Ellion Jase
Simula noong makita ko siya sa café eh tinanong ko na agad kay Jairus na alamin ang bagong bahay niya. Noong nalaman ko, araw-araw ko siyang tinitingnan sa work place niya at sa bahay. Buti na lang at tinted ang car ko kaya naman hindi niya pansin na ako ang nasa loob ng kotse na lagi niyang nakikita.
“Ano? Inlove ka na ulit? Iniwan mo ah, tapos ngayon susundan mo kahit saan pumunta?” sabi ni Jairus sa akin.
Sinamahan niya ako dahil ihahatid ko rin siya sa bahay niya ngayon. Noong una ay ayaw niyang ibigay sa akin ang address kung saan nakatira si Aurie pero napilit ko rin naman kinalaunan.
“Gusto mo bang makauwi sa inyo? Bakit ka ba nangingialam? Tinitingnan ko lang naman siya, hindi ko naman na babalikan,” sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa window ng kotse ko.
Isang receptionist na ng motel si Aurie. Ngayon ay busy siya sa pakikipag-usap doon sa ka-trabaho niya. Noong isang araw lang, naghahanap siya ng trabaho. Buti ngayon, meron na. alak ko pa sana siyang tulungan nang hindi niya alam pero mukhang hindi na niya kailangan ng tulong ko.
Nang maihatid ko na siya sa bahay nila ay dumeretso agad ako sa bar na malapit kina Jairus. Gusto ko lang tanggalin si Aurie sa isip ko. Oo, malinaw sa akin na mahal ko pa siya, pero wala na akong lakas para balikan pa siya.
Ako ang nakipag-hiwalay, kaya dapat ay kayanin ko ang sakit na dulot ng desisyon kong ito. Okay na sa akin ang makita siya sa malayo, kahit paano ay alam kong safe siya roon.
Ang daming tao sa bar, halo-halong amoy na ang meron. Hindi pa ako nainom, pero nahihilo na ako.
“Good evening, Sir,” bati sa akin ng bartender.
“One Martini, please.”
Habang hinihintay ko na matapos niya ang paggawa ng drink ko ay tiningnan ko naman ang paligid. Same old, same old. May mga naghahalikan sa right side at may nagme-make out naman sa may sofa. Kung sinu-sino ring nagsasayaw doon sa dance floor. Parang mga bata pa, halos mahubadan na nga rin sila ng suot.
Habang nainom ako ng Martini ko, may lumapit sa akin na babae. Sa kilos niya, halata kong lasing na siya eh.
“M-may kasama ka?” she asked me.
“Meron,” mahina kong sagot.
“Kung meron, nasaan?” tanong niya pa ulit.
“Nasa labas, papunta na iyon dito,” pagsisinungalin ko pa.
“Wala pa naman, sayaw muna tayo?” yaya pa niya sa akin.
Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Napabitaw ako sa iniinom ko at napunta na nga kami sa dance floor. Sumayaw-sayaw siya doon. Hindi ko siya pinansin dahil ayaw ko rin namang magkasala ako sa mata ng Diyos.
“Hey, sumayaw ka naman. Ang hina mo naman o. Dali na,” pilit niya pa.
“Ikaw na lang, babalik na ako doon,” sagot ko.
“Ang killjoy mo naman, parang hindi ka pa nakakatikim ng babae. Bakla ka ba?” matapang niyang sinabi sa akin.
May respeto naman ako sa mga babae kaya hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ako sa upuan ko at ininom na lang ang natitirang Martini ko.
Nakailang hingi pa ako ng shot sa bartender bago tuluyang tumigil. Tiningnan ko ang orasan sa phone ko, alas dos na pala ng madaling araw. Kailangan ko na umuwi.
Naglagay ako ng bayad at tip doon sa table, nakita ko namang kinuha iyon ng bartender kaya tumayo na ako para bumalik sa kotse ko.
I know, I’m tipsy as f**k. Medyo naparami ang inom ko ng Martini pero alam ko rin na kaya ko pa rin namang mag-drive. Gladly, mataas naman ang alcohol tolerance ko kaya alam ko na kaya ko pang mabuhay.
Pagpasok ko sa kotse ay tinanggal ko ang kwelyo ng suot kong damit. Naiinitan kasi ako dahil sa ininom ko, parang hindi ako makahinga.
Nagpahinga muna ako saglit bago tuluyang paandarin ang kotse ko. Hindi ko na makita ang daan, ang alam ko lang ay patuloy ako sa pag-andar.
Nakita ko na lang na nasa tapat na ako ng isang bahay. Bahay ni Aurie. Lakas-loob akong bumaba at pumunta sa may pinto. Kulang na lang eh gumapang ako dahil hindi na rin kaya ng mata ko ang mga nangyayari.
I rang the doorbell a lot of times, wala na akong pakialam kung may magising ako sa pamilya ni Aurie o sa mga kapitbahay niya. All I want tonight is to see her smile. Kapag nakita ko ‘yon, uuwi na ako sa bahay ko dito sa Manila.
After fifteen minutes, may nagbukas na ng pinto. I smiled at her, kita ko naman na gulat na gulat siya dahil sa presensya ko.
“Ellion? W-what are you doing here?” gulat na tanong niya sa akin.
“Nothing, I just want to see if you are fine. Mukhang maganda naman ang bahay na nilipatan niyo ni Tita. Good for you,” sagot ko pero sa lasing na tono.
“L-lasing ka ‘no? Amoy alak ka,” paratang niya sa akin.
“H-huh? Ako? Malalasing? That’s not gonna happen. Actually, kaya ko pa ngang umuwi eh,” sagot ko naman na may nakakalokong ngiti sa aking labi.
“No, you are drunk. A-ano bang ginagawa mo? At saka, bakit moa lam ang bahay namin?” nagtatakang tanong niya, kita ko ang takot sa mga mata niya.
“W-wait, hindi ako stalker ha. I asked Jairus to look after your address. H-hindi ko na kasi nahingi noong huli tayong magkita,” sabi ko pa habang ako ay pagewang-gewang.
“And so? Ano naman sayo? I mean, ano mapapala mo kung malaman mo na kung saan ako nakatira?” mataray niyang sabi.
“Well, I can drive you to work habang nandito pa ako sa Manila. Isn’t that great?” pagmamayabang na sabi ko pa sa kanya.
“Pati trabaho ko, alam mo? W-what the hell?” hindi makapaniwala niyang sabi.
“Yes, tinanong ko rin kay Jairus kung ano ang trabaho mo. The last time we talked, sabi mo ay wala kang trabaho kaya nag-alala ako sayo at pinahanap kita sa kanya,” I proudly said it.
“W-why? Why are you doing all of these?” nagtataka pa rin iyang tanong.
“W-wala naman, hindi mo man lang ba ako papapasukin sa bahay niyo?” sabi ko na may mahinang tawa.
Umalis siya sa kanyang kinakatayuan, hudyat na pumasok na ako sa loobb ng bahay nila. May pagtataka pa rin sa mukha ni Aurie.
“A-anong oras ka uuwi sa inyo?” nau-utal na tanong niya.
Umupo ako sa sofa saka ako sumagot. Tiningnan ko siyang maigi, I analyzed her body movements. Mukhang takot na takot siya sa akin. Sabagay, sino ba naman kasing ex-boyfriend ang matinong pupunta ng hatinggabi sa ex-girlfriend niya?
Ako iyon.
“Hindi pa nga ako nagtatagal dito, gusto mo na akong paalisin agad? Bakit? May tinatago ka ba sa akin?” sagot ko.
“W-wala naman, hindi lang siguro ako sanay na nandito ka.”
Ngumiti ako at sinenyasan ko siya na umupo sa tabi ko. Noong una ay ayaw pa niya pero pinilit ko siya.
“B-bakit?” she asked me.
“Humarap ka sa akin,” utos ko.
“H-ha? W-why?” natatakot na siya.
“Basta, just do it.”
Humarap na siya sa akin habang naka-upo kaming dalawa sa sofa. Tiningnan ko siyang maigi, hinawakan ko ang kanyang mukha pagkatapos ay hinalikan ko ang noo niya.
After that, I smiled and kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
Sorry, Aurie but I still love you.