Aurora Feliz
Pagmulat ng aking mga mata ay tiningnan ko agad ang orasan. s**t! I’m already late! Bakit ba kasi dito pa natulog ang lalaking iyon? Nakaka-bwisit talaga kagabi. Imbes na umalis siya, nag-stay pa siya rito. Ang kapal ng mukha. Pagkatapos akong iwan, biglang ganoon?
Ellion, ano ka ba? Seryoso ka bang dito ka tutulog? Lasing ka na eh, umuwi ka na lang!’’ sabi ko sa kanya, inis na inis ako.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano niya sa pagpunta niya rito. Ang alam ko, hindi ko naman nasabi sa kanya kung saan ako nakatira eh. Ang stalker talaga nito kahit kailan eh!
‘’Oo nga, sure naman na dito ako tutulog. Gusto ko nga, tabi tayo eh. Gusto mo ba?’’ matapang pang tanong niya sa akin.
Malakas din talaga ang tama nito sa ulo eh. Ano bang meron at iyon ang nasa isip niya? Iiwan niya ako tapos biglang susulpot na lang siya at sasabihin ‘tong mga bagay na ito sa akin? Bakit? Dahil ba hindi naging maayos ang relasyon nila noong babaeng pinalit niya sa akin?
‘’Umayos ka nga, Ellion. Alam mo, galit na galit ako kapag nasasabi ko ang pangalan mo. Kaya kung ako sa iyo ay umalis ka na lang dito,’’ mataray kong sagot sa kanya.
Pagewang-gewang siya nang pumunta sa kama ko. Nagulat na lang ako na naout of balance siya sa may kama, kaya naman nalaglag ako sa ibabaw niya. Nanlaki ang mga mata ko, siya naman ay tawa nang tawa sa nangyari.
Noong mga oras na iyon ay parang gusto ko na lang na magpakain sa lupa sa sobrang hiya ko sa kanya. Alam ko na tawang-tawa siya sa itsura namin ngayon kaya lalo akong nainis sa sarili ko at sa kanya.
‘’Oh, akala ko ba eh ayaw mo sa akin? Sa pwesto natin ngayon, parang ikaw pa nga ang may gusto sa akin eh, di ba? Haynaku-‘’ hindi na natapos ang kanyang sinasabi dahil sinampal ko siya agad. Pagkatapos ay tumayo agad ako.
‘’Aray! Ang sakit ha? Ang sakit mo manampal! Nagising ako roon ah!’’ sabi niya sa akin.
Aba, ang bastos kaya noong sinabi niya sa akin. Isa pa, ganti ko na rin iyon sa pag-iwan niya sa akin noon! Anong akala niya? Hindi ako gaganti?
‘’Ewan ko sa iyo, bahala ka na nga sa buhay mo! Dyan ka na. kung gusto mo dyan matulog, sige!’’ galit na sabi ko sa kanya.
Inis na inis ako and I don’t have the time para intindihin pa ang isang katulad niya. Lumabas na lang ako at doon natulog sa guest room. Haynaku, akala ko ay hindi ko na magiging problema ‘tong lalaking ito pero hanggang ngayon, isa pa rin siyang malaking problema sa akin.
Nakatulog na lang ako sa guest room noon na may galit sa puso ko. Huwag lang talaga siyang makikita ni Mommy. Kung hindi, yari ako. Aasarin ako ni Mommy eh.
Paggising ko, inayos ko na ang sarili ko at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay gulat na gulat ako dahil magkausap na si Mommy at Ellion. Mukhang ang saya-saya pa ng kwentuhan nila. For sure, ako na naman ang pinag-uusapan nila. Wala namang iba eh.
‘’’N-Nandito ka pa rin sa bahay? Bakit hindi ka pa naalis?’’ tanong ko sa kanya. Sinugarado ko na ramdam niya na ayaw ko na siya sa bahay namin.
‘’Anak, bakit naman ganyan ka sumagot? Aba, dapat hindi ganyan. Bisita mo si Ellion kaya dapat ay maging mabait ka sa kanya. Umayos ka, Aurie,’’ sagot naman ni Mommy na kinainis ko. Bakit ba kamping-kampi siya sa ex-boyfriend kong ito? Simula pa lang noon, ganoon na siya eh.
‘’Mommy, tinatanong ko lang naman siya kung bakit nandito pa siya. Anong oras na eh,’’ sagot ko naman.
‘’Kakagising ko lang, actually. Uuwi naman na ako ngayon kaya lang nakita ako ni Tita kaya nag-usap muna kami,’’ sabat naman ni Ellion sa amin ni Mommy.
‘’Ah, Ellion. Kumain ka muna ha? Hayaan mo iyan si Aurie. Ako ang bahala sa anak ko. Kumain ka na muna rito. Ikukuha kita ng plato mo ha?’’ sabi pa ni Mommy.
Diyos ko, bakit ba ganito sila sa akin? Mabait naman ako ah? Nasa kanila ang problema, wala naman sa akin. Di ba?
‘’Naku, huwag na po. Nakakahiya naman po sa inyo at ayaw din po yata ni Aurie na nandito ako, Tita,’’ sabi ni Ellion.
Aba, nagpapa-awa pa siya sa Mommy ko? Ang kapal talaga ng mukha eh. Syempre, dahil boto pa rin si Mommy sa kanya ay hindi papayag ýon na umalis itong si Ellion. Hay, naku!
’Hindi. Hayaan mo si Aurie at baliw ang batang iyan. Oh, ito na ang plato mo. Kumain ka ng marami,’’ yaya na ni Mommy sa kanya.
Sabi ko na eh. Imbes na umalis siya, tatagal pa siya rito. Nakakainis!
‘’Oh, sige po. Sabi niyo eh,’’ sagot ni Ellion kay Mommy.
Ang bait-bait niya kay Mommy pero alam kong tuwang-tuwa siya ngayon dahil nagagamit niya si Mommy sa pang-aasar niya sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pinakilala ko pa ýon kay Mommy eh o kung bakit sinagot ko siya in the first place!
‘’Mommy naman! Huwag na! Ellion, di ba busy ka naman sa work mo? Okay na siguro yung pagtulog mo rito sa bahay namin, di ba? Pwede ka naman na sigurong umuwi?’’ tutol ko na, hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil naalala ko na naman ang nangyari sa amin kagabi sa kwarto ko!
‘’Ah, pwede naman akong kumain dito. Wala namang problema sa akin. Mukhang masarap din kasi yung nilutong umagahan ni Tita eh. Promise, pagkatapos nito ay uuwi na ako. Tutal, iyon naman ang gusto mong mangyari eh,’’ sagot sa akin ni Ellion.
Wala na akong nagawa dahil ayaw ko rin namang mapagod agad ako sa umagang ito eh kakasimula pa lang ng araw ko. Umupo na lang ako sa tabi ni Mommy. Kitang-kita nila na nakasimangot ako pero silang dalawa ay tawa nang tawa sa akin.
Hay, naku Ellion! Bakit ka pa kasi bumalik sa buhay ko? Anong balak mo?