Chapter 14

1026 Words
Ellion Jase Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko noong panahon na iyon at kung bakit hinalikan ko sa noo si Aurie. Siguro ay dahil sa sobrang kalasingan ko kaya ko iyon nagawa at pati na rin sa labis na pagka-miss ko sa kanya kaya iyon nangyari sa amin. Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Tiningnan ko ang paligid ng kwartong iyon kung nasaan ako at alam ko sa aking sarili na hindi sa akin iyon. Ang girly ng tema ng kwarto niya eh, talagang hindi sa akin ito. Nang ma-realize ko na nasa pangbabae akong kwarto, eh napasapo na lang ako sa noo ko. Mukhang nasa bahay pa rin ako nina Aurie. Diyos ko, patay ako nito! Agad akong napabangon sa kama at hinawakan ang ulo ko. Ang sakit-saki. Para akong mina-martilyo. Agad akong lumabas sa kwartong iyon at hindi ko na naisip na baka nandito ang Mommy ni Aurie paglabas ko. Nanlaki ang mga mata namin pareho nang magtama ang mga mata namin sa isa’t isa. Tama nga ako, gising na ang Mommy ni Aurie at naghahain na ito ng umagahan para sa kanila. Nang hindi ko makita si Aurie sa paligid ay napatanong na lang ako sa aking sarili. Kung doon ako natulog sa kwarto niya. Saan naman siya natulog? Oh, huwag naman sanang tabi kami sa kama kagabi? Sa pagkaka-alala ko naman kasi, hindi naman kami nagtabi ni Aurie eh. ‘’Hi po, Tita. Gusto ko lang po sanang tanungin kung nasaan po si Aurie ngayon? Hindi ko po kasi siya nakita kanina sa kwarto niya,’’ nahihiyang tanong ko kay Tita nang magkita kami. Sobrang hina ng boses ko dahilsa sobrang hiya ko sa kanya. Siya naman ay sobrang ngiti sa akin. ‘’Ah, eh natulog siya doon sa guest room. Hindi ko nga alam na doon siya natulog eh. Ngayon, alam ko na. Nandyan ka pala,’. Kamusta ka na?’’ nakangiti pa rin si Tita sa akin hanggang ngayon kaya hiyang-hiya ako sa kanya. ‘’Ah, okay naman po ako, Tita. Kayo, kumusta na po?’’ tanong ko naman sa kanya dahil nahihiya talaga ako. ‘’Ayos naman ako, Ellion. Alam mo, buti na lang talaga at tulog pa si Aurie ngayon. Ibigsabihin, pwede pa kitang kausapin tungkol sa nangyari sa inyo noon,’’ sabi ni Tita sa akin na labis kong kinagulat. ‘’Ha? Bakit po Tita? Naku, kung ano man po ang nangyari sa amin noon ay ayos na po siguro iyon. Parehas naman na po siguro kaming naka-move on, di po ba?’’ sagot ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mahihiya sa sinasabi ng Mommy ni Aurie sa akin ngayon. Kung kaharap lang namin si Aurie, sure ako na galit na galit na iyon sa amin ngayon. Wala pa man siya pero rinig na rinig ko na ang boses niya. ‘’Naku, ýan ang hindi mo alam tungkol kay Aurie. Akala mo, naka-move on na sa iyo ýon? Naku, kilala ko ang anak ko at sasabihin ko sa iyo na hindi pa siya moved on sa nangyari sa inyo,’’ sabi ni Tita sa akin. Napa-isip tuloy akong maigi kung totoo baa ng sinasabi niya sa akin. Kung totoo iyon ay sobrang saya ko siguro. Kaya lang, hindi ko pa naman naririnig mula kay Aurie ang totoong sagot kaya ayaw ko munang maniwala kay Tita kahit na siya pa ang nanay ni Aurie. ‘’Naku, hindi naman po natin alam ýan kung totoo o hindi. Basta po masaya naman siya ay ayos na po ako roon,’’ sabi ko na lang kay Tita. Gusto ko na lang din matapos ito at baka magising na si Aurie mamaya eh. Tumahimik na lang si Tita at ilang minuto lang pagkatapos ng usapan namin ay bigla na lang lumabas sa guest room si Aurie. Nagulat yata siya nang makita niya ako. Halos parang gusto na niyang bumalik sa guest room nang magtama ang mga mata namin. ‘’’N-Nandito ka pa rin sa bahay? Bakit hindi ka pa naalis?’’ tanong niya sa akin, may inis sat ono ng boses niya pero dinedma ko lang at ngumiti bago ako sumagot.’’ ‘’Anak, bakit naman ganyan ka sumagot? Aba, dapat hindi ganyan. Bisita mo si Ellion kaya dapat ay maging mabait ka sa kanya. Umayos ka, Aurie,’’ sabi ni Tita. ‘’Mommy, tinatanong ko lang naman siya kung bakit nandito pa siya. Anong oras na eh,’’ sabi ni Aurie kay Tita. ‘’Kakagising ko lang, actually. Uuwi naman na ako ngayon kaya lang nakita ako ni Tita kaya nag-usap muna kami,’’ sabi ko. ‘’Ah, Ellion. Kumain ka muna ha?  Hayaan mo iyan si Aurie. Ako ang bahala sa anak ko. Kumain ka na muna rito. Ikukuha kita ng plato mo ha?’’ sabi ni Tita sa akin. ‘’Naku, huwag na po. Nakakahiya naman po sa inyo at ayaw din po yata ni Aurie na nandito ako, Tita,’’ sabi ko pa pero gusto ko talagang mag-stay sa bahay nila para makita ko pa si Aurie nang matagal. ‘’Hindi. Hayaan mo si Aurie at baliw ang batang iyan. Oh, ito na ang plato mo. Kumain ka ng marami,’’ yaya sa akin ni Tita. ‘’Oh, sige po. Sabi niyo eh,’’ sabi ko, natatawa ako sa aking isip nang sagutin ko iyon. ‘’Mommy naman! Huwag na! Ellion, di ba busy ka naman sa work mo? Okay na siguro yung pagtulog mo rito sa bahay namin, di ba? Pwede ka naman na sigurong umuwi?’’ tutol ni Aurie, natatawa ako sa kanya sa loob-loob ko. ‘’Ah, pwede naman akong kumain dito. Wala namang problema sa akin. Mukhang masarap din kasi yung nilutong umagahan ni Tita eh. Promise, pagkatapos nito ay uuwi na ako. Tutal, iyon naman ang gusto mong mangyari eh,’’ sagot ko, pagkatapos ay pumwesto na sa hapagkainan. Wala nang nagawa si aurie. Umupo na lang siya sa tabi ni Tita. Kita ko namang tawa nang tawa ang kanyang ina dahil sa inis na inis si Aurie sa amin. Ang cute mo pa rin kahit na galit ka, Aurie. Kung pwede lang na pawiin ko ang inis mo ay gagawin ko pero wala na akong power para roon eh. Hiwalay na kasi tayo.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD