Chapter 18

1130 Words
Ellion Jase Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa si Aurie nang lumabas siya sa kanyang kwarto pagkatapos niyang maligo. Eh kanina lang, inis na inis siya sa akin ah? Ano iyon? Parang baliw? Ngumiti ako sa kanya nang magtama ang mata naming dalawa pero kitang-kita ko na ayaw niya talaga akong makita dahil nakasimangot na naman siya sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung totoo ba yung sinabi sa akin ni Tita kanina o hindi. ‘’Naku, alam mo ba noong mga unang linggo mo palang sa Mindoro eh para siyang bata na inagawan ng candy tuwing naaalala ka niya? Hindi ko siya mapigil noong mga oras na iyon eh.’’ ‘’Ah, talaga po? Hindi ko a;am iyon ah. Naku Tita, pasensya na po talaga kayo sa akin kung iniwan ko noon si Aurie. Para rin naman po sa kanya iyon eh, ayaw ko naman po kasi siyang madamay na sa problema ko,.’’ ‘’Alam ko naman iyon, Ellion. May mga kailangan ka rin namang unahin para sa sarili mo. Alam kong inuna moa ng pangarap mo kaya wala namang problema sa akin iyon.’’ ‘’Salamat po, akala ko po kasi ay parehas kayo ni Aurie na galit sa akin.’’ ‘’Alam mo, medyo childish pa kasi ang anak ko noon. Well, hanggang ngayon naman kasi hindi pa rin siya maka-move on sa ginawa mo. Akala niya, iniwan mo siya para sa iba.’’ ‘’Iyon na nga rin po ang naging problema ko noon kaya hindi ko rin po siya mapuntahan dito noon kahit gusto ko na siyang kausapin. Alam ko po kasing sarado ang utak niya sa mga sasabihin ko eh.’’ ‘’Hayaan mo, nandito ka naman na sa Manila ngayon kaya makukuha mo ulit ang loob ng anak ko kung sakali man na may balak ka. Suportado ko kayong dalawa sa kung ano man ang gusto ninyo. Ano ka ba? Para na nga kitang anak, hindi ba?’’ ‘’Ah, isa pa nga po iyon sa problema ko eh. Baka hindi rin naman po ako magtatagal dito sa Mindoro, aalis na rin po siguro ako pagkatapos ng ilang araw dahil marami rin po akong aayusin sa Manila eh.’’ ‘’Ah, iyon lang. Sayang naman.’’ Bumalik na ako sa ulirat nang marinig ko ang boses nina Tita at Aurie. ‘’Wow, blooming. Inspired ka ba? Siguro, dahil nandito si Ellion kaya ka nagkaganyan, ano?’’ sabi agad ni Tita kay Aurie. ’Ha? Ano ka ba, Mommy? Hindi po ganoon iyon, masaya lang po ako kasi-‘’ hindi na natapos ni Aurie ang sasabihin niya dahil sumagot agad si Tita sa kanya. ‘’Hay, naku! Oo nga pala anak, sabi ni Ellion sa akin ay kung pwede ka daw niyang ihatid sa trabaho. Huwag kang mag-alala, sinabi ko naman sa kanya na ayos lang sa iyo kaya naman, makakaalis na kayo,’’ sabi ni Tita. ‘’Ay, pasensya na po, Mommy ha? Nakausap ko po kasi si Benedict at sabi po niya sa akin ay siya ang maghahatid sa akin sa work. Kung ayos lang naman poi yon sa inyo, nasabihan ko na po kasi siya eh. Nakakahiya naman po kung hindi ko ituloy eh papunta na po yung tao rito,’’ sagot ni Aurie na labis naming kinalungkot ni Tita. Parang isang malaking sampal sa akin iyon na hindi na talaga niya ako tanggap sa buhay niya. Kaya hindi ko rin talaga alam kung itutuloy ko pa baa ng panliligaw sa kanya o hindi na eh kasi meron na pala siyang Benedict. Sa pagkaka-alala ko kasi, iyon yung humalik sa kanya noong nasa Alumni Homecoming kami. Nagkamabutihan pala sila. ’Naku, sayang naman eh ready na ready na si Ellion na ihatid ka sa trabaho. At saka, akala ko ba ay wala kang boyfriend? Hindi mo kini-kwento iyang Benedict na iyan sa akin ah!’’ sagot ni Tita. ‘’Ah, ayos lang naman po, Tita. Kung may susundo naman pop ala sa kanya eh di ayos po sa akin iyon. Uuwi na po ako,’’ may lungkot sa boses ko noong sinabi koi yon. Para malaman niya na hindi ko gusto yung sinabi niya at may pake pa rin naman ako sa kanya. ‘’Iyan, umalis ka na rito dahil kanina pa naman kita gustong umalis, hindi ba? Nagtataka nga ako ngayon kung bakit nandito ka pa rin eh,’’  pagtataray pa sa akin ni Aurie. Ang sakit. ‘’Anak, iyan ka na naman ah. Umayos ka sa mga sinasabi mo kay Ellion. Ano ka ba?’’ sagot agad ni Tita kay Aurie. ‘’Naku, Tita. Hayaan niyo na po si Aurie sa mga sinasabi niya sa akin. Tama naman po eh. Kanina pa niya ako gustong umalis pero hindi ko ginagawa. Pasensya na po sa abala,’’ sagot ko naman. Ayaw ko na rin kasing makita pa ang Benedict na iyon. Nagpaalam na ako kay Tita, hinayaan naman niya ako na umalis an. Siguro ay naramdaman na rin niya na hindi na ako okay sa sinasabi ni Aurie sa akin. Pagkalabas ko ng bahay nila ay tinawagan ko agad si Jairus para sabihin na tawagin ang buong tropa dahil ayaw koi tong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ilabas ang lahat ng nasa isip ko sa kanila at alam ko rin na sila lang ang makakaintindi sa akin. ‘’Pare, pwede akong pumunta sa inyo ngayon? Tara, inom tayo dyan sa inyo!’’ yaya ko sa kanila. ‘’Oh, wala ka bang trabaho ngayon? Saka, bakit naman ang aga-aga mong magyaya ng inuman? Bago iyon ah. May problema ka ba?’’ tanong ni Jairus sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Kapag inaalala ko kung gaano kasaya si Aurie noong sinasabi niya ang pangalan ni Benedict ay inis na inis pa rin ako. Hindi ko nga alam kung inis lang ito, selos na yata eh. ‘’Ah, basta. Saka ko na lang sasabihin kapag nandyan na ako mamaya sa bahay mo. Ano? Ayos lang ba na pumunta ako dyan?’’ tanong ko, alam kong ramdam ni Jairus ang gigil sa boses ko. ‘’’’Oo naman, ramdam ko na may problema ka eh kaya sige, tara rito sa bahay,’’ sabi ni Jairus sa akin. ‘’Oh, tawagin mo rin yung iba nating barkada ha? Ayaw ko naman na tayo lang dalawa, di ba? Ang lungkot naman yata noon,’’  sagot ko. ‘’Oh sige ba, ako na ang bahalang magyaya sa kanila. Basta, pumunta ka na rito ha? Hihintayin kita,’’ sabi ni Jairus sa akin at binaba na niya ang tawag pagkatapos noon. Aurie, ngayon lang ito. Gusto muna kitang kalimutan dahil ang sakit-sakit na ng mga narinig ko kanina. Oo, alam kong ako ang nang-iwan pero ito na nga eh, gusto ko nang ayusin ulit. Kung alam ko lang na magiging ganito tayo, hindi n asana kita pinakawalan pa noon. Sana, pinili kita kaysa ang nararamdaman kong emosyon noong mga panahon na iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD