Chapter 13

1165 Words
Aurora Feliz Busy na busy ako nang gabing iyon dahil nagluto ako ng sinigang na hipon. Paborito iyon ng aking ina kaya talagang ginalingan ko ang pagluto noon. Syempre, gusto ko ang the best ang ibibigay ko kay Mommy pagdating sa pagluluto. ‘’Ano, Mommy? Masarap ba ang niluto ko para saýo?’’ tanong ni Aurie sa kanyang Mommy pagkatapos ay ngumiti. ‘’Oo naman anak. Gustong-gusto ko kaya. Salamat dahil ginawa mo ito. Naalala ko tuloy ‘yong panahon na ako pa ang nagluluto para sa iyo. Haynaku. Ngayon, ang laki-laki mo na at ikaw na ang nagluluto para sa akin. May tanong tuloy ako para sa iyo,’’ sabi ng Mommy niya. ‘’Oh, ano naman po ýon, Mommy?’’ may pagtatakang tanong ko kay Mommy. ‘’Ikaw, kailan ka mag-aasawa? Yung anak ng kaibigan ko, may apo na eh. Anak, hindi naman sa pine-pressure kita ah. Gusto ko lang naman malaman kung kailan?’’ may nakakalokong ngiti na sabi ni Mommy sa akin. ‘’Haynaku, si Mommy talaga. Kung anu-ano ang sinasabi sa akin. Kung makatanong ka naman ng kailan dyan eh parang may boyfriend na ako? Aba, gusto ko lang ipa-alala ha? Wala po akong boyfriend,’’ kunwari ay pikon na sagot ko naman sa kanya. ‘’Ah, wala pa rin ba? Akala ko ay kayo na ulit ni Ell-‘’ hindi na natapos ni Mommy ang kanyang sasabihin dahil pinigilan ko siya.. ‘’Mommy naman! Ayaw ko nang marinig ýan. Alam mo naman na hindi ko na siya binabanggit ngayon, di ba?’’ inis na inis na sabi ko sa kanya. ‘’Pero mahal mo pa rin ba siya, anak? Tanong ko lang naman,’’ natatawa si Mommy ng itanong ýon sa akin pero naiinis pa rin ako sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya, Mommy. Kung alam mo lang. Kung pwede ko lang aminin iyan sa kanya ay ginawa ko na dati pa. ‘’Diyos ko, Mommy! Alam ko naman kung ano ang sagot ko dyan. Hindi na, ano. Wala na akong paki-alam dyan sa lalaking iyan,’’ pagsisinungaling ko pa sa kanya. ‘’Eh? Kilalang-kilala kita, aurie. Alam ko na kahit isang taon na ang nakalipas sa break-up niyo ay mahal mo pa rin siya,’’ pang-aasar pa ni Mommy sa akin. ‘’Wala na nga, Mommy. Promise ko ýan sa iyo. Hindi ko na po siya mahal,’’ pagsisinungaling ko ulit kay Mommy. Parang niloloko ko lang ang sarili ko sa mga sinasabi ko kay Mommy. Eh samantalang noong nakita ko nga siya noong isang araw ay doon ko nakumpirma na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon eh. ‘’Ewan ko sa iyo, anak. Basta ako, alam ko na mahal mo pa rin siya kahit iyan ang sinasabi mo sa akin ngayon. Anak kita eh. Syempre, kilala kita,. O siya sige, magligpit ka na ng pinagkainan natin at ako ay papasok na sa loob ng kwarto ko ha?’’ sabi ni Mommy sa akin pagkatapos ay ngumiti. ‘’Opo, Mom,my. Ako na po ang bahala rito. Goodnight po, ha? I hope you will sleep well tonight. I love you so much,’’ sabi ko sa kanya. ‘’I love you too, anak. Goodnight. Matulog ka rin nang maaga ha? Mauuna na ako sa iyo,’’ sabi ni Mommy sa akin at tumaas na nga siya sa kanyang kwarto. Pagkatapos noon ay niligpit ko na nga ang pinagkainan namin. Pagkatapos kong maghugas ay ppanhik na sana ako sa kwarto ko pero may narinig akong katok mula sa pinto kaya pumunta ako roon para pagbuksan kung sino man siya. Noong una nga ay kinakabahan ako kasi sino ba naman ang pupunta ng ganitong oras sa amin, hindi ba? Nagulat na lang ako nang buksan ang pinto dahil ang nakita ko ay si. Ellion. Gusto kong magpalamon sa lupa noon dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ha? Bakit siya nandito? Isa pa, bakit niya alam kung saan kami nakatira? “Ellion? W-what are you doing here?” gulat na tanong ko sa kanya. “Nothing, I just want to see if you are fine. Mukhang maganda naman ang bahay na nilipatan niyo ni Tita. Good for you,” sagot niya, halatang-halata ko na lasing na lasing siya. “L-lasing ka ‘no? Amoy alak ka,” sabi ko sa kanya, hindi ko kasi matiis. Ang tapang ng amoy noong alak sa katawan niya eh. “H-huh? Ako? Malalasing? That’s not gonna happen. Actually, kaya ko pa ngang umuwi eh,” sagot niya na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. “No, you are drunk. A-ano bang ginagawa mo? At saka, bakit mo alam ang bahay namin?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang stalker ng peg niya ha! Eh ako nga, wala akong inaalam na tungkol sa kanya eh. “W-wait, hindi ako stalker ha. I asked Jairus to look after your address. H-hindi ko na kasi nahingi noong huli tayong magkita,” sabi pa niya sa akin. “And so? Ano naman sayo? I mean, ano mapapala mo kung malaman mo na kung saan ako nakatira?” mataray kong sagot naman sa kanya. “Well, I can drive you to work habang nandito pa ako sa Manila. Isn’t that great?” pagmamayabang niya sa akin na medyo kinainis ko. “Pati trabaho ko, alam mo? W-what the hell?” hindi makapaniwala kong sabi sa kanya. Wow, hindi daw siya stalker ha? Talaga ba? Wala na akong nagawa. Nandito na siya eh, pinapasok ko na sa bahay namin. Sana lang ay hindi na bumaba pa si Mommy para hindi niya makita si Ellion dito. “A-anong oras ka uuwi sa inyo?” nau-utal na tanong ko sa kanya. Alam kong kakarating niya lang pero ayaw kong magtagal siya rito at baka makita siya ni Mommy. Mahirap na, ano. Umupo muna siya sa sofa bago sumagot sa akin. Tiningnan niya akong maigi. Mula ulo hanggang paa. Lasing nga talaga siya. Mukhang ewan ang mga tingin niya sa akin eh. “Hindi pa nga ako nagtatagal dito, gusto mo na akong paalisin agad? Bakit? May tinatago ka ba sa akin?” sagot niya sa akin. “W-wala naman, hindi lang siguro ako sanay na nandito ka.” Pagkatapos noon ay bigla niya naman akong sinenyasan na umupo ako sa tabi niya sa may sofa namin. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon, baka dahil sa lasing siya. “B-bakit?” I asked him. “Humarap ka sa akin,” utos niya sa akin na labis ko namang kinagulat. “H-ha? W-why?” natatakot na ako sa kinikilos niya. “Basta, just do it.” Pagkatapos noon ay humarap na nga ako sa kanya habang nakaupo kami sa sofa. Tumingin siyang maigi sa akin na labis akong kinabahan. Ilang Segundo pa ay nagulat na lang ako na hinalikan niya ako sa noo. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon. Ellion, mahal mo pa ba ako dahil ginawa mo iyon o nagawa mo lang iyan dahil lasing ka? Pinipilit kong huwag bigyan ng kahulugan ang lahat pero pRng hindi ko kaya.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD