Tapos na kaming kumain noon. Tahimik lang ako pero tawang-tawa ako kay Aurie dahil kahit naghuhugas siya ng pinggan ay nakasimangot pa rin siya. Dahil doon, I offered na ako na ang maghugas ng pinagkainan namin since ako naman ang bisita nila. Nakakahiya naman kasi. Wala naman akong gagawin sa bahay. Isa pa, hindi pa ako nakakabawi sa Mommy ni Aurie.
‘’Oh, mukhang inis na inis ka pa rin sa akin ah? Mababasag na yata yung mga pinggan dahil sa gigil mo sa kanila. Ako na lang ang maghuhugas,’’ sabi ko.
Tumingin siya sa akin, nakasimangot pa rin pero kilig na kilig naman ako deep inside kasi ibigsabihin, may pake pa rin siya sa akin kahit papaano. If it still affects her, may pag-asa pa rin ako sa kanya.
‘’Huwag na! Ako na lang. Nakakahiya naman kasi sa iyo, bisita ka pa namin. Tiyak ko na magagalit na naman si Mommy sa akin kapag gumalaw ka rito sa bahay. Isa pa, mukhang ikaw ang babasag ng plato namin, hindi ako,’’ sagot ko, na sa sobrang lakas ay pwedeng-pwede na lumabas si Mommy sa kwarto niya.
‘’Oh, hinaan mo yung boses mo, ha? Baka marinig ka ni Tita, mapagalitan ka pa. Alam mo naman, sa akin pumapanig si Tita at hindi sa iyo,’’ pang-aasar ko pa. ang cute niya kasi talaga eh.
‘’Hay, naku! Kahit yata kailan, wala akong mapapala sa iyo eh ano? Dyan ka na nga, gusto ko kapag lumabas na ako ng CR ay wala ka na rito sa bahay ha? Naku, sinasabi ko sa iyo talaga kapag nandyan ka pa mamaya, lagot ka sa akin!’’ inis na sabi niya, pagkatapos ay pumunta na sa kwarto niya para kunin ang towel niya para maligo.
Bago pa man siya makapasok sa CR ay nagtanong ako sa kanya habang naka-upo sa sofa nila.
‘’Hmm, hihintayin kita. Pwede bang ako ang maghatid sa iyo sa work?’’ nakangiting tanong ko. This time, seryoso na ako at parang gusto ko siyang ligawang muli.
‘’Ano bang utak ang meron ka, ha? Di ba, kakasabi ko lang kanina sa iyo na ayaw na kitang makita mamaya kapag lumabas na ako mula sa CR? Tagalog naman iyon ah, anong hindi mo maintindihan doon?’’ inis na inis na sagot niya sa akin.
‘’Ah, seryoso kasi ako. Pwede bang ihatid kita sa office mo? Wala naman kasi akong gagawin sa bahay. I mean, kaya nga ako nandito sa Manila ay para makapag-bakasyon din ako kahit papaano,’’ seryoso na ako nang sinagot ko iyon sa kanya.
‘’Ewan ko sa iyo. Kaya ko naman ang sarili ko kaya huwag ka nang mag-abala pa na ihatid ako sa trabaho. Hindi mo na kailangang gawin iyon. Hindi naman na tayo,’’ may diin sa mga huli niyang salita.
Ngumiti lang ako at kunwari ay natawa sa sinabi niya pero ang totoo noon ay sobrang sakit sa akin dahil parang ang laking sampal noon. Para bang sinabi niya na wala na akong pag-asa na balikan siya.
Hindi pa rin ako umalis sa bahay nila. I waited for her. Lumabas si Tita mula sa kwarto niya at doon, nagkwentuhan na naman kami bago tuluyang lumabas si Aurie sa banyo.
‘’Oh, hindi ka pa rin pala naalis, Ellion. May hinihintay ka pa ba? Ang alam ko, naliligo na si Aurie ngayon eh,’’ sabi sa akin ni Tita pagkalabas niya ng kanyang kwarto.
Opo. Hinihintay ko po na sagutin akong muli ng anak niyong si Aurie. Tita, pwede mo kaya akong tulungan? Mukhang malaki ang galit sa akin ng anak niyo eh. Yung tipong kahit nag-sorry na ako eh hindi pa rin iyon sapat para patawarin niya ako sa pagkakamali ko?
‘’Opo, hindi pa ako naalis kasi hinihintay ko pa po si Aurie. Balak ko po sana siyang ihatid sa work. Kung ayos lang naman poi yon sa inyo?’’ pagpapaalam ko kay Tita, para naman talagang pormal ang lahat.
‘’Naku, ayos na ayos sa akin iyan! Alam mo, kahit inis na inis si Aurie sa iyo eh alam kong kilig na kilig na iyon deep inside! Ayaw niya lang ipahalata sa iyo dahil syempre, hiwalay na kayo. Eh may tanong lang sana ako, kung pwede ko lang naman malaman,’’ sabi pa sa akin ni Tita.
Medyo kinabahan ako sa sinabi niyang iyon sa akin pero ayos lang naman kahit na ano pa ang itanong niya. Handa naman ako kasi single pa rin naman ako hanggang ngayon eh.
‘’Oh, Tita, ano po iyon?’’ sagot ko.
‘’Ah, single ka pa rin ba hanggang ngayon?’’ tanong niya.
Sabi ko na eh, iyon ang itatanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa tanong niya dahil halatang-halata ko na boto pa rin siya sa akin hanggang ngayon.
‘’Ah, opo. Single pa rin po ako hanggang ngayon, Tita. Busy po sa trabaho ko sa Mindoro. Actually, ngayon lang nga po ako naka-uwi ulit ng Manila eh,’’ sagot ko naman.
Ngumiti siya nang malaman niyang single pa rin ako. Natatawa ako deep inside pero hindi ko naman pwedeng ipakita dahil nakakahiya rin naman kay Tita. Lalo na at ako ang nakipaghiwalay sa anak niya noon.
‘’Ah, good iyan. Si Aurie, single pa rin iyan dahil hinihintay ka niyang bumalik dito sa Manila. Buti nga, bumalik ka na eh, hindi na siya malulungkot pa. Sana, dalasan mo na ang pag-uwi mo rito para hindi na malungkot pa ang anak ko,’’ sabi pa ni Titan a labis kong kinatuwa.
‘’Ah, hindi ko lang po alam Tita. Ilang araw lang po ako rito sa Manila eh. Babalik na rin po ako sa Mindoro by next week. Pero, susubukan ko pong umuwi rito sa Manila para mabisita ko po kayo,’’ nakangiti kong sagot sa kanya.
‘’Aba, huwag ako ang bibisitahin mo. Naku, magagalit ang anak ko niyan kapag ako ang binisita mo!’’ panloloko pa niya sa akin.
Natawa naman ako bago tuluiyang sumagot.
‘’Syempre po, kapag binisita ko po kayo ay ibigsabihin noon, binisita ko na rin po siya,’’ seryoso akong ngumiti sa kanya noong sinabi ko iyon sa kanya.
Kitang-kita ko ang kilig sa mga mata ni Tita. Sana, kung paano siya kiligin sa akin ngayon ay ganoon din kiligin si Aurie sa akin, kaso mukhang hindi eh.