Chapter 17

1066 Words
Aurora Feliz            Nakita ko na nag-uusap si Mommy at si Ellion sa sofa. Inis na inis ako dahil sinabihan ko na si Ellion na umuwi na sa bahay nila tapos nandito pa rin siya sa amin?! Ano bang hindi niya maintindihan eh tagalog naman ýong sinabi ko?! Nagmadali akong nagbihis para lumabas na sa kwarto ko. Gustong-gusto ko na siyang paalisin sa bahay namin. Habang nagbibihis ako ay tinawagan ko si Benedict para sabihin na pumunta sa bahay namin. ‘’Benedict, pwede ba favor? Pumunta ka naman sa bahay namin at sunduin mo ako, oh?’’ sabi ko sa kanya, alam kong magtataka siya sa sinabi ko. Dahil iyon sa ayaw ko na siyang manligaw sa akin pero kailangan ko siya ngayon kaya gagawin koi to. Sorry Benedict, gusto ko lang kasi na layuan na ako ni Ellion dahil alam kong kapag naging close na naman kami sa isa’t isa ay baka mahulog na naman ako sa kanya. ‘’Ha? Bakit naman eh di ba nga hindi mo naman na ako sinagot? Bakit ngayon ay ganyan ka na? Naihipan ka na ba ng masamang hangin?’’ tanong ni Benedict sa akin. ‘’Ano ka ba? Hindi naman sa ganoon. Wala lang, baka kasi mamaya ay umulan di ba? Paano ako? Tulungan mo naman na ako, please?’’ sabi ko pa sa kanya. Alam ko naman na mahuhulog din ito sa akin. Mahal na mahal kasi ako nito kahit na ilang beses ko na siyang sinabihan na ayaw ko sa kanya. Promise, Benedict. Ngayon lang naman ito. Alam ko naman na aalis din iyan si Ellion dito sa Manila dahil babalik din siya sa Mindoro pagkatapos nito. Sana ay huwag nang bumalik. Umiinit lang ang ulo ko sa kanya eh. ‘’Sige na nga. Papayag na ako. Hindi ko man alam kung  bakit mo ako pinapapunta dyan eh pupunta pa rin ako. See you! Magbibihis lang ako,’’ sabi ni Benedict sa akin. Sabi ko na nga ba at bibigay din siya sa gusto kong mangyari. Nang makausap ko na siya ay masaya akong lumabas ng aking kwarto. Inayos ko ang aking sarili at pakanta-pakanta pa. Napatingin tuloy sa akin sina Mommy at Ellion. Takang-taka sila sa kilos ko. Lalo na si Ellion dahil alam niya kanina na inis na inis ako sa kanya. At ngayon, biglang ayos na ayos na ako at parang hindi ko siya nakikita. ‘’Wow, blooming. Inspired ka ba? Siguro, dahil nandito si Ellion kaya ka nagkaganyan, ano?’’ sabi agad ni Mama sa akin na labis ko namang kinainis pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. ‘’Ha? Ano ka ba, Mommy? Hindi po ganoon iyon, masaya lang po ako kasi-‘’ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot agad si Mommy sa akin. ‘’Hay, naku! Oo nga pala anak, sabi ni Ellion sa akin ay kung pwede ka daw niyang ihatid sa trabaho. Huwag kang mag-alala, sinabi ko naman sa kanya na ayos lang sa iyo kaya naman, makakaalis na kayo,’’ sabi ni Mommy na lalo kong kinainis. Bakit ba siya nagde-desisyon nang hindi ko alam? Nakakainis! Wala kayong magagawa. Nakausap ko na si Benedict at sisirain ko na kaagad ang gusto niyong mangyari! Hay, naku Mommy! Hindi ko alam kung bakit naniniwala ka pa rin sa lalaking iyan eh niloko na nga ako niyan, hindi ba? Isa pa, anak mo ako. Dapat kampi ka sa akin eh! ‘’Ay, pasensya na po, Mommy ha? Nakausap ko po kasi si Benedict at sabi po niya sa akin ay siya ang maghahatid sa akin sa work. Kung ayos lang naman poi yon sa inyo, nasabihan ko na po kasi siya eh. Nakakahiya naman po kung hindi ko ituloy eh papunta na po yung tao rito,’’ sagot ko. Nalungkot ang mukha ni Mommy. Bigla siyang napatingin kay Ellion na para bang sinasabi niyang sorry dahil hindi masusunod kung ano man ang plano nila. Malungkot din ang naging response ng mukha ni Ellion sa akin. Dahil doon, alam ko nang nanalo ako sa kanila. ‘’Naku, sayang naman eh ready na ready na si Ellion na ihatid ka sa trabaho. At saka, akala ko ba ay wala kang boyfriend? Hindi mo kini-kwento iyang Benedict na iyan sa akin ah!’’ sabi ni Mommy sa akin. ‘’Ah, ayos lang naman po, Tita. Kung may susundo naman pop ala sa kanya eh di ayos po sa akin iyon. Uuwi na po ako,’’ may lungkot sa boses ni Ellion nang sabihin niya iyon kay Mommy. Diyos ko, akala mo naman ay totoo ang mga sinasabi mo ngayon eh inwan mo nga ako dati! Ewan ko talaga kung ano ang gustong ipahiwatig ngayon nito sa akin eh! Bakit ka pa kasi bumalik, ha? ‘’Iyan, umalis ka na rito dahil kanina pa naman kita gustong umalis, hindi ba? Nagtataka nga ako ngayon kung bakit nandito ka pa rin eh,’’  pagtataray ko na naman sa kanya. ‘’Anak, iyan ka na naman ah. Umayos ka sa mga sinasabi mo kay Ellion. Ano ka ba?’’ sagot agad ni Mommy sa akin. ‘’Naku, Tita. Hayaan niyo na po si Aurie sa mga sinasabi niya sa akin. Tama naman po eh. Kanina pa niya ako gustong umalis pero hindi ko ginagawa. Pasensya na po sa abala,’’ sabi ni Ellion kay Mommy. Tuwang-tuwa ako noon dahil alam kong nanalo na ako. Nakita ko nang umalis siya sa bahay. Tumingin pa nga siya sa akin bago tuluyang lumabas mula roon sa pinto eh. Hindi ako ngumiti, nakasimangot ako para alam niyang inis na inis ako sa mga ginawa niay simula pa kagabi. ‘’Hay, naku! Salamat naman at wala na ang bangungot sa buhay ko. Makapag-ayos na nga at darating na si Benedict mamaya,’’ sabi ko pagkalabas ni Ellion mula sa bahay namin. ‘’Huy, ano ka ba? Bakit ba nag-iba ang ihip ng hangin noong nandito na si Ellion? Hindi ba, matagal mo na ngang gusto na mangyari ito? Ano pang ina-arte mo dyan? Isa pa, sino naman si Benedict? Bakit hindi ko alam na may manliligaw ka pala?’’ may inis sa boses ni Mommy nang sabihin niya iyon pero ako ay natatawa na lang sa kanya. Hinabol pa niya ako sa aking kwarto pero pasensya siya, wala naman siyang mapapala sa akin. Kay Ellion siya kumampi kaya doon na lang siya. Hindi ko rin alam kung anong klaseng gayuma ang nilagay ng ex-boyfriend ko para maging okay sila ng nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD