayon lang ito. Gusto muna kitang kalimutan dahil ang sakit-sakit na ng mga narinig ko kanina. Oo, alam kong ako ang nang-iwan pero ito na nga eh, gusto ko nang ayusin ulit. Kung alam ko lang na magiging ganito tayo, hindi n asana kita pinakawalan pa noon. Sana, pinili kita kaysa ang nararamdaman kong emosyon noong mga panahon na iyon. Nang makapunta na ako sa bahay ni jairus ay nakita ko rin naman ang iba pa naming tropa. Actually, kasama pa nga nila yung mga girlfriend nila eh. Sana all, ‘’Oh, nandyan nap ala yung nag-aya sa atin, guys! Pare, halika. Umupo ka rito sa sofa at sabihin mo sa amin kung ano ang meron at nagpatawag ka ng inuman nang ganito kaaga? Sige, sabihin mo nga!’’ bungad agad ni Jairus sa akin. Natawa na lang ako na may kasamang hiya dahil hindi ko naman talaga ugali na magpatawag ng inuman eh, tapos ganitong kaaga pa? Talaga namang magtataka sila kung bakit ko ito ginawa at alam kong alam nila na may dahilan ang lahat ng ito. ‘’Hindi ba pwedeng wala lang? Gusto ko lang kayong makasama, hindi ba pwede iyon? Kayo naman, kung anu-ano na ang iniisip niyo sa akin ah,’’ sagot ko pa, bigla akong nahiya sa kanila dahil parang mas dapat na sarilinin ko na lang ito at hindi na para idamay ko pa sila sa problema ko. ‘’Naku, ikaw? Magpatawag ng ganito tapos wala lang? Hindi kami maniniwala sa iyo niyan!’’ sabi ni Leo, isa sa mga tropa namin. ‘’Eh bakit naman kasi sinaman niyo pa ang mga girlfriend niyo? Ang sabi ko, tayo-tayo lang, bigla tuloy akong nahiya,’’ sabi ko, tumawa naman sila. ‘’Ah, alam ko na. Kaya ito nagpatawag ng inuman dahil brokenhearted siya kay Aurora Feliz. Tama ako o tama?’’ tanong ni Jairus sa kanya. ‘’Ewan ko sa inyo. Wala naman akong binabanggit na si Aurora Feliz ang dahilan kung bakit ako mag-iinom ngayon ah? Kayo talaga, malay niyo naman eh ibang babae na,’’ pagsisinungaling ko pa. ‘’Parang hindi ka naman namin kilala, pare? Alam naming kahit ang dami mo nang nakikilala sa Mindoro ay iisa pa rin ang laman ng puso mo. Si Aurora Feliz lang, wala nang iba pa,’’ sabi ni Christopher. ‘’Bahala kayo sa buhay ninyo, ha? Basta ako, wala naman akong sinasabi tungkol kay Aurora Feliz eh. Oh, nasaan na ba si Jonas? Parang wala pa siya rito, ah?’’ pag-iiba ko pa ng topic. ‘’Ah, parating na raw. Medyo traffic lang. Alam mo naman sa Manila, hindi ba?’’ sabi ni Jairus. At iyon na nga, uminom na kami at nalasing na paunti-unti. Hindi ko na napigilan na hindi sabihin kung ano ba talaga ang problema ko. Tawa sila nang tawa sa akin pero hindi ko sila pinansin. ‘’Alam niyo yung sakit na naramdaman ko noong narinig ko na magpapahatid siya sa work sa Benedict na iyon? Hindi matanggap ng tainga ko iyon. May kirot din sa dibdib ko! Hindi ko alam, bakit ang sakit pa rin hanggang ngayon?’’ sabi ko sa kanila. ‘’Oh, kakasabi mo lang kanina na hindi naman si Aurora Feliz ang dahilan kung bakit ka nag-iinom nang ganitong kaaga tapos iyan ang sasabihin mo sa amin ngayon? Natatawa talaga kami sa iyo eh,’’ sabi ni Jairus sa akin. ‘’Eh mga pare, alam niyo naman na siya pa rin. Basta, ang sama ng loob ko na nakalimutan na niya ako,’’ may lungkot sa boses ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon. ‘’Nakalimutan mo na rin yata na ikaw ang nang-iwan sa kanya kaya siya ganyan sa iyo ngayon. Ano ka ba?’’ sagot ni Jairus sa akin. ‘’Hindi eh, dapat hindi niya ako nakalimutan kasi siya, hindi ko rin naman kinalimutan, di ba? Ang pangit naman ng Benedict na iyon eh!’’ sabi ko. ‘’Hay, naku! Uminom na nga lang tayo para kahit papaano makalimutan mo na iyan. Saka, huwag kang iiyak. Hindi dapat naiyak ang lalaki sa ganyan ha,’’ sabi naman ni Leo sa akin. Hindi na lang ako nagsalita pero gusto ko nang sumabog. Pagkatapos kong uminom ay dumeretso ako sa bahay. Lasing na lasing ako pero alam ko pa naman ang ginagawa ko. Humiga ako sa kama at doon ay nag-isip isip. Ano na kaya ang gagawin ko ngayon na ganito na ang sitwasyon natin? Aurie, mahal na mahal kita. Isa pang pagkakataon ang ibibigay ko sa ating dalawa. Pangako ko sa iyo na .gagawin ko ang lahat para mapasagot kita ulit, pero kapag hindi pa rin gumana ay aalis na ako dito sa Manila at babalik na ako sa Mindoro. Sana ay mapalambot kita bago ako umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD